Olivia
Natigil ang mga bulungan nang magsalita ang MC para sa party ni Daddy Richard. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya. Kami naman ni Matthew ay magkasamang nakaupo sa gilid malapit sa stage."Magandang hapon po sa ating lahat! Kamusta po kayo?" pagbati ng MC na nasa mini stage.Narinig kong sabay-sabay na sumagot ang mga bisita. Hanggang ilang sandali pa ay nagsimula na sa pagdarasal at sinundan ng pagpapakilala sa birthday celebrant. Pagkatapos din no'n ay umakyat na sa mini stage si Daddy Richard. Magara ang suot. Naka-toxedo at nakangiting kinawayan ang ilang daang bisita niya.Kagaya ng MC ay sinimulan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng pagbati at sinundan ng pasasalamat sa lahat ng dumalo. Habang nakikipag-kwentuhan sa mga bisita niya habang hawak-hawak ang mikropono, nakita kong napabaling ang tingin niya sa lamesang kinaroroonan namin.Nakita kong sandaling natigilan siya. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi kami magkasama sa lamesa ngOliviaLumipas ang birthday ni Daddy Richard na hindi ko man lang nasilayan ang matamis na ngiti niya na dapat sana’y higit pa sa ngiti niya, ilang araw bago ang kaniyang kaarawan. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pinakamasayang araw niya.Hindi ko tuloy mapigilang makonsiyensiya dahil sa malaking gulong naganap kahapon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Iyon ang unang beses na nakita kong nagalit si Daddy Richard dahil sa tuwing magkikita kami noon ay lagi siyang nakangiti.Bumangon ako at naupo muna sa kama bago ako magbuntong hininga ng malalim. Buti na lang at hindi dito natulog si Lloyd kaya’t hindi ko na kailangang makipag-away pa sa pwestong hindi pa namin napagkakasunduan. Ewan ko ba do’n sa lalaking ‘yon. Ayaw niyang iparaya sa akin ang kama na dapat sana’y ginawa niya, kaso hindi, ‘e.Bakit kasi ang l
Lloyd“Hanggang kailan ako maghihintay sa pinangako mong magsasama na tayo, ha? Pagod na pagod na akong maghintay, Lloyd!” pagmamaktol na sambit ni Francheska habang magkasalubong ang dalawa nitong kilay.Nagbuntong hininga ako habang napapailing na walang tigil na nagpaikot-ikot sa maliit na silid niya. Naiinis na ako, ha? Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya maka-intindi, o sadyang wala lang siyang pakialam.“Ano, Lloyd? Ganito na lang ba tayo palagi? Nagtatago? Nagnanakaw at nanghihiram ng sandali? Pagod na pagod na akong maghintay na tuparin mo ‘yung mga pangako mo sa akin.” Dagdag pa niya na nakapagdagdag sa init ng ulo ko.Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama habang ako naman ay nasa bandang bintana na. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pagkatapos ay inilagay ko ang aking mga kamay sa ilalim ng aking mga braso.“Hindi ba’t sabi k
LloydNagmamadali tuloy akong umalis sa apartment ni Francheska dahil sinabotahe ako ng alarm ko. Ni hndi na nga ako nakapag-paalam pa sa kaniya dahil do’n. Nag-book pa ako ng grab para lang makarating sa restaurant na sinabi sa akin ni Daddy.Nang marating ko ang nasabing restaurant, napansin ko na thirty minutes na rin pala akong late kaya nilakihan ko na lang ang hakbang dahil alam kong kagagalitan na naman ako ni Daddy. Sa sobrang pagmamadali ko nga ay nabangga ko pa ang service crew na may hawak-hawak na tray na naglalaman ng mga platong pinagkainan.Nag-cause pa ito ng dagdag na delay sa akin dahil naglaglagan ang mga pinggan sa aking harapan at hindi lang iyon. Lahat rin ng pinggan na nahulog ay nabasag.“Matagal pa ba ‘yan? Hindi mo baa lam kung gaano karaming oras ko na ang sinayang mo?” sigaw ko habang nakatungo at nakatingin sa service crew na pilit inilalagay sa tray ang mga nabasag na pinggan.
