Misha’s POVHuminto kami sa isang malawak na lupain na tila walang hangganan ang laki. Naglakad kami palabas ng sasakyan at pumasok kami sa bakanteng lote. Walang mga bahay, walang mga tao—kundi puro lupa, mga damo at mga punong halos hindi mo matanaw ang dulo.Napakunot ang aking noo. “Ano to? Lupa?”Ngumiti si Everett at hinawakan ang kamay ko, dinala ako sa gitna ng lugar. “Oo, lupa ito. Pero hindi basta-bastang lupa lang.”Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga siya ng malalim at hinaplos ang aking pisngi. “Binili ko ang lupang ito para sa atin. Dito itatayo ang magiging bahay natin, ang magiging tahanan ng magiging pamilya natin.”Halos hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin. Tinitigan ko ang malawak na espasyong nasa harapan ko, sinusubukang isipin kung paano ito magiging bahay namin. Grabe, iyon lang ang una kong nasabi. Mall ba ang ipapatayo niya rito at ganito kalaki?“Everett… seryoso ka?” tanong ko
Misha’s POVParang isang panaginip ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Naging viral na ang engagement party namin ni Everett at hindi ko mapigilan ang kilig at hiya sa atensyong natatanggap ko ngayon. Gusto ko mang magtago, hindi ko maikakaila na tuwang-tuwa rin ako. Sino ba naman ako, si Misha Merdz, para magpakilala sa buong mundo bilang mapapangasawa ng isang Everett Tani?Nang bumangon ako at abutin ang cellphone sa gilid ng kama, agad akong sinalubong ng mga notifications mula sa social media. Bawat post, bawat comment—puro tungkol sa amin. Hindi ko pa natatagalan ang pag-scroll nang makita ko ang isang video clip ng isang news anchor:“Breaking news! The engagement of billionaire Everett Tani to Misha del Rosario has taken social media by storm. Dubbed as the luckiest woman in the Philippines, Misha has captured the heart of one of the country’s wealthiest men.”Napakagat ako sa labi. Grabe, pati sa balita? Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Pindot dito, pindot doon
Misha’s POVAt ngayon, heto na ako, nakaupo sa gitna ng aking kuwarto, binabalikan ang bawat sandali na parang pelikula. Hindi ko inasahan na magiging ganito kasaya ang wakas ng plano nina Mama at Papa. Hindi ko rin inakalang magiging tunay ang pagmamahal namin ni Everett sa isa’t isa.Tumunog muli ang cellphone ko—this time, it was Everett.“Hey, how are you feeling? I saw the news. We’re all over it.”Nakangiti akong sumagot. “Yeah, I saw it too. I can’t believe it’s real. It feels… surreal.”“Don’t worry. I’ll take care of everything. I know the attention can be overwhelming, but I’m here for you. Always.”Muling napangiti ang puso ko. Kung noon ay may alinlangan pa akong nararamdaman, ngayon ay alam ko nang nasa tamang landas ako.Nang ibaba ko ang tawag, bumalik ako sa pagbabasa ng mga comment sa social media.“Grabe! Ang suwerte ni Misha!”“Pinaka-suwerteng babae sa buong Pilipinas!” “Sana all may Everett Tani.”Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, hindi lang ito tungkol sa pag
Misha’s POV Ginala ako ni Jaye dito sa farm. Hindi na busy ang gaga. Isa pa, panay ang selfie niya sa amin at saka niya pino-post sa social media niya. Palibhasa't nag-viral kami ni Everett, heto, gustong-gusto niyang maki-spotlight. "Bakit hindi mo kinakain ang dala kong pizza?" tanong niya habang nasa loob kami ng kubo ko. "Hindi ko trip," mabilis kong sagot. "Dapat sinabi mo para hindi nasayang," reklamo niya. "Dapat din kasi nagsabi ka na parating ka, hindi 'yong bara-bara ang dating mo," sagot ko at saka ako umirap. "Sige, ano bang gusto mo? Sige, baka kaya kong gawan ng paraan? Ayaw ko kasi na hindi mo manlang tinikman ang dala ko? Anong bet mong kainin?" tanong niya kaya napataas ang isang kilay ko at saka ako ngumisi sa kaniya. "Kahit ano?" tanong ko pa kaya tumango siya. "Sige, spaghetti, nagke-crave ako sa spaghetti ngayon." "Gusto mo bang mag-order ako?" tanong pa niya kaya mas lalo akong ngumisi. "Hindi 'yung spaghetti na nabibili sa labas ang gusto ko. Iba ang tri
