Share

Chapter 2

" Maayos na ba ang lahat?" si nanay habang natatarantang inaayos ang plato't pinggan sa mesa namin na kanina pa naman nakaayos.

Mas excited pa ata siya sa akin sa pagdating ni Khrus. Biglang nagbago ang itsura ng bahay dahil sa kagagawan niya. Mula sa kurtina ng bintana, sa mga muwebles at sahig na kumikinang na pwedi nang salaminan, ang sala ay talagang nilinis ng maigi pati narin ang kusina namin. Pati nga ang mga kwarto namin ay malinis din akala mo naman ay may magaganap na house tour.

" Itong nanay mo masyadong praning, akala mo ay mamanhikan na si Khrus sayo kung makaasta" reklamo ni tatay pero ngiti-ngiting pinagmamasdan si nanay. Ako naman ay namula sa sinabi ni tatay, kahit na biro lang yun ay di maiiwasan na maapektuhan parin ako.

" Tatay naman eh" napalingon naman si tatay sa akin at tinawanan ako. May sasabihin sana siya pero tinawag siya ni nanay kaya alerto siyang sumunod.

Tinignan ko ang oras sa nakasabit naming wall clock sa sala at makitang mag-aalas onse na ay napabuntong hininga ako. Anong oras kaya siya dadating? Hindi ko pala natanong kahapon.

Nang sinabi ko sa mga magulang ko na pupunta dito si Khrus ay halos late na kami natulog sa mga pinagagawa ni nanay. Nataranta siya bigla na kahit galing sa trabaho silang pareho ay nagawa paring ayusin ang bahay. Si tatay nga ay panay reklamo pero wala ring nagawa. 

" Tao po! May pogi po rito!" otomatiko akong napalingon sa pintuan ng bahay namin at bumungad sakin ang mukha ng loko-loko kong kaibigan. 

Kinunotan ko siya ng noo bago dahan dahan-dahang lumapit sa kaniya" Saan ang gwapo?" pabiro akong lumingon sa likuran niya dahilan para marinig ko ang pagsinghap niya at umambang pipitikin ang noo ko pero nakalayo ako agad. 

" Lakas mong mang-asar ngayon ah" ambang mamimitik ulit pero tinawanan ko siya habang umiilag.

" Papitik! Isa lang! Nanggigigil ako sayo!" sambit niya nang nakangisi. Hinampas ko naman ang kamay niyang subrang likot.

" Parang bata naman to"

" Tumabi ka nalang, di ikaw ang pinunta ko rito" aniya na ikinabusangot ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansing may dala siya. Napaawang ang labi ko nong mapagtanto kung ano yun.

" Ano yan?" inosenteng tanong ko kahit alam ko na kung ano yun, hindi ko na mapigilan ang malawak na ngiti ko.

Inangat niya ang dala niya hanggang sa mapatingala na ako na ikinabusangot ko.

" Hindi para sayo to, etsusera" nginusuan ko siya at sinundot-sundot ang tagiliran niya pero di na ako pinansin. 

" Tay?Nay? andito yung gwapo niyong anak!" tawag niya sa mga magulang ko na ikinangiwi ko. Bumaling naman siya sakin bago kindatan ako. 

Baliw.

Agad namang lumabas sina nanay at tatay galin g sa kusina at masayang sinalubong si Krio.

" Ang gwapo kong anak! Napadalaw ka ihjo?" si nanay pagkatapos magmano ni Krio sa kanila.

" Pudding at turon po, pinapadala ni tatay. Gumawa kami kanina, para daw po sa inyo to" sabay abot niya kay nanay ng basket na may foil pang takip. Sinubukan kong buksan ang takip non pero agad tinapik ni nanay ang kamay ko at sinamaan ako nang tingin bago bumaling ulit nang nakangiti kay Krio.

Oy, paborito ko yan!

Damot.

" Naku! Salamat para rito! May ipanghihimagas na kami sa bisita namin mamaya" wika ni nanay.

 " Kaya pala lalong gumanda ang bahay niyo" komento ni Krio habang nililibot ang tingin sa buong bahay namin at tumigil ang tingin sa akin. 

