Share

Kabanata 10

Boyfriend.

Nagising akong wala si Cartier sa tabi ko. Nagmamadali akong tumayo at naligo. Mabuti na lang at ilang pares ang pinabili niya kagabi kaya may pamalit ako.

Nang matapos akong ayusin ang sarili ay lumabas ako ng kaniyang kwarto. Ngayon ko lang nakita ang kaniyang penthouse kaya hindi ko maiwasang mamangha sa laki nito.

Black, white, and beige ang kulay nito. Maaliwas. Pinagmasdan ko ang malaking painting ng kanilang pamilya. Sa tabi no'n ang portrait ni Cartier na black and white.

Napanguso ako. Ang pogi naman niya.

Bababa na sana ako kung hindi ko lang nakita ang bagong ligo na si Cartier na lumabas galing sa tabing kwarto ng tinulugan ko. Kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba tatabi ka sa akin!" Singhal ko.

Gulat siyang tumingin sa akin, nang makabawi ay ngumiti. Naglakad ito palapit sa akin habang pinupunasan ng towel ang kaniyang buhok.

"Sinabi ko ba 'yan?" Tanong nito.

Inis ko siyang sinamaan ng tingin. Padabog akong bumaba ng hagdan at naupo sa sofa na katapat ng glass wi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status