Misha’s POVPagkaluto ng mga ulam, inayos ko na ang mesa sa terrace ng bahay kubo ko. Pero nang mapansin kong mainit na sa bandang terrace, mas napili ko tuloy na sa lilim ng mga sanga ng mga puno ng mangga kami mananghalian, inayos ko ang mga plato, kutsara’t tinidor, at inilagay ang mga pinggan na puno ng mga niluto kong ulam. Ang bango ng piniritong tilapia ay humahalo sa amoy ng tortang talong at ang kakaibang aroma ng mga tuyong isda.At siyempre, inilapag ko ang tray ng mango graham sa gitna—ito ang magiging highlight ng aming tanghalian.Hindi nagtagal, narinig ko ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse ni Everett. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Heto na siya,” bulong ko habang inaayos pa ang buhok ko habang papalapit siya.Bumaba siya mula sa magara niyang sasakyan, nakangiti—yung ngiting kapag nakikita ko ay mas lalo pa akong na-i-inlove sa kaniya. Agad akong sinalubong ng yakap niya, mahigpit at puno ng lambing. “Misha,” bulong niya sa akin. “Na-miss kita.”“Na-miss
Misha’s POVLumakad kami papasok sa isang marangyang boutique sa gitna ng city. Halos manliit ako sa mga makinang na chandelier na tila mga bituin sa itaas ng mga marmol na sahig. Pagdating pa lang namin sa harap, agad kaming sinalubong ng staff, pormal ang suot, pero nakangiti at tila sanay na sa mga katulad ni Everett—mga bilyonaryo, mga taong hindi tinatanong ang presyo.“Good afternoon, Mr. Tani,” bati ng babaeng staff, nakasuot ng sleek na itim na dress. “We’ve been expecting you.”Nakaramdam ako ng konting kaba habang hawak ni Everett ang aking kamay. Minsan, kahit gaano ko pa siya kakilala, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mundo niya—mundo ng mga bilyonaryo, ng mga walang katapusang kayamanan. Pumasok kami sa loob, at para kaming pumasok sa isang ibang dimensyon. Mga racks na puno ng mga wedding gown na bawat isa ay mukhang perpektong nilikha para sa mga prinsesa.Sa kabila ng aking kaba, pinisil ni Everett ang aking kamay at ngumiti sa akin, tila pinapakalma ako sa lahat
Misha’s POVPaglabas ko suot ang unang gown, kita ko agad ang reaksyon ni Everett. Seryoso ang mukha niya, tahimik, pero alam kong tinitimbang niya ang bawat aspeto ng gown—kung bagay ba sa akin, kung ito na ba ang hinahanap niya. Sa akin, okay na, pero alam kong iba rin talaga ang taste ni Everett sa mga bagay-bagay. May kung ano sa mga mata niya na sa unang tingin, alam niyang may mali, kahit para sa akin, perfect na.“What do you think?” tanong ng isa sa mga staff, pormal pero puno ng respeto.Everett crossed his arms, his eyes never leaving me. “It’s beautiful,” he said after a moment, “but, let’s try the next one.”Sabi na e, gusto pa rin niyang makita ang iba pa. Nakukulangan pa siguro siya. Alam ko kasing gusto ni Everett na maging perpekto ang lahat, hindi lang para sa kanya, kundi para sa akin din. Ayaw niyang mag-settle sa kahit ano lang.Nang isinuot ko ang pangalawang gown, mas mabigat ito dahil sa mga kumikislap na detalye sa buong tela. Ang mala-dyamanteng mga burda ay na
Misha’s POVSa loob ng ilang buwan, ang buhay ko ay parang isang fairy tale—isang napakagandang fairy tale na puno ng kasiyahan at pag-iingat. Simula noong ipinagbuntis ko ang magiging anak namin ni Everett, hindi ako kailanman nag-alala, joke, siyempre, nag-alala rin dahil ang daming kontrabida sa buhay ni Everett. Sobrang higpit ng mga bodyguard ko, hindi nila ako hinayaan na malagay sa kahit anong panganib. Si Everett, bilang isang bilyonaryo, ginawa niyang misyon na hindi lamang ako maging komportable, kundi maging sobrang ligtas sa bawat oras. Minsan nga, iniisip ko kung dapat ba akong matakot sa mga bodyguard kaysa sa mga panganib na iniiwasan nila para sa akin.Ngayon, nandito kami sa mansiyon ni Everett at hindi lang basta-basta mansiyon. Ito ang pinaka-marangyang lugar na puwedeng pagdausan ng isang event na parang ginawa para sa mga maharlika. Ilang buwan na rin akong excited para sa araw na ito—ang gender reveal ng unang anak namin ni Everett. Parang nananaginip pa rin ako.
