Share

“KAYAKAP ANG PAG-IISA”

MALUNGKOT ang buntong hiningang pinakawalan ko matapos ang alaalang iyon. Hindi ko talaga mapigilan ang magkakahalong emosyon sa puso ko nang mga sandaling iyon.

Muli kong nilingon ang kuna ng anak ko na mahimbing na natutulog. Pagkatapos ay nagbuntong hininga ulit ako.

“Sana talaga nandito ka. Katulad kagabi, magkatabi tayong natulog,” sambit ko.

Nagbuntong hininga ulit ako. Pakiramdam ko sa ganoong paraan kasi kahit papaano ay maiibsan man lang ng kahit bahagya ang pangungulila ko kay Marius. Kahit kung tutuusin kaninang umaga lang kami huling nagkausap. Pero nagtalo na naman kami. Sa naisip ay muli na naman akong nagbuntong hininga.

Tahimik kong pinagtawanan ang sarili ko pagkatapos niyon.

Wala na yata akong ibang alam gawin kundi ang magbuntong hininga. Parang pakiramdam ko kasi kapag ganoon ang ginawa ko kahit papaano eh maiibsan ang pamimigat ng dibdib ko. Bagay na hindi naman nangyari dahil ganoon pa rin naman. Nanatiling mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kalungkuta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status