"Like my father" was the song Fayra was singing. It's soothing to be heard, try to listen :)
Letting go of someone even if your heart doesn't want it is the biggest and hardest decision you can ever make. It needs time to process, it needs time to think, and it needs time to heal. I'm a person who loves a lot. It's not easy for me to move on immediately. Every time, I remember why I am with that person. Why do I love him so much? I see memories everywhere. And it's hard. But what can I do? It's better to be broken right now than be a martyr afterwards. I'm done. I need my worth to be back.I need my old self to be back. 'Yong tipong sarili ko ang una kong minamahal sa kahit na kanino. Gusto kong bumalik 'yon para maging buo na ako. At ngayon... Ngayon ko mismo sisimulan. "Paki-labas na rin po 'yong mga vanity. If ever rin na gusto niyong kumuha ng gamit, feel free to do so. Lahat ng puwede niyong mapakinabangan, kunin niyo na."Isang malawak na ngiti ang isinukli ng mga taong kinuha ko para maghakot nang mga gamit ko na hindi ko naman na kailangan. Balak kong ibenta na lang
"Kanina ka pa tahimik. Baka gusto mong i-share sa akin ang nararamdaman mo Fayra."Nilingon ko si Morgan. Nakatingin ito sa akin at seryoso ang kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako at iginawi muli ang tingin ko sa katabing bintana."Hindi ko pa ata kayang iwan ang Pilipinas, Morgan.""Hindi mo pa talaga kaya dahil sunod sunod ang mga nangyari sa atin, lalo na sa 'yo. Makakayanan mo rin 'yan, Fayra. You're the most brave woman I've ever known. You can get through this hard situation."Hindi ako kumibo. Naglalakbay na naman ang utak ko sa kawalan. Hindi ko alam kung papaanong buhay ang bubuohin ko sa bansang napili ni Morgan. Mahirap mamuhay sa kapaligirang hindi ka naman sanay. Ngunit mahirap rin namang bumalik gayong nasa bansang iyon ang taong dumurog ng buong pagkatao ko.Tama si Morgan. Nasasabi kong hindi ko kaya dahil sariwa pa naman ang mga kaganapan.Humugot ako nang malalim na buntong hininga at muling ibinaling sa kaniya ang aking tingin. Nasa akin pa rin pala ang paningin
"Wala ka na bang ibang gustong bilhin, Fayra? Mahaba pa naman ang araw, kung may gusto kang gawin o bilhin pa, just tell me."Isang payak na ngiti at pag-iling ang iginawad ko kay Sébastien habang naglalakad kami papalabas sa isang boutique na pinasukan namin para bumili ng mga bagong kurtina na puwede kong gamitin sa unit ni Morgan."Sapat na iyan, babalik na lang ako dito kapag may kulang pa rin." Aniya ko sa kaniya at tiningnan ang sandamakmak niyang bitbit. Napalabi ako at napahinto sa paglalakad.Samantalang si Sébastien ay tuloy tuloy lang na hindi ata napansing wala na ako sa tabi niya. Sandali pa akong tumayo sa kinaroroonan ko nang huminto si Sébastien at nagpalinga-linga sa gilid niya. Nang bumaling ito sa likod ay kunot na ang kaniyang noo at tila hindi na ako maaninag ng kaniyang mga mata, madami din kasing mga taong naglalakad. Binilisan ko ang paglakad ko at nang makita niya ako ay tila nakahinga ito."Asa'n ka galing?" Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha."Huminto lan
"Are you sure about this? Pag-isipan mo muna nang maigi, Fayra. Baka nabibigla ka lang."Pinakatitigan ko si Sébastien. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses niya na akong tinanong kung sigurado na ba ako. Ilang beses ko na siyang tinanguan ngunit tila hindi sapat ang sagot kong 'yon sa kaniya.Napakamot ito sa batok niya at muling isinilid ang papel sa envelope, pagkatapos ay nilagay niya ito sa suit case niya at ni-lock 'yon.Napabuntong hininga ako sa kaniyang ginawa. Matalim ko siyang tinitigan ngunit hindi nagpatinag si Sébastien, bagkus ay sinalubong niya pa ako."Look Fayra. Iniisip lang kita. Alam kong mahal mo pa si Mateo, huwag mong pilitin ang sarili mo na gawin ang isang bagay na alam mong hindi ka pa handa.""Pero Sébastien——""No, Fayra. Tsaka ka na pumirma kapag maayos ka na. Kapag panatag na ang buong pagkatao mo't hindi mo mapagsisihan sa huli."Napailing ako at nagyuko. Hindi ko inaasahan na ngayong araw ipapadala ni Mateo ang mga papeles para mapawalang
