Thank you po sa inyong lahat at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
DAHLIA Alam ko na naging disperada ako kagabi. Pero tapos na at wala na akong magagawa. Kusang loob kong binigay ang sarili ko kay Kuya Axel. Ipinagkaloob ko ng walang pag-aalinlangan. At wala akong pagsisisi na naramdaman. Mahal ko siya at kahit sa isang gabi lang ay maramdaman ko ang pagmamahal niya. Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin bumangon kahit na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.Halos isang oras rin akong nagbabad sa warm water dito sa bathtub ko. I do my research at nakakatulong daw ang maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit at pamamaga. Pakiramdam ko ay nalamog ang buo kong katawan. Lumabas na ako sa silid ko dahil dumating na ang pagkain na pina-deliver ko.“K—Kuya,” nauutal na sambit ko dahil nasa tapat siya ng pintuan ko.Kaagad siyang pumasok sa loob at hindi man lang ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Sakto rin na dumating ang pagkain. Pagpasok ko ay nakahiga siya sa sofa ko.“Kumain kana ba, kuya?” Tanong ko sa kanya
DAHLIASimula noong nakaraan ay hindi na kami nagpapansinan ni Kuya Axel. Kahit na nagkaka-salubong kami sa daan ay hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Minsan ay gusto ko siyang batiin at kausapin pero hindi ko magawa. Naging busy ako sa trabaho ko. Kaya hindi ko na namalayan ang mga araw na dumaan na ganito kaming dalawa.At hindi ko talaga namalayan na halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap. Kahit na ngayon ay magkasabay kaming dalawa sa loob ng elevator.“Yes, babe. I’m on my way there,” rinig ko na sabi niya sa kausap niya.Sino kaya ang girlfriend niya? May sineseryoso na kaya siya? Tanong ko sa sarili ko.Biglang nagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko ito kaagad.“Hello, Ry. Nasa elevator na ako. Okay, see you,” sabi ko at lumabas na ako noong bumukas ang pinto ng elevator.May lakad kami ni Ryan dahil balak ko na magbukas ng isa pang boutique at siya ang napili ko na architect. Nakita ko na siya kaya kumaway ako sa kanya. “Hi,” bati sa akin ni Ryan.“Hi,” nakangiti rin
AXEL LUIS (PRESENT TIME)Sobrang sakit para sa akin na isang kasinungalingan lang ang naging buhay ko. Na kasinungalingan lang pala ang buong pagkatao ko. So, all this time ay hindi ako isang Santillan. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko pa ang kuya Gavin ko. At higit sa lahat si Dahlia.Palabas na ako sa unit ko dahil gusto ko na lang lumayo. Ayokong maging puppet ni mommy. Kaya mas pipiliin ko na lang na lumayo kaysa masaktan ko pa sila. I booked a flight abroad. Pero palabas pa lang ako unit ko ay may biglang humataw sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.*****Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Bumukas ang pintuan ang pumasok si mommy.“Mom, what's the meaning of this?” Tanong ko sa kanya.“Alam ko na alam mo na hindi kita anak. Tinatanong mo kung bakit ko ito ginagawa? Simple lang dahil gusto ko na ipakita sa ‘yo na ang mga taong balak mong kampihan ay walang pakialam sa ‘yo. Isa ka ring traydor katulad ni
AXEL LUIS Hindi ko magalaw ang katawan ko. Nakaratay ako dito sa hospital. Gustuhin ko man na malaman ang kalagayan ni Dahlia ay walang ni inisang dumalaw sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan. Nais ko talagang malaman kung okay lang ba sila ng baby ko.“Miss, puwede ba akong lumabas para puntahan si Dahlia?” Tanong ko sa nurse.“Sorry po, Sir Pogi. Pero hindi po kayo puwedeng lumabas ngayon. Kailangan niyo po munang magpagaling.” Sagot niya sa akin.“Alam ko, Miss. Pero kailangan kong malaman ang lagay ni Dahlia.” Saad ko pa sa kanya.“Tulog pa po siya. Marami ang nawalang dugo sa kanya. Sa ngayon po ay under monitoring pa rin po siya.” Sagot niya sa akin.Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil ligtas siya. Sa dami ng pasa na natamo ko ay alam ko na matatagalan pa akong gumaling kaya sa ngayon ay sa iba muna ako magtatanong tungkol sa kalagayan niya. Lumabas na ang nurse kaya hindi ko na naitanong ang kalagayan ng anak namin ni Dahlia.So, all this time ay alam na n
