Everett’s POVBinuksan ko ang alimango, tinanggal ang shell at hinaluan ng konting white wine para mag-deglaze ng kawali. “When you cook crab, always take time sa pag-prepare ng stock. That’s where you get the richest flavor. But of course, for today, mabilisang version muna tayo.”Idinagdag ko ang tahong at hinintay na bumukas ito, sabay halo ng konting butter at chopped parsley para sa final touch. Nakita ko ang paggalaw ng tahong, unti-unti nang bumubuka ang mga shell nito, nagsisimula nang maglabas ng natural juices na magpapalasa sa dish.“Here comes the final touch,” sabi ko habang hinaluan ng lemon zest at isang pinch ng cayenne pepper. “Lemon gives brightness, cayenne adds a bit of heat. Perfect for a seafood dish like this.”Binuksan ko ang maliit na kaldero ng butter sauce na kanina ko pa niluluto sa mababang apoy. “And always serve it with garlic butter sauce on the side,” I said with a smirk, offering a spoonful to Misha for a quick taste test.“Tikman mo, babe. Sabihin mo
Misha’s POVMaganda ang sikat ng araw nang makarating kami sa swimming pool resort ko. Kasama ko sina Ate Ada at apat sa mga bodyguard ko, na malapit lang sa amin para siguruhing ligtas ako.Panay ang bati ng mga staff ko nang makita nila ako. May nagsasabi pa na na-miss daw nila ako.Pagkarating pa lang namin, agad kong naamoy ang halimuyak ng mga halaman at narinig ang malumanay na agos ng tubig sa pool dahil sa mga batang maagang naglalangoy sa tubig. Walang kasing-saya ang makabalik dito, sa kaisa-isang business na una kong naitayo.“Kumusta ka, Miss Misha?” bati ni Ate Ada habang naglalakad kami patungo sa malawak na swimming pool. “Mukhang ang saya mo na ulit nakabalik ka rito.”“Ang saya ko, Ate Ada,” sagot ko habang tumitig ako sa malinis at kumikislap na tubig ng pool. “Matagal ko na rin itong hindi nakita. Iba ang saya ko kapag naririto ako.”Tamang-tama ang pagbisita ko kasi may mga inayos akong papel. May mga event akong na-confirm na mangyayari rito at kung ano-ano pa.An
Misha’s POVPagdating ko sa farm, nadatnan ko na paalis na ang mga truck ng mga reseller ng mga gulay namin. Ang iba sa mga kilala na ako ay binati ako at nginitian. Marami-rami na naman ang kita namin dito for sure. Kaya kahit pa paano talaga ay nakakaahon na sa hirap sina mama at papa dahil nagiging maayos na ulit ang lahat.Pero kahit na nasasaksihan ko ang mga magagandang nangyayari sa paligid ko, hindi ko magawang maalis sa isipan ko ang sinabi ni Tita Maloi kanina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig—isang takot na hindi ko inasahan, isang banta na bumalot sa akin ng mabigat.Naupo ako sa isang lumang bangko sa tabi ng mga tanim naming ubas. Habang hinahagod ko ang noo ko, napatingin ako sa malayo, sa mga gumagapang na ulap sa langit. Dapat nga ba akong matakot? Nakakatakot kasi talaga ang banta niya. Paano kung totohanin niya?“Huy, Misha! Anong iniisip mo diyan?” isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan.Napalingon ako at nakita kong papalapit si Conrad. Tulad n
Misha’s POV“Hindi mo puwedeng palagpasin ito, Misha,” mariing sabi ni Conrad pagkatapos ng ilang minuto. “This is serious. Alam mo ba kung gaano kalaking bagay ang pananakot na ‘yan? Hindi lang ito tungkol sa pera o yaman, ito na ang mismong seguridad mo. Puwede ka niyang idamay sa gulo ng pamilya nila at hindi mo dapat hayaan ‘yun.”“Tama ka, pero…” nagsimula akong magsalita, pero mabilis akong pinutol ni Conrad.“Pero ano?” tanong niya habang sumeryoso ang mukha. “You can’t just let this slide, Misha. You have to tell Everett. Kung hindi mo siya sasabihan, paano niya mapoprotektahan ang sarili niya at ikaw? At isa pa, this is his family—he needs to know what’s going on.”Napaisip ako sa sinabi ni Conrad. Alam kong tama siya, pero sa loob-loob ko, baka makagawa ng naman ng hindi maganda si Everett. Baka awayin na naman niya ng husto ang mga iyon. Ayoko kasing napapaaway si Everett.“Alam ko… alam ko dapat kong sabihin sa kanya,” mahinang sagot ko. “Pero paano kung mas lumala pa ang