"Pero hindi ko pa napipirmahan 'yan, Sébastien. Bumalik ka na lang muna dito sa bahay para mapirmahan ko 'yan." Buntong hininga ko habang nasa kabilang linya pa rin si Sébastien.Sandali kong nilingon si Morgan na nakamasid lamang sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaya't hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Iwinaksi ko ang tingin ko sa kaniya kalaunan.Masyado naman atang nagmamadali si Mateo? Kakapadala niya pa lamang ng mga papeles na 'yon tapos ngayon gusto niya agad na ibalik sa kaniya? Para namang ang lapit lang ng bansang ito sa bansang kinaroroonan niya. Masyado niya namang pinapahalata na excited siyang mapawalang bisa ang kasal namin. Kung sabagay, planado na nga ito, bakit ba lagi na lang akong nagtataka.Bago ko ibaba ang linya ay sinabihan pa ako ni Sébastien na kakausapin niya muna si Mateo na bigyan ako kahit na tatlong araw man lang, ngunit hindi ako pumayag. Aabalahain niya pa 'yong tao. Sinabihan ko siyang dumiretso na lang dito para matapo
Matulin na lumipas ang mga araw simula nang makapirma ako sa mga papeles na ipinadala ni Mateo. Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig mula sa kaniya. 'Yong hiring, wala rin akong balita. Ang tanging alam ko lang ay siya na ang haharap doon at ibabalita na lang ang hatol kay Sébastien.Naging busy rin ang lahat ng tao. Si Sébastien ay umuwi sa Pilipinas dahil kailangan daw siya ni Mateo at ng kompanya. Si Lyden naman ay sumabay na rin dahil dahil tambak na ang mga trabahong kailangan niyang i-review. Si Mira, kahapon lang ay inihatid namin ni Morgan sa airport, laking tuwa nila mommy nang makita nila ako. Balak pa nga akong pauwiin na lang sana pero hindi ako pumayag. Tsaka na, kapag ayos na ang lahat. Kapag puwede na akong bumalik nang wala akong inaalala sa nakaraan ko.Si Morgan, kami ang magkasama. Tuwing gabi na lang din siya umuuwi dahil may trabaho rin siyang inaasikaso dito, pero hindi naman naging hadlang 'yon para hindi niya ako maasikaso.Hapon na nang tumingin ako sa ora
"Congratulations, Mrs., you're five weeks pregnant. As of now, I can't tell what gender your baby is; usually, it takes between 18 to 22 weeks to tell, but for the time being, I want you to avoid anything that might cause you stress."The OB-GYN smiled at me and returned her gaze to the ultrasound machine, where I could only see a small circle. I couldn't say anything... I was too stunned. I'm at a loss for words. Morgan, I thought, was mistaken. Pero heto ang katotohanan sa harapan ko. Kagabi lang ay bumabagabag ito sa akin, ngunit andito na ang kasagutan. Positive. I'm pregnant. Panay pa ang salita ng doctor. Taga Pilipinas din pala siya at dito na nag-tratrabaho dahil nandito ang pamilya. Bahagya naman akong nakaramdam ng kapayapaan dahil kababayan ko rin pala ang titingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito. Basta't nahimasmasan na lamang ako nang tanungin ako ng OB kung anong mga symptoms ba ang nararanasan ko. Sinabi ko lahat. Katulad ng pagsusuka ko, pag-gising
"Ayaw mo ba talaga ng negosyo dito, Fayra? Mukhang may balak ka pang umuwi sa Pilipinas ah. Ilang beses na kitang inaalok, ilang beses mo na rin akong tinatanggihan. Sana pag-isipan mo na ang alok kong ito this time."Napabuntong hininga ako. Naka-ilang beses niya na akong tinanong tungkol sa ganiyang usapin. Naka-ilang beses ko na rin siyang sinagot na hindi ko kaya. Hindi naman kasi basta basta ang pagbi-business. Hindi porket you can build a business in just one snap of your fingers, ay gano'n din kadali ang magpatakbo nito. There's so many what ifs, that I need to consider before putting my self sa pressure na dala ng ganiyang trabaho. I'm willing to learn, but not at this moment."Nasa Pilipinas ang pamilya ko, Morgan. Isa pa, tahanan ko 'yon. Dayuhan lamang ako sa bansang ito. Hindi ko rin naman masasabi na kaya ko 'yang i-handle, tsaka na lang kapag ready na ako.""I'm willing to guide you naman, Fayra. Hindi ka naman bago sa field na ito. Your parents are business personnel. B