Misha’s POVDahan-dahan kaming lumapit sa gitna ng malaking ballroom kung saan naghihintay ang lahat. Ang mga mata ng bawat tao ay nakatutok sa amin, para bang kami ang bituin ng gabing ito. Nakaabang sila sa susunod na mangyayari. Sa harapan namin, may malaking velvet curtain na bumabalot sa isang bagay—ang simbolo ng gender reveal na inihanda ng event planner ni Everett. Ang kaba ko ay parang lalo pang lumakas habang papalapit kami sa harap ng curtain.Sa ibabaw ng malaking stage na iyon, nakahanda na ang lahat—mga ilaw, mga paputok, at kahit ano pa ang inihandang sorpresa ni Everett. Lahat ito ay para sa isang grand reveal.“I’m ready,” bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko sa sobrang excitement at kaba.Nang nasa gitna na kami ng stage, tumingin ako kay Everett. Ngumiti siya nang parang nagpapapogi pa sa mga bisita namin kaya tatawa-tawa rin ako. Minsan, lumalabas na rin talaga ang pagiging makulit niya. Gumitna pa kami sa stage at saka tinaas ang kamay na
Misha’s POVMadaling araw pa lang, nagising na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil sa sobrang katahimikan ng paligid o marahil dulot ng nakaraang kaganapan kagabi—ang gender reveal ng anak namin ni Everett. Lahat ng bisita ay nalasing, at dahil buntis ako, ako lang ‘yung hindi nalasing kaya maaga nagising. Tulog na tulog pa si Everett sa tabi ko, malalim ang paghinga at mukhang hindi magigising agad. Bumangon na ako kasi alam kong hindi na ako makakatulog pa, maaga rin kasi akong natulog kagabi. Simula nung mabuntis ako, hindi na ako nakakapagpuyat, maaga akong dinadapuan ng antok.Tahimik akong bumangon sa kama, ingat na hindi magising si Everett. Nang masiguro kong hindi siya nagising, hinayaan ko na ang paa ko’y magdala sa akin kung saan man. Maganda ang umaga sa labas, pero masyado pang maaga para bumaba. Sa halip, naisip kong galugarin ang ilan sa mga kuwartong hindi ko pa napuntahan dito. Hindi ako madalas na nag-iikot sa mansiyon na ito, dahil lagi kaming naglala
Misha’s POV Nakatayo ako sa harap ng bintana ng kuwarto namin, iniisip kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Si Everett ay nasa kama pa, unti-unti nang gumigising. Nakahiga pa siya, tila lumulutang pa sa pagitan ng pag-idlip at paggising. May bigat sa dibdib ko, kanina pa. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pag-uusap na ito—hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya. Pero kailangan kong malaman kung para saan ang mga armas na ‘yon.Narinig kong nag-inat si Everett at tumingin siya sa akin. Medyo pagod pa rin ang mukha niya mula sa gabing puno ng kasiyahan. Tumitig siya sa akin, ngumiti nang bahagya.“Good morning, mahal,” bati niya pero ramdam ko na may bahid ng kaba ang tono ko. Hindi ko na maitatago ito, at alam kong kailangan ko nang magtanong.“Good morning,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.Tumahimik ng saglit, ang ingay ng mga ibon sa labas lamang ang naririnig namin. Hindi ako agad nagsalita. Alam kong sensitive ito, pero hindi ko kayang mag
Misha’s POVNang bumalik ako sa farm namin, bumungad agad sa akin ang mga bagong mukha ng mga bodyguard na pinadala ni Everett dito. Alam ko namang alaga na niya ako noon pa, pero ngayon, tila dumoble ang seguridad sa paligid ko. Sa bawat sulok ng farm, may nakabantay—mga lalaking matikas at seryoso, lahat alerto sa kanilang paligid. May kakaibang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila. Hindi ko naman naisip na aabot kami sa ganitong punto na kailangan ko ng ganitong klase ng proteksyon na sobra-sobra pa kaysa sa dati. Pero siguro nga, hindi ko dapat alalahanin ito. Babalik na sa trabaho si Everett, at alam kong gusto niyang siguraduhin na ligtas ako dito sa farm habang wala siya.Naglakad ako papasok sa bahay kubo, at sinalubong ako ni Manang Helen na may bitbit na cake. Hindi ko napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya agad, dahil akala ko ay simpleng surpresa lamang ito. “Misha, may nagpapaabot ng cake para sa ‘yo,” aniya habang iniabot ito sa akin.Tumango ako at t