Everett’s POVPagkarating ko sa bahay nila Tita Maloi, ramdam ko agad ang pagtitimpi sa loob ng dibdib ko. Pinili kong kumalma habang umaakyat sa hagdan, hindi ako makapaniwala na siya pa ang gagawa nito para takutin ang syota kong buntis. Ang kapal lang ng mukha, oh baka utos din ng demonyong tito ko. Halatang-halata na uhaw sila sa yaman ko. Halatang-halata sila na ayaw nilang makuha ko pa ang yaman ko.Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad si Tita Maloi na nakaupo sa may sofa, nag-aayos ng mga gamit sa lamesa. Hindi man lang siya nagulat sa bigla kong pagdating, pero sa likod ng mapagbalatkayong ngiti niya, alam kong nararamdaman niya ang tensyon na dala ko.“Everett,” bati niya nang walang kagatol-gatol, “what brings you here so suddenly?”Hindi ko sinayang ang oras sa mga pleasantries. Diretso akong lumapit sa kaniya, hindi ko ininda ang kabog sa dibdib ko. “I know what you’ve been doing, Tita.”Napakunot ang noo niya. Tumigil siya sa ginagawa at tumayo, tila nagpapanggap na in
Misha’s POVNagmamadali akong bumangon mula sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang kaluskos sa labas ng kuwarto. Tumayo ako at sumilip sa bintana—nandiyan ang mga bodyguard ni Everett, tahimik na nakatayo sa labas ng bahay kubo ko dito sa farm. Agad akong napakunot-noo. Hindi naman araw ng pagbisita ni Everett ngayon. Bakit kaya may mga tao siyang pinadala?Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Ate Ada. Nakangiti siya, pero may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Parang eng-eng, hindi naman siya ganito sa umaga.“Misha, kailangan mong mag-ayos ng maganda. May sorpresa si Sir Everett para sa’yo,” sabi niya habang itinutulak niya ako pabalik sa kuwarto.“Sorpresa? Ano na naman ‘to?” tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.Hindi siya sumagot at inabot sa akin ang isang malaking kahon na may kulay gintong laso. Takang-taka ako habang pinagmamasdan ko ang kahon—hindi ito pangkaraniwang regalo. Para namang baliw si Everett. Parang nung isang araw lang ay muntik na siyang magalit
Misha’s POVLahat ng mata ay napunta sa akin. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog—ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o kung anong gagawin ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko.Ilang sandali pa, may nakita akong pamilyar na pigura sa harap ng entablado. Si Everett. Suot niya ang itim na tuxedo na nagpapatingkad ng kaniyang postura at tindig. Nakangiti siya habang lumalapit sa akin. Nang makita ko siya, parang gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit may kung anong malalim na emosyon ang bakas sa mga mata niya.“Misha,” bulong ni Everett nang magkatapat kami. Hinawakan niya ang kamay ko at parang natunaw ang lahat ng kaba sa dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman na tila ba may napakaespesyal na mangyayari ngayong gabi.“Everett, ano ‘to? Ano ang nangyayari?” tanong ko habang nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko.Ngumiti siya, pero halata ang kaba sa kaniyang mga mata. Bago pa siya makapagsalita, bumalik sa mikropono an
