Share

Time for the truth

Ashley

Natuloy pa rin ang pagsa-sightseeing namin ni Gem sa Balacay at Binurong Point bago natapos ang isang linggong bakasyon. Nagpunta rin kami sa Hitoma Lake, pero hindi na natuloy ang island hopping. Sabi ni Gem ay kulang daw ang isang linggo para sa bakasyon namin sa Catanduanes. Paanong hindi, we spent most of our time in the hotel suite, sa halip na i-enjoy ang kagandahan ng Catanduanes. Hindi naman ako nagrereklamo. I enjoyed wherever we were as long as Gem and I were together.

Everything went nicely and smoothly from there. Masaya ako sa buhay namin ngayon ni Gem. Napaka-supportive niyang asawa. Lahat ng gusto ko at plano ko, nandoon siya—nag-a-advise at sumusuporta.

Bisita ko si Sherry sa bahay namin ni Gem nang weekend na iyon. Wala si Gem dahil may biglaang urgent meeting daw with the other executives. Pareho kaming naging busy ni Sherry sa trabaho kaya nawalan ng pagkakataon para makapagkuwentuhan kami. Masaya ako na sa wakas ay may mapaghihingahan na ako ng problemang s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status