Misha’s POV Lumabas ako ng kubo. Naupo ako sa bagong terrace na ginawa rito. Para kapag umaga, tanghali o hapunan, puwede akong kumain dito kung gusto ko. Pumunta ako rito kasi naisip kong tawagan na agad si Everett. ”Salamat naman at hindi ka busy," bungad ko nang sagutin agad ni Everett ang tawag ko. "Bakit, may problema ba diyan?" dama ko sa tono nang pananalita niya ang pag-aalala niya agad sa akin. "Wala naman. Si mama kasi, kakatawag lang sa akin ngayon," sabi ko at saka ko na sinabi sa kaniya ang lahat-lahat nang sinabi ni mama. Pati na rin ang mga eksena ni Teff. Nagulat si Everett. Humingi pa siyang tawad sa akin kasi nakalimutan daw niyang bigyan ng bodyguard sina mama at papa sa bahay namin. Huwag na raw akong mag-alala kasi agad-agad siyang magpapadala ng mga bodyguard doon. "Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Teff ‘yung matalino at mabangis. Nagbabait-baitan lang ito, pero sure akong may pinaplano na siya. Sa kaniya hanga ang mama at papa niya kasi malinis magtraba
Misha’s POV Wala akong magawa. Habang nagluluto sina Conrad at Jaye, naisip kong subukan gawin ang mga gawain ng mga staff namin sa farm para nakakapag-papawis naman ako. Sa wakas, tapos na rin ang lahat ng mga ginawa ko rito sa farm. Nakapulot na ako ng itlog mula sa mga manok, napakain ko na ang mga kambing, at ngayon, ready na akong umupo’t magpahinga. Pero higit sa lahat, ready na akong tikman ang nilutong seafood spaghetti nina Jaye at Conrad! Hindi ko inaasahang ang biro-biro ko lang kanina kay Jaye ay tototohanin niya. Lumabas ako sa terrace ng maliit naming kubo at naamoy ko agad ang halimuyak ng bawang, kamatis, at… hmmm, sariwang hipon? Oh wow, parang ang bango pa lang, solve na ako! Sa ‘di kalayuan, nakikita ko sina Jaye at Conrad sa ilalim ng puno ng mangga, naghahanda ng mesa. Ang set-up? Para kaming mag-pi-picnic. Nakapatong lang sa kahoy na mesa ang malaking bandehado ng spaghetti, may ilang prutas na nakaayos din sa gilid. “Hoy Misha, halika na! Huwag kang magpapahul
Everett’s POVPagdating ko sa coffee shop, agad kong hinanap si Teff. Nakaupo siya sa isang sulok, nagkakape at abalang nakatutok sa cellphone niya. Kapag nakikita ko siya, nag-iinit ang dugo ko. Kailangan kong harapin ang isa ‘to at hindi ko puwedeng palampasin ang pinaggagagawa niya. Hindi siya basta-basta naglalalapit sa isang tao, lalo na kung wala siyang kailangan. Lalo na kay Misha at sa mama niya. Hindi siya ganoon kaya alam kong may something sa gagong ‘to.“Teff,” tawag ko habang papalapit sa kaniya. Tumayo siya ng dahan-dahan, parang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pagtingin niya sa akin, wala akong nakitang gulat sa kaniyang mukha. Mukha siyang kalmado, pero alam kong may mas malalim na dahilan sa likod ng ngiti niya.“Everett,” sagot niya na parang wala lang. Umupo ako sa tapat niya, pinipilit ko ang sarili na huwag mairita.“So, what’s your deal with Misha and her mom?” tanong ko, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang gusto n
