Thank you po ❤️❤️❤️
MEC-MEC“We’re here,” sabi sa akin ni Mark nang tumigil kami sa isang bahay.“Dito ka nakatira?” tanong ko sa kanya.“Yeah, dito.” nakangiti na sagot niya sa akin.Inalalayan niya akong bumaba. Pagpasok namin sa loob ng bahay niya ay bumungad sa amin ang malinis at spacious na living room. Wala naman gaanong gamit dito sa bahay niya. Siguro dahil siya lang naman ang narito.“Gusto mo ba ng juice o water?” tanong niya sa akin.“Tubig na lang,” sagot ko sa kanya.“Okay, baby.” nakangiti na sabi niya at mabilis na pumasok sa may kusina. Ako naman ay umupo sa may couch niya. Paglabas niya mula sa kusina ay may dala siyang isang basong tubig. Binigay niya ito sa akin. Mabilis ko naman itong ininom. Nagulat ako dahil bigla na lang siyang bumaba sa paanan ko.“Masakit ba ang paa mo?” tanong niya sa akin.“Okay lang ako,” sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.“Okay, baby.” sabi niya sa akin at tumayo na para dalhin ang baso sa kusina.“Nagugutom ka ba? Hindi ka pa pala kumain?” tanong niya s
MEC-MECNang magising ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ngumiti. Katabi ko kasi ngayon ang lalaking mahal ko. Hindi ko alam pero wala na ang galit ko sa kanya. Ganito ba talaga? Ganito ba kapag mahal mo? Alam ko na hindi rin naging madali sa kanya ang lahat. Alam ko na nahihirapan rin siya. Lalo na ng isuko niya ang pagiging Ventura niya para lang sa akin.“Good morning, baby.” nakangiti na bati niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Baby, nagugutom na ako.” sabi ko sa kanya pero nakatulala lang siya sa akin.“Baby?”“Say it again, please.” utos niya sa akin.“Say what?”“Baby,” sagot niya sa akin kaya naman napangiti ako.“I love you, baby.” sabi ko sa kanya.“Am I dreaming?” tanong niya sa akin.“No, you’re not.”“Para kasing hindi totoo. Hindi kana ba galit sa akin? Bati na ba tayong dalawa?”“Galit pa rin naman. Pero wala akong choice kasi ikaw ang pinaglilihian ko. Gustong-gusto ka ng anak mo.”sabi ko sa kanya pero pabiro lang naman. Kasi ang totoo ay wala na
MEC-MECNagsama kami ni Mark bilang mag-asawa kahit na hindi pa kami kasal. Wala namang problema sa akin dahil hindi naman kami nagmamadali. Ako ang naiiwan dito sa bahay habang siya ay pumapasok palagi sa trabaho niya sa company ng lolo niya. Tinutulungan niya kasi ito dahil pabagsak na ang company. Hindi naman ako naiinip dahil palagi naman siyang tumatawag sa akin. Minsan nga ay late na siyang pumapasok sa work niya dahil sa morning sickness ko. Ang buong akala ko ay nawala na pero after three days ay bumalik na naman ito ulit. Maselan ang amoy at panlasa ko na hindi ko alam kung ano ba ang kakainin ko na hindi ako masusuka.“Baby, hindi na muna ako papasok ngayon.” sabi niya sa akin.“Baby, okay lang ako. Don’t worry about me.” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko naman na hindi siya magtrabaho ng dahil lang sa akin.“No, baby. I’ll stay here,” sabi niya sa akin.“Alam ko na nag-aalala ka sa akin but I’m fine. Pero kung talagang ayaw mong pumasok ngayon ay ipagluto mo na lang ako.” naka
MEC-MEC“Baby, parte sila ng pagkatao mo. Pero kami ang pamilya mo. At mahal na mahal ka namin. Mahal ka namin ng baby natin. Hindi na mahalaga ang nakaraan dahil mas mahalaga ang kung ano ang mayroon tayo ngayon. Siguro nga siya ang ama mo pero malaki ang pagkakaiba niyong dalawa dahil ikaw. Mabuti ang puso mo, mabuting tao ka.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Thank you, baby. Paano na lang ako kung wala ka?” sabi niya sa akin.“Ako ang dapat na nagtatanong sa ‘yo ng ganyan. Paano ako kung wala ka sa buhay ko? Alam ko na kung saan man ngayon ang daddy mo ay pinagsisihan na niya ang ginawa niya. Hayaan mo ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay wala kang ginagawa sa kanila. Let them judge you kasi hindi naman nila alam ang buong kwento. Mahal kita at mamahalin pa kita. Kami ni baby ang kasama mo.” sabi ko sa kanya.“I love you so much, baby. Bumalik na kaya tayo sa Manila?” tanong niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Oo, I need to breathe. Hindi ko kayang dumit