Misha’s POVKinabukasan, pagkatapos ng engagement party namin ni Everett, bumangon ako nang may ngiti sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang kilig mula sa gabing iyon, na parang nasa hangin pa rin ang mga salita na malapit na akong ikasal, malapit na akong maging Misha Tani.Paglabas ko ng kuwarto, naroon siya—nakangiti, nakaayos na parang may mahalagang lakad. Masaya ito, nakadalawang round kami kagabi, sarap na sarap na naman siya sa nangyari. “Good morning, love,” bati niya sa akin sabay halik sa noo ko. “May sorpresa ako para sa’yo. Magbihis ka. Lalabas tayo.”Napakunot ako ng noo habang siya naman ay parang nang-aasar ang ngiti, hindi pa pala siya tapos sa mga sopresa niya. “Sorpresa na naman? Hindi ka pa ba napapagod sa kakasorpresa?”“Hindi pa. At hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapasaya araw-araw,” sagot niya sabay kindat.Nagmadali akong mag-ayos. Pagkatapos ng ilang minuto, handa na agad ako, mabuti at pagkagising ko kanina, naligo na agad ako. Suot ko ang isang simple
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba
Ada POVMalalim na ang gabi nang lapitan ako ni Mama Franceska sa veranda ng aming mansiyon. Tahimik siyang umupo sa tabi ko, hawak ang isang tasang mainit na tsaa. Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tanging ang malamig na hangin lamang ang naririnig ko kasama ang paglagaslas ng fountain sa may garden sa ibaba.“Ada, anak,” malumanay niyang simula habang seryosong nakatingin sa akin. “Gusto kong ako ang gumawa ng bouquet mo sa kasal mo.”Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti kasi alam kong magaling siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Talaga, Mama? Gusto mo?” tanong ko habang nakangiti ng husto sa kaniya.Tumango siya. “Oo, anak. Gusto kong ako mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na hahawakan mo sa araw ng kasal mo. Gusto kong makita sa araw ng mismong kasal mo na ako ang gumawa ng bulaklak na dala-dala mo sa altar.”Napakasaya talaga ng mayroong ganitong mama. Simula talaga nung malaman kong siya ang tunay kong mama, walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin n
Ada POVHalos alas dos na ng madaling-araw nang makita kong umaandar papasok ng mansyon ang lumang sasakyang inarkila nila Mishon para sa paghahanap kay Miro at Raya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang antok at pagod. Tumakbo agad ako palabas at hindi na inalintana ang lamig ng gabi, para salubungin sila.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, unang lumabas si Mishon. Pagod na pagod ang itsura niya, may ilang galos at sugat sa braso, pero buhay. Buhay siya. Buhay silang lahat. Kaya maluha-luha ako sa tuwa.“Miro’s okay,” bulong niya sa akin gaya lalo nang gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, pero ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan niya. Napaluha ako sa tuwa.“Thank God…” Pumatak ang mga luha ko kahit hindi ko gusto. Hinawakan ko ang mukha niya, tinignan ko kung may malalang pinsala, pero ang mga mata niya ang unang nakahuli ng atensyon ko. Pagod, halos maiyak ako lalo kasi ang dungis niya at mukhang nasaktan pa rin siya sa naging labanan nila. Masakit makita sa ganitong istu
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga
