HOWARD SMITH'S POIN OF VIEW,
"Historia!" sigaw ko nang biglang humangin ng malakas kasabay ng malaking liwanag na nanggagaling sa espada. Nakasisilaw ang liwanag ngunit sandali lamang iyon at humupa rin ang liwanag at ang hangin. Hindi nasira ang tinadahan dahil tinayo ang tinadahan na ito na matibay dahil na rin sa kapangyarihan ng mga espada. Hindi rin ramdam ang kapangyarihan sa labas dahil protektado ang tindahan na ito.
'Pag mulat ko ng mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
"Hindi maaari. . ." usal ni Mang Pio na halata ang pagkagulat sa kaniyang boses.
Isang dalagang nakapikit habang nakalutang ang bumungad sa aming harapan.
Nakabaluti na pabestidang puti ito na may pakpak ng anghel sa likod. Mahaba ang buhok hanggang ilalim ng tuhod at may suot na puting sapatos. May nakadikit sa noo nito na tila isang kwintas. Nagliliwanag ang dalaga at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa dulong hawakan ng espada.
"H-Historia?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"C-Crestria's Knight?" mahinang tanong ni Manong Pio.
"H-Hindi, nagkakamali po k-kayo." Pinipilit ko ang sarili ko na hindi totoo ang nasasaksihan namin ngayon.
Muling lumiwanag ang esapada ngunit wala na itong kasamang hangin. Bumagsak ang espada na sinundan ni Historia. Naging alerto ako at agad ko s'yang nasalo. Wala s'yang malay at bumalik na rin s'ya sa tunay n'yang hitsura.
"Mang Pio, pakiusap po na sana ay hindi ito makarating kung kanino man. Lalo na sa head quarters. Maaasahan ko po ba kayo?" pagmamakaawa ko sa matanda.
Nagbuntong hininga ang matanda at saka ngumiti sa akin.
"Makaaasa ka, hijo. Saglit babalot ko lang ang espada na sa tingin ko ay para sa kaniya at matagal na siyang hinihintay." Pinulot ni Mang Pio ang espada na nahulog ni Historia at pinasok sa lagayan nito at sinumulang ibalot sa isang tela.
Binuhat ko si Historia na wala pa ring malay hanggang ngayon.
"Ayos na hijo." Sinabit ni manong sa balikat ko ang nakabalot na espada.
"Maraming salamat po Manong Pio," saad ko na kinatango nito sa akin.
Binaba ko sa pagkabuhat si Historia at tinayo. Sinandal ko ang ulo n'ya dibdib ko habang ang isa kong braso ay nakapulupot sa beywang n'ya upang suportahan ang katawan n'ya at hindi matumba. Gamit ang libre kong kamay, kinuha ko ang yellow portal at kinumpas na hugis bilog. Muli kong binuhat na parang bagong kasal si Historia at pumasok sa portal.
Dinala ko s'ya sa clinic ng school dahil hindi ako pwedeng pumasok sa dormitory nila. Hiniga ko s'ya sa isa sa mga kama rito sa clinic.
"Howard? What happened?" nag-aalalang tanong ni Ate Fae- nurse/healer ng school.
"Ate Fae, nahimatay 'yong kasama ko habang namimilí kami ng espada." Napakamot-ulo na lang ako dahil sa kasinungalingan ko.
"Akala ko kung ano na. Normal naman talaga sa mga estudyante na mahimatay kapag na-encounter na nila ang kapangyarihan ng espada nila. Teka, newbie ba 'yang kasama mo? Hindi s'ya familiar sa 'kin," nagtatakang sabi ni Ate Fae.
"Opo. At saka huwag ka ng magtaka ate, start of school year pa lang. Marami ka pang makikilalang newbies and transferees," paalala ko rito.
"Sabagay, may point ka. Pero teka, you can't use your healing spell to her? Dinala mo s'ya dito with minor injury. Bago 'yon, ah!"
'Bakit ba ang daming tanong ni Ate Fae?' inis kong tanong sa sarili ko.
"I can naman ate, but I can't bring her in girls dormitory. Remember?" saad ko at nag-gesture sa kabuoan ko.
Napatampal ng noo si ate. "Oh shoot! I forgot, sorry. Sandali, kukuha lang ako ng soup para pagnagising s'ya ay maalis ang pagkahilo n'ya." Umalis na si Ate Fae. Naiwan akong nakatitig kay Historia.
Crestria's Knight.
'Totoo ba ang nakita ko? S'ya ang may-ari ng espada na ilang taon nang naghahanap ng guardian?' tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa espada na iyon pero ang tunay na nagmamay-ari no'n ay si Lady Crestria- the Goddess of Creation. Posible ba na si Historia at si Lady Crestria ay iisa? Reincarnation?
Pero paano?
Maaaring mali ako at maaaring tama. Ayon sa kwento ng mga unang nag-aral dito sa Schwert ay walang sino man ang nakahahawak ng espada na iyon maliban kay Lady Crestria. Maraming nagtatangkang nakawin iyon ngunit niisa ay walang nagtagumpay. Kapag binuhat mo ito ay makararamdam ka ng iba't ibang sakit sa mga parte ng iyong katawan.