" Gawa nitong nanay mo, kaya dumito ka muna. Naghanda kami ng tanghalian at hinihintay nalang namin ang bisita ni Mace. Sabayan mo na kami" aya ni tatay na agad na ikinailing ni Krio na ipinagtaka ko.

" Hindi po ako pweding magtagal tay, walang kasama si tatay kumain ng tanghalian. Magdadrama nanaman yun" sinabayan niya ng mahinang tawa ang sinabi. 

Napangiti naman ang dalawang kausap niya at katulad nga ng sinabi niya umalis siya agad.

" Ingat sa byahe" sambit ko habang pinagmamasdan siyang sinusuot ang helmet niya. Nakamotor lang siya ngayon.

Tumango naman siya sakin.

" Bye ming, enjoy sa lunch niyo" aniya, ngumiti akong tumango. 

Pinaandar na niya ang motor niya at tuluyan nang umalis. Kumaway ako ganon din siya nang di ko na siya maaninag ay papasok na sana ako sa bahay nang may dumating na kotse.

Agad akong natulos sa kinatatayuan ko nang bumaba sa magarang kotse nayun si Khrus na may dalang banquet ng rosas na bulaklak. Napaawang ang labi ko nong nagsalubong ang tingin namin at ngumiti siya.

Ang gwapo!

Humakbang siya palapit sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

" Hi" sambit niya

" H-Hi.." nautal pa nga.

" For you" inabot niya sa akin ang dalawang bulaklak na agad ko namang tinanggap. Pinagmasdan ko ang bulaklak na bigay niya at subrang ganda nito"

" Ang ganda..." bumaling ako sa kaniya at ngumiti. " Salamat" 

" You're always welcome. A beautiful women like you deserve’s that" napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

" N-Nasa loob pala sina nanay at tatay hinihintay ka" pagiiba ko ng usapan. Tumango siya sa sinabi ko.

" Tara?" aya ko sabay baling sa kaniya. 

" Let's go" pinagsiklop niya ang kamay namin at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Malugod na sinalubong nina nanay at tatay si Khrus at parang prinsipe pa nga kung tratuhin nila. Hindi ko alam kung dahil gusto nila si Khrus para sa akin o di kaya naman ay dahil subrang laki ng utang na loob namin sa pamilya nila.

Pareho siguro pero kung ano man ang rason ng mga magulang ko ay masaya ako at hindi sila tutol saming dalawa.

Masaya kaming nagtanghalian at habang kumakain ay ang dami-daming tinatanong si nanay kay Khrus minsan ay nahihiya na ako sa kadaldalan ng nanay ko at maski si tatay ay napapailing-iling nalang.

" Tuwang-tuwa talaga ako at nandito ka! mas lalo kang gumwapo!" kantanyaw ni nanay

" Salamat po" tumawa pa ng mahina si Khrus bago bumaling sa akin at kinindatan ako. Ako naman ay napaiwas ng tingin.

Nakakahiya! Nandito ang mga magulang ko!

" Ang sarap po ng luto niyo" sambit nito at patuloy ang maganang pagkain niya.

" Aba! Syimpre naman! kung ikaw ba naman ang kakain eh sasarapan ko talaga!" wika ni nanay rinig ko naman ang marahang tawa ni Khrus kaya napangiti ako.

Nadako ang paningin ko sa binigay na turon at pudding ni Krio kanina, nagsalin ako sa pinggan ng para sakin at halos kalahati nga non ay kinuha ko.

Pagkatapos ng tanghalian namin ay tumambay kami sa sala. Doon na binigay ni Khrus ang pasalubong na gusto niyang ibigay sa mga magulang ko.

" Naku! napakamahal nito! Wag na!" sinubukan ni nanay na ibalik ang binigay na mamahaling relo pero umiling si Khrus.

" Itong batang to! hindi ko naman magagamit ito araw-araw! Aba'y mapapahamak ako palagi rito, baka pagpyestahan ako ng mga holdaper diyan sa labas!" bulalas ni nanay at talagang seryoso siya sa sinasabi niya. Napabaling ako kay Khrus na mahinang natawa pero umiling parin.