MEC-MEC Nagstay ako sa office ni Mark. Nakatambay lang ako dito at hinihintay ko siya na matapos sa ginagawa niya. Nanonood na lang ako sa phone ko ng movies. Mas pinili ko ang rom-com. Ayaw ko ng drama kasi ayaw kong umiyak. Lately kasi ay mababaw lang talaga ang luha ko. Tuwang-tuwa ako sa pinapanood ko kaya naman bigla na lang akong tumatawa mag-isa. Tumagal rin yata ng dalawang oras ang pinapanood ko. Pagkatapos ay tumigil na ako. Kaya naman tumayo ako at naglakad-lakad dito sa loob nang office niya.“Baby, naiinip kana ba?” Tanong niya sa akin.“No, I’m not.” Mabilis na sagot ko sa kanya.“Tapusin ko lang ito para makauwi na tayo.” Malambing na sabi niya sa akin.Lumapit naman ako sa kanya. Tumayo ako sa likuran niya ang minasahe ko ang balikat niya.“Masakit ba ang balikat mo? Ang likod mo sumasakit din ba? O baka nangangalay?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Medyo, baby.” Sagot niya sa akin.“Masyado kang masipag baka lalo kang yumaman niyan.” Pabiro na sabi ko sa kanya.“
MEC-MECIsang magandang umaga ang bumungad sa akin. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Mark. Civil wedding ito dahil napagkasunduan naman namin na after ko manganak ay magpapakasal kaming dalawa ulit sa simbahan.“Good morning, anak ko.” nakangiti na bati sa akin ni mommy.“Good morning, mommy.”“I’m so happy for the both of you.” sabi niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.“Saan po si Mark?”“Kasama niya ang daddy mo.” sagot niya sa akin.“I’m so happy right now, mom. Ganito ba talaga ang feeling kapag ikakasal ka sa lalaking mahal mo?” masaya na tanong ko sa kanya.“Masaya ako na makita na nakangiti ka, anak ko. Kayong dalawa ni Mark ay mga anak ko. At masaya ako dahil kahit na ganito. Kahit na mali sa mata ng ibang tao ay masaya ako para sa inyo. Masaya ako dahil si Mark ang pinili mo. Ako ang nagpalaki sa kanya kaya alam ko na magiging mabuting asawa at ama siya sa pamilya niyo. Madaling maghugas pero hindi nila puwedeng husgahan ang puso na nagmamahal.” “We are lucky to have
MEC-MEC Masaya ang lahat lalo na kaming dalawa ni Mark. Para pa rin akong nasa isang panaginip. Para kasing hindi totoo. Narito ako sa bulwagan na ubod ng ganda. Katabi ko ang lalaking mahal ko. Minsan ay natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw ay magising ako na isang panaginip lang pala ang lahat ng ito. “I’m so happy right now.” sabi sa akin ni Mark. “Me too, baby. It feels so unreal.” sabi ko sa kanya. “I love you so much, baby.” hinalikan niya ako sa labi na agad ko namang tinugon. Mamayang gabi ay ba-biyahe kami papunta sa Isla. Doon namin pinili na maghoneymoon. Sa ngayon ay makikisaya muna kami kasama ang pamilya namin. Buong araw namin silang kasama dito at masasabi ko na talagang sinulit namin ang araw na ito. Bandang alas kwatro ng hapon ay umuwi muna kami sa condo namin para kunin ang mga gamit na kailangan namin. At bago kami umalis ay tiningnan muna ako ni Tita Mireya. Okay naman daw at safe naman sa akin na bumiyahe. Yate ang sasakyan naming dalawa at si
PROLOGUE“Dahlia, sumama kana sa amin. Palagi ka na lang tumatanggi sa amin.” saad ng kanyang kaibigan na si Jane.“Sorry talaga, Jane pero hindi talaga ako mahilig pumunta sa bar.” sagot niya sa kanyang kaibigan.“Minsan lang naman. Please, birthday ko naman ngayon eh. Kahit ngayon lang,” saad pa nito sa kanya.“Baka nandoon ang kuya ko.” saad niya kay Jane.“Sino? Si Axel ba? Sigurado ako na nandoon siya pero isuot mo na lang ito para hindi ka niya makilala. Nasa legal age kana at dapat nga may boyfriend kana ngayon. Balak mo bang maging matandang dalaga. Masyadong strict ang isa mong kuya.” saad nito sa sabay abot ng isang maskara.Napatingin siya at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya ito o hindi. Legal age na siya pero alam niya na magagalit ang Kuya Axel niya kapag pumunta siya sa mga bar. Isa rin sa dahilan kaya kahit na nasa tamang gulang na siya ay hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan. Palagi kasing sinasabi ng kanyang kuya na dapat ipakilala niya ang manliligaw n