Misha’s POVUmagang-umaga pa lang, ramdam ko na ang masarap na simoy ng hangin habang naglalakad ako sa aming manggahan. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga punong mangga na tila nag-aabang sa aking pagdating. Ang mga sanga ay puno ng mga hinog na mangga—malalaki, mabango, at parang kumikinang sa liwanag ng araw. Hindi ko mapigilang huminto at hawakan ang isang mangga. Ang lambot ng balat nito, tanda na handa na itong pitasin.“Perfect para sa mango graham,” bulong ko sa sarili. Naisip ko na baka magugustuhan ni Everett kung gagawa ako ng ganoon. Sinabi niya kasi kagabi na uuwi siya ng tanghali para mag-bonding kami. Matagal ko na rin siyang hindi nakakasama nang ganito—yung wala kaming iniisip na trabaho o anumang responsibilidad, kaya naman gusto kong gawing espesyal ang araw na ito. Tatlong araw kasi siyang sunod-sunod na busy sa work at sa condo lang siya tumutuloy para magpahinga. Tutok na tutok siya sa company na hawak niya, sinisiguradong hindi na siya maloloko pa ng Tit
Mishon POVAlas sais ng umaga nang magising ako sa kuwarto sa third floor ng mansiyon. Ilang segundo akong nakatingin sa kisame nun habang pinoproseso ang lahat. Oh, Lord, ngayong araw na ang kasal namin ni Ada. Ngayong araw na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko kasama ang mahal na mahal kong si Ada.“Good morning, Sir Mishon. Your breakfast is here.” Narinig kong sabi ng isang staff na kumatok sa pinto.Bumangon ako mula sa malambot na kama at pinagbuksan siya. Isang tray ng almusal ang inilapag nito sa maliit na mesa sa gilid ng kuwarto, croissants, scrambled eggs, smoked salmon at isang tasa ng mainit na black coffee ang almusal ko. Simple pero elegante, si Ada siguro ang nagpa-ready nito. Umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Saktong-sakto lang din ito kasi kailangan kong kumain ng almusal para may lakas ako sa buong maghapon.Habang kumakain ako, pumasok ang tatlong lalaki mula sa aking glam team. Ang lead stylist na si Rafael, isang sikat na fashion consultant na naka
Ada POVAlas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako sa tunog ng alarm ko. Dali-dali akong naligo, nag-toothbrush at nag-almusal dahil maaga ring dumating ang glam team na mag-aayos sa akin.Oh, my God! Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng kasal namin ni Mishon. Sa loob ng ilang buwan ng paghahanda, sa wakas ay dumating na rin ang sandaling ito.Pagbaba ko sa hagdan, bumungad sa akin ang buong glam team na abala nang inaayos ang kanilang mga gamit. Ang glam team na ito ay hindi basta-basta lang, sila ang pinakasikat sa industriya ng bridal styling kaya dapat lang na ma-try ko sila sa pinaka-special na okasyon ng buhay ko.Inutos ko sa kasambahay na papasukin na sila sa malaking guest room na kung saan ay doon ako aayusan. Pagkatapos, sisilip dapat ako sa room ni Mishon para sana tignan niya pero pinigilan ako ni Ate Everisha, huwag na muna raw kaming magkita, doon na sa simbahan kami magkikita mamaya.Kaya pumunta na rin ako sa guest room kung saan nandoon na ang glam
Mishon POVNgayong gabi ay ito na ang huling gabi ko bilang binata. Bukas, ikakasal na ako kay Ada, sa babaeng mahal ko, ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Pero bago ang lahat, may isang gabi pa akong natitira para maging isang free man.At siyempre, hindi puwedeng walang party! Kasi si Ada, ginawan din nila Ate Everisha, Verena at Yanna ng party para sa last night na pagiging dalaga niya.Nasa rooftop kami ng mansiyon, kung saan nag-set up sina Marco, Edric at Czedric ng maliit pero solid na inuman. May mga fairy lights na nagbibigay ng cozy na ilaw, may barbecue sa gilid at siyempre, may malaking cooler na puno ng beer at whisky. Walang ibang bisita, kami lang.“Bro, are you ready to say goodbye to your single life?” tanong ni Marco habang binubuksan ang isang bote ng beer at inabot sa akin. Mga topless kaming lahat kasi mainit dito sa rooftop.I smirked and took the bottle. “Man, I’ve been ready since the day I met Ada.”“Hah! Sipsip!” singit ni Edric bago sumimsim ng alak.