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Mishon POVNang bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa loob ay napatigil at kahit ang live coverage sa TV ay tila nag-focus lang sa isang eksena, ang pagpasok ni Ada.Nakatayo ako sa harap ng altar, habang unti-unti nang napapaluha dahil sa tuwa. Grabe, parang noon lang ay tagahanga niya lang ako sa malayo, tapos ang ending, sa akin pala ikakasal ang isa sa pinakasikat na fashion model sa buong mundo.Ang simbahan ay puno ng puting bulaklak na galing sa atok, benguet, doon ito in-order ni Ada nung nakaraang araw lang. Tapos, ang bawat upuan ay may nakalagay na engraved nameplates para sa mga VIP guests. Hindi ito basta kasal lang kasi ito ay isang engrandeng seremonya na tinitingala ng buong bansa. Iyon ang sabi ni Ada at naniniwala naman ako kasi hindi lang bastang normal na tao si Ada, kilala siya ng maraming tao, kilala siya ng buong mundo.Bumukas ang pinto at doon siya lumabas.Si Ada.Ang babaeng pakakasalan ko ngayon.Suot niya
Ada POVKabado akong nakaupo sa loob ng luxury car na gawa sa company ng papa ni Mishon, ito na ‘yung napakagara at mamahaling puting kotse na napili namin ni Mishon. Nandito ako at naka-video call sa isa sa mga coordinator ng kasal ko habang sinisilip ko ang mga nangyayari sa loob ng simbahan.Habang nanunuod sa nangyayari roon, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa excitement o normal lang talaga sa kinakasal ang kinakabahan? Baka nga.Sa screen ng phone ko, kita ko ang organizer na maingat na tinututukan ang bawat detalye ng kasal. Super gagaling ng mga staff ng kasal namin ni Mishon kasi hanggang ngayon, perfect pa rin ang lahat at wala pa ring problema.“Everything is going smoothly, Ma’am Ada,” malumanay niyang sabi. “The entourage has started walking down the aisle. The timing is perfect. Just take a deep breath and enjoy the moment po.”Napatingin ako sa bintana. Isang malawak na floral arch an
Mishon POVAlas sais ng umaga nang magising ako sa kuwarto sa third floor ng mansiyon. Ilang segundo akong nakatingin sa kisame nun habang pinoproseso ang lahat. Oh, Lord, ngayong araw na ang kasal namin ni Ada. Ngayong araw na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko kasama ang mahal na mahal kong si Ada.“Good morning, Sir Mishon. Your breakfast is here.” Narinig kong sabi ng isang staff na kumatok sa pinto.Bumangon ako mula sa malambot na kama at pinagbuksan siya. Isang tray ng almusal ang inilapag nito sa maliit na mesa sa gilid ng kuwarto, croissants, scrambled eggs, smoked salmon at isang tasa ng mainit na black coffee ang almusal ko. Simple pero elegante, si Ada siguro ang nagpa-ready nito. Umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Saktong-sakto lang din ito kasi kailangan kong kumain ng almusal para may lakas ako sa buong maghapon.Habang kumakain ako, pumasok ang tatlong lalaki mula sa aking glam team. Ang lead stylist na si Rafael, isang sikat na fashion consultant na naka