DAHLIA Nagising ako na sobrang nauuhaw ako. Parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Pero sinubukan ko pa rin na tawagin si kuya. “K–Kuya,” tawag ko kay Kuya Gavin. “Dahlia, thank God you’re awake now.” sabi niya sa akin at mabilis niya akong dinaluhan. “Nauuhaw ako, kuya.” sabi ko sa kanya. Mabilis naman niya akong pinainom ng tubig. “Ang baby ko? Kumusta ang baby ko, Kuya?” tanong ko kanya. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa kin. Kaya bigla akong kinabahan dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Kuya,” tawag ko sa kanya. “Hindi nakaligtas ang baby mo,” sagot niya sa akin. Biglang naging manhid ang buo kong katawan sa narinig ko. Parang tinadtad ang puso ko. Sobrang sakit na hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang nasa loob ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumakit ang puso ko. “Iwan mo muna ako, kuya. I want to be alone,” mahina na sabi ko sa kanya. “Okay, nasa labas lang ako.” sagot niya sa akin. “Thank you, kuya.” sabi ko sa kanya. Pag
AXEL LUIS Napadpad ako dito sa Batangas. Hindi man ganun kalayo sa kanila ay alam ko na mas mabuti na dito na lang ako. Naghahanap ako ng bahay o silid na puwede kong rentahan. “1,500 ang upa kada buwan iho. May one month advance at one month deposit. 500 naman ang para sa kuryente at tubig,” saad sa akin ng landlady. “Sige po, ito po ang bayad ko.” saad ko sa kanya at inabot ko ang three thousand five hundred para sa hinihingi niya na bayad. “Salamat, iho. Maiwan na kita at ako’y marami pang ginagawa.” saad niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Nagpapasalamat naman ako dahil may maayos itong higaan. Maliit lang pero malinis naman ito. Kaya puwede ko ng pagtyagaan sa ngayon. “It’s okay, Axel. You can do this,” saad ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga ngayon at bukas na lang ako maghahanap ng trabaho. Habang nakahiga ako ay nakatitig lang ako sa lumang kisame. Mainit at wala akong electric fan. Tumayo ako at naghanap ng puwede kong gamitin na pamaypay. “Sino ba ako
DAHLIA Ang mga araw na wala siya ay sobrang hirap para sa akin. Pero pinipilit ko na maging okay dahil umaasa ako na mahahanap ko siya. Sobrang bilis ng mga araw at hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang lumipas simula noong iwan niya ako. “Nasaan kana ba? Bakit ka ba umalis? Hindi mo ba ako mahal? Nakakainis ka!” para akong siraulo na kinakausap ang sarili ko dito sa office ko. Ang aga-aga pa pero siya na agad ang nasa isipan ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Kuya Gavin. “Wala pa rin akong balita. Pero alam ko na mahahanap natin siya. Pasaway talaga, pinapahirapan niya ako.” natatawa na sabi ni Kuya. “Hindi nga siguro niya ako mahal, kuya.” malungkot na sabi ko sa kanya. “Don’t say that. Kasi nahihiya lan ‘yun at dahil na rin sa pride niya. We need to understand na nasaktan siya. Dahil ang buong akala niya ay anak talaga siyang tunay. At may kasalanan rin ako. Sa ngayon ay ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Alam ko na mahahanap natin siya. At alam ko rin na oka
DAHLIA Hindi naman nagtagal ang halik niya sa akin. Bumitiw rin siya agad sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. Pero mas lalo naman akong umiyak at niyakap ko siya. “Don’t cry,” mahinahon na sabi niya sa akin. “Uwi na tayo, umuwi kana sa amin.” parang bata na sabi ko sa kanya. “No, I can’t.” malungkot na sagot niya sa akin. “Ang sabi mo mahal mo ako. Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan? Kung mahal mo ako bakit ka umalis?” umiiyak na tanong ko sa kanya. “Alam ko na hindi mo ako maiintindihan. Mahal kita pero hindi ako ang para sa ‘yo.” sabi niya sa akin. “At sino ang para sa akin? 12 years kitang minahal at ayoko ng maghintay o magsayang na naman ng another year. Mahal kita, Axel at ikaw lang ang gusto ko.” wala akong pakialam ngayon dahil ang nais ko lang na malaman niya na mahal ko siya. “Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo.” sabi niya sa akin kaya nasaktan ako. “Ganun lang ba kadali sa ‘yo na ipamigay ako sa iba? Sa tingin mo ba madali lang na magmahal ng iba