“Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip
Nagising ako na masakit ang buong katawan habang nakahilata rito sa aking kama. Nakita ko naman sina mommy at daddy na nagtatalo sa labas ng aking kwarto sapagkat nakabukas lang naman ang pinto.Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Maxwell na prenteng nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakapikit.Hinawakan ko ang kamay nito na siyang dahilan upang dumilat siya. Nginitian ko siya saka siya tumayo at nilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo.“Maxwell! Anong nangyari?” tanong ko rito at nakita ko namang napatingin sa direksyon namin sina mommy at daddy.“Nahimatay ka Naomi!” saad nito at umatras upang bigyan ng space ang aking mga magulang.“Bakit hindi mo sinabi anak?” tanong sa akin ni daddy na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo.“Ano pong sasabihin ko?” tanong ko rito at pinilit kong tumayo ngunit pinigilan nila ako.“Na buntis ka.” Napatingin kaagad ako kay Maxwell na tahimik lamang sa gilid.“D-Daddy! M-Mommy? Sinabi niyo po ba?” tanong ko rito at kaunti
“Dad! Si Naomi kasi eh!” sumbong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.“Naomi? Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong sa akin ng kaniyang ama kaya naman ay nalipat sa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng kwarto na ito.“Bagay naman po ito sa kaniya sir ah! Hindi ba Maxwell?” tanong ko kay Maxwell saka siya tiningala at niyakap.“Ah oo! Bagay nga sa akin, baka umiyak ka na naman!” singhal nito sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.“Ang sakit niyo naman sa mata HAHAHA umupo na nga kayo at tayo ay magsisimula na!” sabi ng babaeng may edad na.Naupo naman ako sa gilid ni Maxwell at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa kaniya nang nakangiti. Proud ako sa asawa kong ito. Kapag tumitigil siya sa pagsasalita ay pumapalakpak naman ako.Ilang oras lamang ang nakalilipas ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pagpupulong. Habang palabas ang mga tao sa kwartong ito ay isa-isa rin nilang hinaplos ang aking buhok na may halong ngiti. Ang babait ng mga tao dito, hindi kagaya sa kump
“K-Kambal? Anong kasarian nila?” tanong ni Maxwell na halatang excited kaya naman ay na-excite din ako.Tumingin ako sa monitor kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Maxwell. Hinawakan din nito nang mahigpit ang aking kamay.“Congratulations po! Babae at lalaki po ang mga anak ninyo!” masiglang sagot sa amin ng doktor.Niyakap naman ako kaagad ni Maxwell saka niya hinaplos ang aking tiyan. Hinalikan pa nito ang aking noo kasabay ng paghalik nito sa aking tiyan.“Maiwan ko po muna kayo ma’am, sir!” paalam bg doktor at lumabas na nga ito.“Salamat naman at malusog ang mga anak natin kahit abnormal ang nanay nila. Salamat Naomi sa pagbibigay mo sa akin ng biyaya at bagong rason para mabuhay!” Naiyak ako dahil sa sinabi ni Maxwell nginit agad ko rin naman siyang binatukan.“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan? Para saan iyon?” tanong nito sa akin sabay himas sa kaniyang ulo.“Sa pagsabi mo sa akin na abnormal ako!” sagot ko sa kaniya saka ako tumayo at nagbihis na upang makaalis na kami ri
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Maxwell sa kaniya at tumawa naman si Krueger.“Anong ginagawa ko rito? Nandito ako upang angkinin ang babaeng nais ko!” sigaw nito saka tinutukan ng baril si Maxwell.Kinabahan naman ako sa nangyayari kaya hinawakan ko si Maxwell sa kamay at mas lalong hinigpitan din nito ang kaniyang pagkakahawak sa akin.“Surprise! Anong balita? Magkakaanak na pala ang karibal ko!” sigaw ni Shekinah sa amin saka ito lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko.“Shekinah! Anong kaguluhan ito?” tanong sa kaniya ni Maxine kaya tiningnan nito si Maxine saka ngumiti.“Oh! Ang aking sister-in-law na hilaw HAHAHA sayang at hindi napasaakin si Maxwell, ang hina mo kasing kasangga!” singhal nito kay Maxine at tinapik ang balikat nito.“Kung hindi niyo man ako nakikilala, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Kyron Krueger at narito ako upang kunin ang babaeng nais ko!” saad nito saka tumawa na parang demonyo.Ito ang muntikan nang pumatay sa amin ni Maxwell. Patul
*Ring...Ring...Ring*Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan ko kung anong oras na kaya naman ay dali-dali akong pumunta ng banyo at sinagot ang tawag.“Oh?” tanong ko sa kabilang linya.“Ma’am Naomi! Kailangan po kayo dito ng kumpanya, isa sa mga site natin ay may sumabog na bomba at maraming napinsala dahil sa pangyayaring ito at kasama na rito ang inyong ama na kasalukuyang nasa hospital ngayon.” Napaupo ako sa aking narinig pagkatapos kong hubarin ang aking damit.“Anong ibig mong sabihin? Saang hospital dinala si daddy?” tanong ko sa kaniya at dali-dali na rin akong naligo dito sa banyo.Sa oras na natanggap ko ang mensaheng ipinadala sa akin ng aking sekret
Kanina ko pa hinihintay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin kaya minabuti kong dumilat na lamang at bumungad sa akin ang kaniyang mukhang nakangisi dahil sa pagpikit na ginawa ko.“Hinihintay mo bang halikan kita? May pa-pikit pikit ka pa ah HAHAHA,” saad niya at ngumiti pa ito nang nakakaloko.“Pinagsasasabi mo riyan? Umalis ka nga sa harap ko! Ang pangit ng pagmumukha mo!” singhal ko sa kaniya kasabay ng pagtulak ko rito dahilan upang mapaatras siya. Nakakahiya ’yon ah, nag-expect ako eh, biro lang.“Ano? Pipirmahan mo ba ang kontrata o hindi? Bilisan mo naman Misis ko, tumatakbo ang oras!” reklamo niya sabay tingin sa kaniyang orasan.“Edi habulin mo! Baka gu
Nang makauwi na kami sa bahay ay bigla akong hinawakan ni Maxwell nang mahigpit sa aking braso dahilan para masaktan ako.“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” singhal ko sa kaniya at binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.“Bakit mo ako hinalikan sa harap ni Shekinah?” tanong nito sa galit na boses, tiningnan ko naman siya ng masama.“Bakit? Ayaw mong makita ng iba na hinahalikan ka ng sarili mong asawa?” Tinulak ko siya at papasok na sana ako sa kwarto ngunit iniharang niya ang kaniyang kamay sa pintuan.“Asawa lang kita sa papel pero hindi kita mahal! Kaya umayos ka sa inaasta mo Naomi!” sabi niya at nakaramdam naman ako ng sakit sa kaniyang itinuran.“Oo! Asawa