Ada POVAlas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako sa tunog ng alarm ko. Dali-dali akong naligo, nag-toothbrush at nag-almusal dahil maaga ring dumating ang glam team na mag-aayos sa akin.Oh, my God! Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng kasal namin ni Mishon. Sa loob ng ilang buwan ng paghahanda, sa wakas ay dumating na rin ang sandaling ito.Pagbaba ko sa hagdan, bumungad sa akin ang buong glam team na abala nang inaayos ang kanilang mga gamit. Ang glam team na ito ay hindi basta-basta lang, sila ang pinakasikat sa industriya ng bridal styling kaya dapat lang na ma-try ko sila sa pinaka-special na okasyon ng buhay ko.Inutos ko sa kasambahay na papasukin na sila sa malaking guest room na kung saan ay doon ako aayusan. Pagkatapos, sisilip dapat ako sa room ni Mishon para sana tignan niya pero pinigilan ako ni Ate Everisha, huwag na muna raw kaming magkita, doon na sa simbahan kami magkikita mamaya.Kaya pumunta na rin ako sa guest room kung saan nandoon na ang glam
Mishon POVNgayong gabi ay ito na ang huling gabi ko bilang binata. Bukas, ikakasal na ako kay Ada, sa babaeng mahal ko, ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Pero bago ang lahat, may isang gabi pa akong natitira para maging isang free man.At siyempre, hindi puwedeng walang party! Kasi si Ada, ginawan din nila Ate Everisha, Verena at Yanna ng party para sa last night na pagiging dalaga niya.Nasa rooftop kami ng mansiyon, kung saan nag-set up sina Marco, Edric at Czedric ng maliit pero solid na inuman. May mga fairy lights na nagbibigay ng cozy na ilaw, may barbecue sa gilid at siyempre, may malaking cooler na puno ng beer at whisky. Walang ibang bisita, kami lang.“Bro, are you ready to say goodbye to your single life?” tanong ni Marco habang binubuksan ang isang bote ng beer at inabot sa akin. Mga topless kaming lahat kasi mainit dito sa rooftop.I smirked and took the bottle. “Man, I’ve been ready since the day I met Ada.”“Hah! Sipsip!” singit ni Edric bago sumimsim ng alak.
Ada POVPagbalik namin sa mansyon ngayong hapon galing sa Baguio ay para bang wala silang kapaguran. Bukas na kasi ang kasal namin ni Mishon kaya, ngayong gabi, ito na raw ang huling gabi ko bilang isang dalaga.Kaya naman sina Verena at Yanna ay gumawa ng party na all-girls celebration para sa akin. Kasama siyempre sina Ate Everisha, Verena, Yanna at iba pang malalapit kong kaibigan na babae.Buong hapon ay hindi nila ako pinalabas sa kuwarto ko kaya naglaro lang kami nang naglaro ni Miro doon. Parang bonding na rin namin ni Miro. Nung gabi na, doon lang nila ako inayang lumabas ng bedroom namin ni Mishon.Pagpasok ko sa malaking event hall ng mansyon namin ni Mishon ay agad akong sinalubong ng mga halakhak at sigawan nila.“Finally! The bride-to-be has arrived!” sigaw ni Verena habang may hawak na isang baso ng champagne.“Oh my God, you are so beautiful tonight, Ada! But after tomorrow, you’ll be Mrs. Tani!” dagdag ni Yanna na may kinikilig na ngiti.Natawa ako at umiling. “You guy
Mishon POVNang umagang iyon, maaga akong nagising upang ihanda ang araw na ito para sa amin naman ni Miro. Alam kong bihira lang kami magkaroon ng pagkakataon na makasama nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang araw na ito para sa kanya.Bago ang kasal, dapat lang na mapagbigyan ko na siya sa request niya sa akin na bonding naming mag-ama lang.Pagkalabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Ada sa kusina, nagtitimpla ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti.“You’re up early,” aniya.Tumango ako. “Yeah. Gusto kong sorpresahin si Miro. Ilalabas ko siya ngayon habang nandito pa tayo sa Baguio.”Hindi naman siya tumutol. Alam kong gusto rin niyang magkaroon kami ng oras na magkasama bilang mag-ama. Kaya matapos kong magpaalam, agad akong nagtungo kay Ate Everisha upang humiram ng sasakyan na dala nila ni Czedric.Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Miro mula sa kuwarto niya, suot ang isang makapal na jacket at jogging pants. Nakita ko siyang nag-stretching habang nag-aantay sa