Share

Forty (40)

Forty (40)

- Rhea’s POV –

Pareho naming pinapakiramdaman ang bawat sarili ng maka-aninag ako ng itim na usok na unti-unting bumabalot sa kanyang paa. Bahala na kung anong protesta o sermon ang gagawin niya ang importante ay mailigtas ko siya, kaya naman agad kong kinabig ang kamay niya. Bumuka ang aking pakpak at mabilis kaming lumipad palabas ng maitim na dagat.

Ramdam ko ang tingin ni Jc sa akin na halos panghinaan ako dahil sa kanyang tingin na puno ng maraming tanong. Pero deretso lang ang tingin ko habang lumilipad kami papunta sa tabing-dagat. Bahala siya kung tunawin niya ako sa kanyang tingin.

Maingat kong binitawan ang kanyang kamay ng malapit na ang kanyang paa sa lupa. Ako naman ay naglanding na may ilang hakbang mula sa kanya. Tumiklop na ang aking pakpak ngunit kahit anong gawing concentration ko ay hindi ko magawang maibalik ang itsura ni Rhea. Bumuntong-hinga nalang ako. Siguro dahil sa balisa ang aking isipan at kabado ang aking puso.

Dumampi sa aking balat ang malamig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status