Ada POVPagbalik namin sa mansyon ngayong hapon galing sa Baguio ay para bang wala silang kapaguran. Bukas na kasi ang kasal namin ni Mishon kaya, ngayong gabi, ito na raw ang huling gabi ko bilang isang dalaga.Kaya naman sina Verena at Yanna ay gumawa ng party na all-girls celebration para sa akin. Kasama siyempre sina Ate Everisha, Verena, Yanna at iba pang malalapit kong kaibigan na babae.Buong hapon ay hindi nila ako pinalabas sa kuwarto ko kaya naglaro lang kami nang naglaro ni Miro doon. Parang bonding na rin namin ni Miro. Nung gabi na, doon lang nila ako inayang lumabas ng bedroom namin ni Mishon.Pagpasok ko sa malaking event hall ng mansyon namin ni Mishon ay agad akong sinalubong ng mga halakhak at sigawan nila.“Finally! The bride-to-be has arrived!” sigaw ni Verena habang may hawak na isang baso ng champagne.“Oh my God, you are so beautiful tonight, Ada! But after tomorrow, you’ll be Mrs. Tani!” dagdag ni Yanna na may kinikilig na ngiti.Natawa ako at umiling. “You guy
Mishon POVNang umagang iyon, maaga akong nagising upang ihanda ang araw na ito para sa amin naman ni Miro. Alam kong bihira lang kami magkaroon ng pagkakataon na makasama nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang araw na ito para sa kanya.Bago ang kasal, dapat lang na mapagbigyan ko na siya sa request niya sa akin na bonding naming mag-ama lang.Pagkalabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Ada sa kusina, nagtitimpla ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti.“You’re up early,” aniya.Tumango ako. “Yeah. Gusto kong sorpresahin si Miro. Ilalabas ko siya ngayon habang nandito pa tayo sa Baguio.”Hindi naman siya tumutol. Alam kong gusto rin niyang magkaroon kami ng oras na magkasama bilang mag-ama. Kaya matapos kong magpaalam, agad akong nagtungo kay Ate Everisha upang humiram ng sasakyan na dala nila ni Czedric.Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Miro mula sa kuwarto niya, suot ang isang makapal na jacket at jogging pants. Nakita ko siyang nag-stretching habang nag-aantay sa
Ada POVPag-uwi namin sa Villa, agad naming naabutan sina Marco at Edric na nasa garden, abala sa paghahanda ng malaking lamesa para sa gagawin naming DIY samgyup. Sabi kanina ni Marco, dinaan nila sina Verena at Yanna sa mall, doon daw sila nakakita ng mga karne na gagawin samyup, tapos doon din daw nila nakita ang ilan sa mga side dish kaya natuloy ang balak ni Yanna na mag-samgyup talaga dito Baguio.Sa loob naman ay nadatnan namin sina Yanna at Verena na maingat na inaayos ang mga hiniwang karne ng baboy, baka at manok. Si Everisha at Czedrick ay nakaupo sa sofa, kapwa nagpapahinga matapos makarating dito sa Baguio kasama sina Miro at Czeverick. Sa wakas ay nakasunod na rin sila rito sa Baguio. Na-late sila ng husto kasi may shooting pang pinuntahan si Czedrick.Pagkakita pa lang ni Miro sa papa niyang si Mishon, agad itong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi rin niya ako kinalimutan, niyakap din niya ako na tila ba isa na rin akong pangalawang magulang sa paningin niya.
Ada POVMula nang ipakita sa akin ni Mama ang ayos ng magiging flower bouquet ko sa magiging kasal namin ni Mishon, hindi ko na napigilang tumawag agad sa flower farm sa Atok na pinuntahan namin kahapon. Gustung-gusto ko ang kombinasyon ng mga bulaklak, mga pulang rosas, puting lisianthus at baby’s breath na bumagay sa tema ng kasal namin ni Mishon.Habang kausap ko ang may-ari ng flower farm, tinanong ko kung kaya nilang mag-supply ng sapat na bulaklak para sa buong entourage. Mabuti na lang at kaya naman daw kaya wala na akong problema doon. Matapos naming magkasundo sa presyo at delivery date, agad akong nagpa-reserve.“Thank you so much! I’ll see you a few days before the wedding,” masaya kong sabi bago ibaba ang tawag.“Sigurado ka na sa mga pinili mong flowers?” tanong ni Mama Franceska habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Opo, Ma. Ang ganda ng arrangement mo, kaya iyon na ang pina-order ko,” sagot ko habang ngiting-ngiti ako na sinusulyapan ang phone ko kung saan
Mishon POVPagdating namin ni Papa Ronan sa La Trinidad Strawberry Farm, agad kaming naglakad-lakad sa loob ng farm. Malamig ang simoy ng hangin at kahit umaga pa lang, ramdam na ang preskong klima ng Baguio. Natutuwa nga si Papa Ronan kasi may malamig ng lugar daw pala dito sa Baguio. Akala niya ay puro tag-init lang dito kasi puro beach daw kasi ang sikat dito sa Pilipinas.Ako ang nag-tour sa kanya, ipinapakita ko sa kaniya ang iba’t ibang bahagi ng farm habang nagkukuwento tungkol sa lugar.“Wow, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Papa Ronan habang tinitingnan ang mga hanay ng strawberry plants. “I can already smell the freshness.”Ngumiti ako. “You’ll love it po even more once you start picking them yourself, Papa.”Pagdating sa bayaran ng entrance, ako na rin ang nagbayad ng 300 pesos para sa basket, kaya may sarili kaming lalagyan para sa mga pipitasin naming strawberries. Nakakatawa nga si Papa Ronan dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga tao. Sabi niya, ayaw daw niyang
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba a