Share

chapter "6"

Gabi na ang inabot ko habang nilisan ang buong kwarto ni Yhulo at no'ng sa kambal. Mamayang alas sais e medya dadating ang kambal kasama no'ng nanny nila. Nakaupo itong si Yhulo sa kama habang nakasandal sa headress, may suot na headseat at sa harapan niya'y mayroong laptop kung saan nagaganap ang isang meeting.

I don't know if they are aware about the condition of their CEO but from what I'm seeing right now, he really looks professional. Hindi ko rin naman maiwasang matawa kasi sa ibabaw niya lang ang naka-formal attire habang sa baba ay nakapajama. He's probably listening to the presentation. Hindi ko na pinagtuonan ng pansin iyon, pumasok ako sa cr at nilagyan na ng tubig ang bath tub, sabi sa listahan ay kailangan niya ng maligo.

Hindi na rin naman bago sa akin ito. Aminin ko nakita ko na lahat, pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng kaba? Hindi naman ako kinakabahan o nahihiya sa mga nakaraang kliyente ko kapag inuutusan nila akong paliguan sila. Umiling ako at binasa ang dalawang kamay ko.

"Carizza, this is normal." Bulong ko at itinatak ito sa utak ko. Walang malisya, trabaho lang.

"My love," nataranta ako ng marinig ko ang boses ni Yhulo. Bakit ang gaan at ang lambing ng boses niya? Hindi ba nanghihina si Georgianna kapag naririnig ito? Kasi maski ako'y hinang-hina na talaga, masama man pero naiisip ko talagang tunay na asawa ko siya. I need to act professionally!

"Sandali!" Sigaw ko pabalik at pinahid sa towel ang basang kamay ko. Nakita ko itong binaba na ang headseat na suot at pinakiramdaman ang paligid. He had a good senses. "You want the water cold or warm?" Tanong ko pagkalapit.

"Cold...gusto kong mahimasmasan." Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Tinulungan ko itong bumaba para maka-upo sa wheel chair niya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang presentation?" Tanong ko rito at hinila ang towel na hinanda ko kanina lang.

"I like the strategies but they are not researching well. The competitors already come up with such ideas tapos na malalaman ko nalang na ganoon din ang ginawa nila." Matigas na saad nito at dahan dahang tinatanggal ang damit pantaas. Napanganga ako na kahit likod palang niya'y ang ganda na. Kinurót ko ang tagiliran ko, ano ba itong iniisip ko!

Nalaman kong chains of restaurant and hotels ang negosyo ni Yhulo. He's competing with the two surnames. Gumawa siya ng sarili niyang negosyo at ginugol lahat ng panahon niya rito. Nabanggit din sa akin ni Manang na ito raw ang pinagkaka-busy-han nito. Para bang may gusto siyang ipagmalaki. Pagkapasok sa cr ay sinara ko na ang pinto.

"You should consider it. Mayroong panggagaya sa negosyo but you should use it in a better way, lamangan mo ang nauna by that you can guarantee the sales of it. Matatakot ang kalaban mo... delikado but it'll work." Suhestiyon ko. Minsan ko nang narinig ang patungkol sa negosyo kaya ito ang maipagmamalaki ko, wala man akong pinag-aralan marami naman akong alam.

The first client of mine taught me well.

He's thinking... "If you say so I'll risk it." Nataranta naman ako sa sinabi niya, baka kapag pumalpak ako ang sisisihin niya!

"Hey, I'm not confident with it..." Agap ko agad at hinarap siya kahit hindi naman niya talaga ako nakikita. Sa posisyong ito'y mas lalo kong natitigan bawat detalye ng mukha niya.

"You are a Romano, you know the business world more than those older folks." He smirked. Mahaba ang pilik mata nito, he got a well defined jawline. Bigla kong hinawakan ang pisnge nito at dahan dahang hinaplos.

"You look so fine," I mumbled. His parted lips, tilted head, and leaning posture all evoke a moment of surprise. Natigilan ako at mabilis na napalayo, ano ba iyong ginawa ko!

He chuckled. "You are nervous." Napatakip ako sa mukha ko ng maramdaman kong nang-iinit ito. Mabuti nalang talaga't hindi ito nakakakita kasi nakakahiya!

