Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Pauwi na ako. Ni hindi ko alam kung anong oras na at kung paano ako nakarating sa bus station na naglalakad. May sasakyan ako pero hindi ko naisip gamitin o kunin sa parking area.Well, galing lang naman ako sa mahabang pag-iyak matapos ang meet-up namin ng lalaking dahilan ng lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko ngayon. Kasingpait ng kape na inilibre niya sa akin kanina.Habang pinapanood ko ang mga pasaherong sumasakay sa bus bitbit ang mga basang-basang payong, naalala ko kung paano at kailan ko siya nakilala…It was one wet and gloomy afternoon. Sumakay ako sa bus na huminto sa harapan ko. Nabunggo ko na ang ibang mga pasahero para lang maabot ang aking goal na makaupo sa tabi ng bintana. Gustong-gusto kong panoorin ang mga nadadaanang tanawin mula roon, maski hindi naman nagbago ang mga iyon sa loob ng four years ko sa college. Yes, I had made it to the final year. Who would have thought I’d make it this far? Palagi nilang sinasabi na mabubuntis ako bago ako maka-gr
Ashley“Ashley!” bati sa akin ni Sherry.She was my officemate and a friend. Pareho kaming coordinator, magkaiba nga lang ng team.“Oh, hi, Sherry,” matamlay kong bati.“Long time no talk. `Buti na lang nagkasabay tayo dito sa elevator. Sabay na rin tayong mag-lunch para naman magkachikahan tayo nang konti. Bigla kang hindi pumasok nang ilang araw mula no’ng dalawin ka ng fafa mo!” tuloy-tuloy at walang prenong sabi ng luka-luka.What did I expect? Sadyang madaldal si Sherry. Kaya nga gusto ko siyang kasama, eh. Nagiging lively ako kapag siya ang kasama ko. Sayang at nagkahiwalay kami ng team. Ginawan kasi siya ng boss namin ng sariling team. Nasa group ko siya dati at magkasama kami sa projects.“Oo nga, eh. Nakakalagnat `yong dala niyang balita sa akin last time,” malamyang sagot ko.Sabay kaming lumabas ng elevator pagkababa sa ground floor.“Mukhang mahaba-habang kuwentuhan `yan, ah.” Hinala niya ako sa braso. “Do’n tayo sa mas malapit na resto at baka kulang ang isang oras na br
Gem“Ihahatid na kita sa table mo.”“Luh! No need. Ano ba ako? Batang maliligaw sa building na `to?”“Hindi naman, pero—”“Sige na, dumeretso ka na sa puwesto mo.”“Pero—”“Go.”“Sige na nga. Pero ingat ka, ha? Mamahalin pa kita.” Kumindat at ngumiti ang lalaki.Sandaling natigilan si Ashley, kapagkuwan ay hinampas ang kausap. “Puro ka kalokohan. Do’n ka na nga.”“Sige po, boss. Boss ng buhay ko.” At sumaludo muna ang lalaki bago nag-iba ng direksiyon.Dumeretso si Ashley papalapit sa amin. Hindi pa yata niya napapansin na nandito kami sa table niya. Busy kasi sa paghaplos sa cell phone niya.“Hey, why the long face?” untag ni Lalaine sa akin. Magkausap nga pala kami; nakalimutan ko na.Na-distract ako sa narinig kong usapan habang pumapasok sa coordinating department. Alam ko ang tunog ng tawa ni Ashley kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pero nabuwisit lang ako pagkakita sa lalaking kasama niya. Matagal ko nang nakikitang umaaligid ang isang iyon kay Ashley. Hindi
AshleyNakahalumbaba ako habang mag-isang nagla-lunch. Hindi ko makalimutan ang huling pag-uusap namin ni Sherry.“Go ka na talaga? As in? Kasi, ipagdedelihensiya na kita ng kailangan mo kung talagang sure ka na.”“Gusto kong subukan. Kasi, what if tama ka? Paano kung matauhan nga si Gem?”Oo, tanga na kung tanga, pero umaasa ako maski paano. Kahit pa nga suntok sa buwan ang chance na may pag-asa ako kay Gem. Pero nakakasilip kasi ako ng pag-asa maski paano, lalo na kapag nakikita kong concerned si Gem sa akin. Alam kong hindi sapat na panghawakan ang bagay na iyon. Pero kahit kakatiting na chance, kakagatin ko na. Kaysa naman sa habang-buhay akong may mga what-ifs.“Fancy meeting you here, Ashley.” Napalingon ako sa nagsalita—si Art. “Puwedeng maki-join? Mas masarap kumain nang may kasabay.”“Sige lang,” napipilitang sagot ko.Umupo nga si Art sa tapat ko. Muli ko namang hinarap ang pagkain na hindi ko masyadong nagalaw.“So, ano’ng nagpapalungkot sa magandang babaeng nasa harapan ko