Share

Kabanata 5 Fiancee

BHELLE:

HINDI NGA nagbibiro si Zayn sa sinaad nitong lilipat ako sa kanyang unit. Pinasundo niya kaagad ang mga gamit ko na ipinalipat sa unit nito. Tanging mga damit lang ang pinakuha dahil kumpleto naman na siya ng gamit sa unit niya.

Sa Montereal's condominium building.

Isa ang condominium na ito ang pinakamahal at pinakamagara dito sa syudad na unit. Mga kilala at sikat na tao ang halos nakatira sito. Kay's naman nakakalula na dito titira ang isang katulad ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito.

May ngiti sa mga labi na ibinagsak ko ang katawan sa malaking kama na sobrang lambot. Napaka-komportable sa pakiramdam ang ginhawang hatid nito. Napapawi kaagad ang pagod ng katawan ko sa maghapon at agad hinihila ng antok!

Matapos masiguro ni Zayn na maayos na ako dito ay saka na siya nagpaalam. Nakabakasyon lang pala siya dito sa bansa. International model kasi ito kaya madalas ay sa France ito naglalagi.

Dati na niyang pangarap iyon. Ang maging international model. At ngayon ay naabot na niya. Isa na siya sa mga kilalang sikat na modelo worldwide. At masayang-masaya ako para sa kanya. Sa marating niya.

Nangako naman itong dadalawin niya pa rin ako bago bumalik ng France. Makikipag-bonding lang siya sa pamilya niyang nangungulila rin sa kanya.

KINABUKASAN ay MAAGA pa rin naman akong nagising para naghanda sa pagpasok sa trabaho. Kapag ipahiya pa ako ni Tyrone sa trabaho ay pinal na. Magre-resign na ako sa kanya at maghahanap ng ibang trabaho. Kung kinakailangan kong magpatulong kay Zayn ay gagawin ko.

Hindi naman ako masasabing pabaya sa trabaho ko. Pero sadyang hinahanapan niya ako ng butas para lang ipahiya. Na halatang nananadya at namemersonal na. Hindi naman ako tanga para hindi siya mahalata sa mga pinaggagawa niya.

Napapangiti akong naghanda ng agahan. Kahit fridge nito ay puno ng stocks ng grocery.

Habang nagluluto ay may naramdaman akong prehensya sa likuran ko. Nanigas akong natuod sa kinatatayuan.

"Who are you?" madiing tanong ng baritonong boses sa likuran ko.

Para akong maiihi sa kana! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi makaapuhap ng isasagot!

Lumapit itong pabalang hiniklat ako sa braso na pinihit paharap dito! Lumarawan ang gulat sa kanyang mga mats na mapagsino ako!

"What are you doing here, huh?! singhal nito na napadiin ang pagkakapasil sa braso ko.

"A-aray, nasasaktan ako. Ano ba?!" napapangiwing asik ko na pilit binabawi ang braso ko dito.

"Masasaktan ka talaga sa akin! Anong ginagawa mo dito!?" bulyaw pa nito na kinaladkad ako palabas ng kusina!

"Tyrone, ano ba! Nasasaktan ako!"

"What's going on here?"

Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si

Zayn!

Mangiyak-ngiyak akong nagpapasaklolo ang itsura. Malalaki ang hakbang na lumapit ito n ona salubong ang mga kilay na nakatingin sa kamay ni Tyrone na nakapisil sa braso ko.

"Bitawan mo nga siya!" asik nito na binawi ako mula kay Tyrone.

Nagpantig ang panga nito na masama kaming tinignan ni Zayn.

"What is the meaning of this, Zayn? Bakit nandidito ang babaeng 'yan, ha?" sarkastikong tanong nito.

"Why? I can't see any problem kung patuloyin ko siya dito. Sa akin ang unit na ito. Dito ko siya pinatuloy Kasi, gusto kong komportable ang fiancee ko" buong-buo nitong sagot.

Namilog ang mga mata ko na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa sinaad nito!

"Fiancee!?" gulat na bulalas ng kaharap namin.

Umakbay naman itong hinalikan pa ako sa I'll.

"A huh? Bhelle is my....fiancee, dude. Kaya hwag na hwag mo na ulit siyang sasaktan. Kung ayaw mong tayo ang magkabanggan. Dahil hindi ko hahayaan ang sinoman na saktan, ang fiancee ko. Maski ikaw, Tyrone"

Natahimik kami pareho ni Tyrone. Natutulala pa ito na parang inaalisa sa utak ang narinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status