OliviaNasa sasakyan pa lang ay iniisip ko na kung anong gagawin ko pagkauwi ng bahay. Ibang-iba na kasi ang buhay ko ngayon sa buhay na nakasanayan ko. Basta maraming nagbago.Tulad na lang sa paglalaba. Kung dati, ako pa ang naglalaba ng underwear ko, ngayon ay hindi na nila ako hinahayaang gawin iyon. Maging sa paglilinis at iba pang magagaan na trabaho ay hindi rin nila ako hinahayaang gawin iyon.Wala na tuloy akong ibang ginawa kung hindi ang humiga, tumayo, maglakad, maupo at kung ano-ano pang pwede kong mapaglibangan. Ultimo nga ang bilangin ang mga bulaklak na nasa garden ay ginawa ko na, 'e para lang ubusin ang oras ko.Pero kahit ganito na ang buhay ko, sobrang namimiss ko na ang buhay ko noon. Lalong-lalo na si Daddy. Kahit naman kasi malaki ang nagawa niyang kasalanan, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kaniya.Kamusta na kaya si Daddy ngayon? Wala na kasi akong ibang ginawa kung hindi ang takasan siya. Ewan ko ba. Pero pakira
Olivia“Alam mo, Matthew? Kanina pa ako naguguluhan sa ikinikilos mo. Ano bang problema? Ano ba talagang dahilan kung bakit pilit mo akong inilalayo sa library na iyon?” pang-uusyosong tanong ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.Nagbuntong hininga siya ng malalim bago tumingin-tingin sa paligid at sagutin ang tinatanong ko.“Iniiwas lang kita sa gulo, Olivia.” Matipid na sagot niya.Lalo naman akong naguluhan dahil sa sagot niyang iyon kaya’t lalong napasalubong ang dalawa kong kilay habgn diresto ang tingin sa kaniya.“Anong ibig mong sabihin?”“Ayokong makita ka ni Kuyang nandoon dahil hindi ko alam kung anong maaari niyang gawin sa iyo.”“Bakit? Ano bang mayroon sa kwartong iyon, bukod sa mga libro at iba pang gamit na maaari niyang ikagalit?”“Marami. Ang kwartong iyon ay lubhang mahalaga kay Kuya Lloyd. Nandoon lahat
OliviaHindi ko na namalayan na naka-idlip na pala ako. Naalimpungatan ko na lang si Lloyd na nilalagyan ako ng kumot. Napa-bangon pa akong bigla at napa-upo sa kama nang magising ako sa ulirat at ma-realise na si Lloyd nga.“Anong ginagawa mo?” magkasalubong ang dalawang kilay at nagtatakang tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya.“Don’t worry. Wala akong gagawing masama sa iyo. Pagdating ko kasi, nakita kong natutulog ka na kaya nilagyan kita ng kumot. Baka kasi nilalamig ka.”Kalmado ang boses niya habang sinasabi niya iyon. Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya noong mga oras na iyon. Kaya napansin kong nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kumot at pilit na tinatakpan ang katawan ko. Pagkatapos naman ng ilang sandali ay naglakad na siya palayo at naupo sa couch kung saan siya naka-pwesto.Nakabihis pa siya ng long sleeves na polo noong mga oras na ‘yon. Naka-pants pa
Lloyd Hindi ko alam na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Sobrang dami naman kasing pinagawa sa akin ni Daddy kaya naubos talaga ang lahat ng lakas ko dahil sa tambak na gawaing binigay niya. Nagpasiya na akong bumangon upang asikasuhin ko muna ang aking sarili. Pero teka, bakit ako nakahiga sa kama? Dito ba talaga ako natulog? Nakatulalang iniisip ko ang mga sagot sa mga tanong sa isip ko. Hanggang sa natagpuan ko si Olivia na natutulog sa sofa na dapat ay pwesto ko. Ano bang nangyari kagabi? Bakit kami nagkapalit ng pwesto? Nag-away ba kami? Pero wala akong matandaan. Ang huling natatandaan ko lang ay ‘yong naupo ako sa couch at pagkatapos no’n ay wala na. Isa pang umagaw sa atensiyon ko ay ang mga nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Pagkain ba ‘yon? Nagpasiya na akong tumayo at naglakad ng dahan-dahan upang tignan kung ano iyon at tumambad sa akin ang lutong pagkaing may iba’t-ibang putahe. Muli kong nilingon si Oliv
LloydLumabas na ng kwarto si Olivia dahil tinawag na siya for breakfast. Ako naman ay hindi na bumaba dahil busog pa naman ako. Buti na lang at nasa baba siya. Malaya akong mahiga sa malambot na kama ko. Isang linggo na rin kasi yata ang nakalipas mula nang huli akong mahiga dito.Gustuhin ko man kasing mahiga dito, ayoko namang mahiga sa tabi ni Olivia, ano. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Alam kong wala namang malisya kung magtatabi kami sa pagtulog dahil at the end of the day, mag-asawa pa rin kami. Pero feeling ko kasi, parang kasalanan ‘yon sa relasyon namin ni Francheska.Alam kong mali. Hindi rin tama na ipagpatuloy ko ang relasyon namin ni Francheska dahil mahal ko siya pero hindi ko naman talaga gustong magpakasal sa babaeng ‘yon, ‘e. Pinilit lang ako ni Daddy. Ayoko namang sirain ang pangakong binigay k okay Fancheska na bibigyan ko siya ng maayos na buhay kaya napilitan akong magpakasal kaagad.Ayoko kaya na tanggalan ako ni Daddy ng m