Share

Forty-Three (43)

FORTY-THREE (43)

- Third Person’s POV –

“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.

Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”

Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”

“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.

“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.

Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”

“Akin.” Agad na sagot ni Mj.

Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”

Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”

Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”

Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status