Ginawa ko nalang ang trabaho ko. Walang malisya na pinaliguan ko sila, memorizing each detail on his whole being. Wala namang pag-angal sa katawan niya.

"This is the first you did this to me." Natigil ako sa pagpunas sa likuran niya ng banggitin niya ito. "So, I am happy." Binalingan niya ako ng tingin para bang nakikita niya ako sa paraan ng pagtitig niya. I smiled kahit na hindi naman talaga iyon para sa akin, ngumiti ako kasi nalaman kong masaya siya.

"I'll do this everyday. Para araw araw kang masaya." Bulong ko.

Pababa na ako ng hagdan ng makita kong kakapasok lang din ng dalawang bata kasama ng isang nasa kwarenta anyos na babae. Bakas sa mga mukha nito ang pagod at hindi kagustuhang umuwi. Agad silang nagtungong dalawa sa couch at napahilig doon.

"Lapitan mo. Hindi naman masasama ang mga iyan." Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Manang na nakangiti.

"Kanina pa kayo riyan?" Tanong ko rito, payak siyang natawa.

"Nakagawian ko ng salubungin ang kambal pero dahil sa nandito ka, ikaw nalang ang gumawa." Napalunok ako sa sinabi niya. Baka nga mag-panic pa ang mga iyan kasi may estrangherang biglang pumasok sa bahay nila.

"Baka matakot sila." Nagaalinlangang turan ko pero mabilis ako nitong tinulak.

"Hindi 'yan. Pinalaki ni Yhulo ng tama ang dalawang iyan." Saad nito, napakamot nalang ako sa ulo ko at hunugot ng isang malalim na hininga. I cam do this! Pagkakita ng nanny sa akin ay gumuhit agad ang matamis na ngiti nito, mukhang inaasahan na niya ito. Ngumiti ako pabalik at kinuha ang dalawang bag na nakasukbit sa braso niya

"Ako na po rito. Magpahinga na po kayo, may pagkain na rin sa kusina kumain nalang din po kayo." Saad ko na tinanguan niya.

"Tama nga ang kwento sa akin, maraming salamat ija." Tumango ako at naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. I looked to the twins, their reaction changed. Gulat nila akong tinignan at hinead to toe pa. As a four years old kid they act matured despite their age. Nanlulumo ako sa isiping iyon.

"Hi... welcome home." Nahihiyang bati ko. Tumingin sila sa likuran ko kaya alam kong nandoon si Manang.

"We're home." Sabay na saad nila na kinainit ng pisnge ko. Ang ganda ng tono ng boses nila, pinaliit na bersyon ni Yhulo. I smiled at them.

"You sounded like mommy, who are you po?" Kuryusong tanong ni Amelia. Babae't lalaki sila na para talagang pinagbiyak na bunga. Mas nakuha nila lahat kay Yhulo, mukhang buhok lang yata ni Georgianna ang nakuha nila e.

Nagkatinginan kami ni Manang. Manang presented na siya nalang ang magkwento para maintindihan ng dalawa. Gulat ang sumakop sa buong mukha nito pero alam n'yo 'yung tipong kahit bata pa sila'y pinipigilan nila ang mga sarili nilang umiyak. Sa edad na ito'y nagawa nilang tumapang. May maliit na ngiti silang binigay sa akin pero kitang kita ko sa mga mata nila na hindi nila nagustuhan ang ideyang ito pero tinanggap nila. Malaki ang pag-unawa ng kambal.

"Pwede n'yo siyang tawagin na kahit na ano, kung saan kayo komportable." Pagtatapos ni Manang na tinanguan ko

"Mama!" Hagikhik ni Gav na kinagulat ni Amelia. Amelia is a matured type while Gav only using it in a specific situation. May kung anong kiliti akong naramdaman sa tinawag ni Gav sa akin. Sinita siya ni Amelia na kinanguso ng bata.

"Ayos lang..." Agap ko na kinalingon ni Amelia sa akin. Imbes na magalit siya sa akin ay para bang humihingi ng tawad ang mga mata niya dahil nadamay ako sa gulo ng pamilya nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status