Mishon POVSa sandaling makapasok kami sa loob ng villa, mas matinding panganib ang sumalubong sa amin doon. Hindi lang lima o sampu ang mga kalaban, higit pa sa bente ata. Lahat sila ay armado, may dalang matataas na kalibre ng baril. Wala kaming ibang magagawa kundi maghiwa-hiwalay para mapababa ang tiyansa ng agarang pagkalagas. Agad kaming tumakbo sa magkakaibang direksyon, gamit ang anino at paligid bilang pananggalang.Si Edric ang unang sumabak sa matinding bakbakan. Pumasok siya sa isang silid na tila opisina, pero doon nag-aabang ang tatlong kalaban. Wala siyang dalang armas kundi ang kutsilyong nakuha niya sa isa sa mga napatay naming bantay kanina.Nanuod lang muna ako, para sakaling kailangan niya ng back up ay saka ako tatakbo palapit sa kaniya.“Come at me,” malamig niyang sabi na hindi man lang nababahala.Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga kalaban. Isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan si Edric, pero nagpagulong siya sa sahig, mabilis na iniwasan ang bala. Sa
Ada POVNakatayo ako sa terrace ng mansiyon ng bahay namin dito sa Pilipinas, nakatingin sa madilim na langit na punung-puno ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nag-aalab kong kaba sa dibdib ko.Ilang oras na ang lumipas, pero wala pa ring balita tungkol kina Mishon, Edric at Marco. Alam kong delikado ang misyon nila ngayong gabi, pero wala akong magawa kundi maghintay at magdasal.Pero sana kasi nagsama sila ng mga pulis para mapanatag ako, kaya lang ang alam ko, lumakad sila ng sarili nila.Simula kaninang hapon ay nandito na ako sa kuwarto namin ni Mishon, hindi na ako bumaba kasi nahihilo ako sa tuwing naiisip kong nasa panganib sina Mishon at Miro. Ina-anxiety ako, para akong masusuka palagi. Natatakot din ako na baka kung anong mangyari sa baby namin ni Mishon kaya nanatili na lang ako dito sa kuwarto ko. Uminom na rin ako ng gamot para mawala ang nararamdaman kong ito. Gamot ito na puwede sa akin na binigay ng Ob-gyn ko.Narinig
Mishon POVDala ang lumang sasakyan na inarkila namin ulit, tinahak namin ang hindi pamilyar na daan patungo sa lugar na sinabi ng pulis. Ilang oras na kaming nagmamaneho, sinusuyod ang bawat kalsadang dinaanan ng puting van na nakita sa CCTV footage.Halos inabot na nga kami ng dilim sa daan. Pinangako naming hindi kami uuwi ng hindi kasama ang dalawa kaya pinanindigan namin ito.Sa loob ng sasakyan, tahimik kaming tatlo, ako, si Edric at si Marco. Alam kong pare-pareho kaming kinakabahan, pero hindi namin pinapahalata sa isa’t isa. Mas lalo akong nag-aalala kay Miro. Bata pa siya. Hindi niya deserve ‘to.“You think they’re okay?” tanong ni Marco na nakatingin sa akin mula sa passenger seat.I swallowed hard. “They have to be.”Pagkatapos ng tanong na iyon ay tahimik ulit kami. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng sasakyan at ang madalang na paghinga namin.Nang makarating kami sa isang makipot na kalsada, napansin namin na paliko-liko na ito at papasok sa isang masuk
Mishon POVSa gitna ng lahat ng kaguluhan, napansin kong tila lalong na-stress ang fiance kong si Ada. Hindi ko siya masisisi, buntis siya at sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Miro. Alam kong mahal na rin niya ang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na kadugo o anak. Ako man, kahit hindi ko nagawang panindigan noon si Raya at ang anak namin, hindi ko rin kayang balewalain si Miro ngayon. Mahal ko siya. Gusto kong protektahan siya. At kahit na lang alam kong gumawa ng mali si Raya, guso ko rin naman na maligtas siya.Pero, hindi ko maalis sa isip ko ang paninisi ni Raya. Na kung hindi sana ako nangialam ay hindi sana magkakagulo. Kung hindi ko ginawa iyon, maayos pa sana kaya ang lahat?Nakahawak si Ada sa tiyan niya habang nakaupo sa sofa. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong malalim ang iniisip niya. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Ada, please. You need to take it easy. You’re carrying our child. I promise, we’ll find Miro.”Nag-anga