" Take it Tita, dalawang taon akong hindi umuwi. You deserve that, pasalamat narin sa pag-aalaga ng mabuti kay Mace" napatampal ako sa noo sa subrang kahihiyan.

Ano ba naman tong tao nato.

" Aba'y natural! Anak ko yan! Sa matres ko galing, nag-iisa kaya tudo ang alaga ko diyan!" tumawa ako sa sinabi ni nanay. Si Khrus naman ay napanguso.

Ang cute.

" Itong alak Khrus, tanggapin ko na ha. Minsan lang ako makatikim ng alak na imported. Naku! Salamat ng marami" may halong tawang sambit naman ni tatay at pinagmamasdan pa ang mamahaling alak na hawak. 

Nahampas naman siya ni nanay pero wala namang sinabi.

" You're always welcome Tito, don't worry bibigyan ko pa kayo ng marami niyan" ngingiting sagot ni Khrus

" Ang tigas rin ng ulo mong bata ka" parang namomroblemang saad ni nanay na ikinatawa ng malakas ni Khrus pagkatapos ay bumaling sakin, nginusuan ko siya.

Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil may lakad pa si Khrus. 

" See you tomorrow then" aniya nang magkaharap kami. Tumango ako.

" Let's date tomorrow" sambit niya, napakagat labi ako at dahan-dahang tumango.

Hirap magpigil ng kilig!

" Good bye for now? As long as I want to stay here with you, may lakad pa ako" 

" Ok lang ano ka ba, sapat na tong ginawa mo. Masaya ako" binigyan ko siya ng malapad na ngiti, napangiti din siya pabalik.

Humakbang siya palapit sakin at masuyong hinalikan ang noo ko.

" I'll go now" bulong niya na ikinatango ko.

" Sige, ingat" unti-unti siyang lumayo at bago siya tumalikod ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ngumiti din ako pabalik at winagayway ang isang kamay ko para magpaalam ganon din ang ginawa niya bago tuluyang tumalikod at sumakay sa kotse niya. Maya-maya ay umandar na ito at umalis.

Napabuntong hininga naman ako nong hindi ko na makita ang kotse niya. Nakakapagod palang kiligin, nakakangalay sa pisnge.

Gusto kong ikuwento to kay Krio!

Napatingin ako sa relo ko, saktong alas dos palang! Pupunta ako sa kanila!

Pagkatapos ngang magpaalam ay unalis agad ako. Nagdala ako ng payong dahil mainit, hindi naman kalayuan ang bahay nila. Madami akong nakakasalubong na mga kakilala ko, nagngingitian lang kami at nagkakamustahan.

" Oy Mace! saan ang punta?" tanong ni Mike nang magkasalubong kami. Dati tong may gusto sakin, hindi ko alam kung hanggang ngayon ay ganon parin.

" Kina Krio" simpleng sagot ko. Napatango naman siya at napakamot sa batok niya saka nagpaalam sakin.

Sampung minuto ang nilakad ko papunta kina Krio at ang sumalubong nga sakin ay si Tay Anton. Nasa puno ng mangga daw yung loko, nagpapahinga kaya doon ako dumiretso. Sa likod bahay lang naman nila yun.

Naaninag ko nga si Krio roon nakahiga sa sa nilatag niyang banig katabi ng malaking puno ng mangga. May isang unan sa ulohan niya at walang damit pang-itaas kaya kitang -kita ang perpektong biceps at abs niya.

" Kring!" tawag ko pero di siya umimik. Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Tiniklop ko ang payong ko sabay singhap ng sariwang hangin na subrang sarap sa pakiramdam. Yumuko ako para makita si Krio na nakapikit parin, ngumo ako at tinapik ang braso niyang nasa ulohan niya.

" Kring? Kring?" mahina kung tawag.

" Hmm?" ungol lang niya.

" Pashare ng unan" gusto ko ring mahiga.

Gumawalaw siya at binigay sa akin ang kalahating side ng unan niya. Hindi parin siya dumilat , mukhang antok na antok siguro.

Kinuha ko naman ang isang braso niya at idinipa sa unan, hindi naman siya nagreklamo. Humiga na ako sa tabi niya at ang braso ay nasa uluhan ko.

