Share

Chapter Sixteen

Lloyd

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Sobrang dami naman kasing pinagawa sa akin ni Daddy kaya naubos talaga ang lahat ng lakas ko dahil sa tambak na gawaing binigay niya. Nagpasiya na akong bumangon upang asikasuhin ko muna ang aking sarili.

Pero teka, bakit ako nakahiga sa kama? Dito ba talaga ako natulog? Nakatulalang iniisip ko ang mga sagot sa mga tanong sa isip ko. Hanggang sa natagpuan ko si Olivia na natutulog sa sofa na dapat ay pwesto ko.

Ano bang nangyari kagabi? Bakit kami nagkapalit ng pwesto? Nag-away ba kami? Pero wala akong matandaan. Ang huling natatandaan ko lang ay ‘yong naupo ako sa couch at pagkatapos no’n ay wala na.

Isa pang umagaw sa atensiyon ko ay ang mga nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Pagkain ba ‘yon? Nagpasiya na akong tumayo at naglakad ng dahan-dahan upang tignan kung ano iyon at tumambad sa akin ang lutong pagkaing may iba’t-ibang putahe. Muli kong nilingon si Oliv

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status