" Isturbo ka sa tulog ko" sambit niya. Ngumuso akong tumagilid at yumakap sa beywang niya. Rinig ko naman ang mahina niyang singhap bago unti-unting dinilat ang mata niya at yumuko para tignan akong nakangiti na sa kaniya.

Inayos niya ang higa niya para maging kumportabli ako at makahiga ng mabuti.

" Ano nanamang problema mo at nandito ka?" tanong niya sakin.

" Bakit hindi ka nagdadamit? gusto mong magkapulmonya?" binalewala ko ang tanong niya.

" Mainit" sagot lang niya.

" Bakit ka nga nandito?" kalmadong tanong niya. Nilingon ko siya at ngumiti.

" Mag d-date kami ni Khrus bukas!" masayang sabi ko.

" Uhuh, nanliligaw na ba?" medyo paos niyang tanong. Bat ba ang ganda ng boses ng lalakeng to?

" Hindi pa" simpleng sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

" Bakit hindi pa? kung kiligin ka nga eh parang kayo na" sarkastikong saad niya na ikinairap ko. 

" Kahit sinong babae naman siguro kikiligin kung si Khrus ang pag-uusapan" pati nga ikaw

" Ikaw lang naman ang nakikita kong babaeng kinikilig don" aniya kaya hinampas ko siya. Tumawa naman ang loko ng mahina.

" Kontrabida ka talaga kahit kailan!" napahinto siya sa sinabi ko at tinitigan ako ng maigi.

" Hindi pangongontra yun, pinuprotektahan lang kita" seryosong sambit niya

" Gustong-gusto mo ang lalaking yun, suportado naman ako dahil matinong lalaki naman si Khrus kagaya ko" napaingos ako sa sinabi niya kaya pinitik niya ang noo ko.

" Crayon Anthony!" kakainis to

" Seryoso ako dito tas iingos ka diyan" inirapan ko siya. " Pagpatuloy mo nalang" sambit ko

" Boto ang mga magulang mo sa kaniya, at kung darating man ang panahon ay kayang-kaya ka niyang buhayin. Ang akin lang, unahin mo ang pag-aaral mo. Kung gaano ka kasaya pag kasama siya dapat ganon karin kasaya sa klase niyo. Ano? sa lovelife ka lang magaling?" nasapak ko siya sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

" Seryoso ako rito, pag ikaw sinapak ko.." pambabanta niya kaya inirapan ko siya.

" Alam ko na yan! di mo na kailangang sabihin sa akin. Paulit-ulit mo yang pinapaalala sa akin noon pa man" 

" Pinapaalala ko ulit baka maliko ka ng landas"

" Crayon Anthony naman!"

" Pero magsabi ka kung kayo na ha" natahimik ako sa sinabi niya " Para alam ko kung kailan didistansiya"

Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya at sa di ko malamang dahilan ay bigla akong nalungkot.

" Hindi na tayo pweding maging ganito kalapit sa isa't isa pag dumating ang araw na yun. Hindi na kita pweding bisitahin sa bahay niyo at yayain kung saan-saan at hindi ka narin pweding pumunta rito ng basta-basta lang dahil may taong magseselos" 

" M-Maiintindihan niya naman" sambit ko pero umiling siya.

" Hindi Ming, hindi lang siya ang magiging involve dito dahil dadating din yung panahon na pati ako magkakaroon din ng babae sa buhay ko. Manatili tayong matalik na magkaibigan pero hindi na magiging tulad ng ganito, yung hihiga tayo dito nang nagyayakapan dahil normal na sa atin ang ganito pero dadating ang araw na ang normal na ginagawa natin hindi na magiging normal pa kahit kailan" 

Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya at naramdaman ko nalang ang labi niyang humalik sa buhok ko.

" Parang natatakot ako Kring" sambit ko.

" Ganon talaga ang buhay. Tumatanda tayo at malilimitahan na ang mga nakasanayan natin"

"

Hindi ka naman mawawala diba? pag dumating ang oras na yun.." nilingon ko siya at saktong nakatitig din siya sakin.

" I always want the best for you and if the best means losing you, then I'll gladly lose you happily" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status