Sa tuwing hahawakan iyon ni Manong Pio ay mabilis n'ya rin iyong binibitawan. May oras na tinangka n'ya itong hawakan ng matagal ay nakaramdam s'ya ng sobrang sakit sa ulo na tila sasabog ang utak n'ya. Nakagugulat lang na nabuhat iyon ni Historia nang walang hirap.
Natakot ako sa mangyayari noong mga oras na 'yon. Alam namin ni Manong Pio kung gaano kabangis ang espada na 'yon. Labis ang gulat at hindi kami makapaniwala pareho dahil sa aming nasaksihan. Ang akala ko ay may mangyayaring masama ngunit iba ang kinalabasan.
Umiling-iling ako at winaksi ang iniisip ko.
Tinapat ko ang kamay ko sa ulo n'ya at bumigkas, "I'm summoning the Goddess of Healing- Caburayan, lend me your strength. Healing proper spear, release!"
HISTORIA'S POINT OF VIEW,
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Puti agad ang bumungad sa akin.
"N-Nasaan ako?" nagtataka kong tanong.
"Historia, nasa clinic ka. Nahimatay ka kanina sa Sword Shop," saad ng isang tinig- tinig na nanggagaling kay Howard.
Tumayo ako sa pagkakahiga bago lumingon kay Howard.
"Nahimatay ako? Bakit hindi ko maalala?" nagtataka kong tanong. Pilit kong inaalala ngunit ang naalala ko lang ay 'yong pumipili ako ng espada sa isang mahabang lamesa. Biglang kumirot ang ulo ko kaya napangiwi ako at napahawak sa ulo ko.
"Hey! Don't force yourself to remember. Ang mahalaga ay ayos ka na." Ngumiti si Howard pero may sumisilip na kasinungalingan sa mga labi n'ya o baka mali lang ako nang kilatis.
Tumango ako at hindi na sumagot pa. Namutawi ang katahimikan sa buong silid. Nag-obserba ako sa mga kilos n'ya. Seryoso lang akong nakamasid sa mga bawat galaw ng katawan at mata n'ya.
'Anong klaseng tao ka nga ba? Isa ka ba sa mga kalaban o kakampi? Ano nga ba ang mga bagay na nalalaman ng isang secretary? Anong tinatago mo?' Hindi ko s'ya dapat pagkatiwalaan.
"Historia?" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang may mahinang tapik sa balikat ko.
"B-Bakit?" nahihiya kong tanong. Tumikhim muna s'ya bago magsalita.
"May dinalang soup si Ate Fae para sa 'yo." Tinuro n'ya ang babae sa tabi n'ya.
Yumuko ako rito bago nagsalita, "maraming salamat po!"
"Walang anuman. I'm Fae, healer ako ng eskwelahan. Your name?" Nilapag nito ang dala-dala n'yang tray sa table sa gilid ng kama na kinalalagyan ko.
"Historia- Historia Snape," maiikli kong sagot. Tumango ito at ngumiti sa akin.
"Maiwan ko na kayo," saad n'ya. Kumindat pa ito kay Howard bago tuluyang umalis.
Nanlaki ang mga mata ko nang kinuha ni Howard ang bowl at tinapat n'ya sa 'king bibig ang kutsarang may laman na soup.
"A-Ako na, kaya ko naman sarili ko," seryoso kong saad.
"No, I insist. Now eat. Ahh!" Tinapat n'ya ulit sa bibig ko ang kutsara habang sinasabi n'ya ang 'Ahh!' na parang bata.
Sumunod na lang ako dahil ayaw ko na lang makipagtalo.
"Woah! Kailan ka pa natutong mag-alaga ng isang babae? Bago 'yan, bro!"
Napalayo ako kay Howard dahil sa tinig na 'yon. Nilingon ko ang taong iyon, isang lalaki. Matangkad, singkit at kulay brown ang buhok.
"Siraulo! Anong kailangan mo, Shiloah?" Umayos ng upo si Howard pero hindi n'ya man lang tinapunan ng tingin ang bagong dating. Nagpatuloy lang ito sa pagsalok sa bowl.
"Eyes on me, Historia. Don't mind him," saad ni Howard at tinapat sa bibig ko ang kutsara.
Napapikit ako at sa tingin ko ay pulang pula na ako sa kahihiyan.
"Hep! Tumigil ka na Howard, nakadidiri. Kailangan ka sa head quarter, pinapatawag ka ni Levi." Nagpipigil pa ito ng tawa. Sinamaan s'ya ng tingin ni Howard bago binaling ulit ang tingin sa akin.
"Paumanhin Historia, hindi na kita maihahatid pa sa dorm mo. Kainin mo ang soup, ubusin mo para gumaan ang pakiramdam mo." Tinap n'ya ang ulo ko at ginulo ang buhok.
Tumango lang ako. Umalis na s'ya sa harap ko pero ang tinawag n'yang Shiloa ay nakatayo sa harap ko at nakangiti.
"Historia pala ang pangalan mo. Nice to meet you!" Kumindat pa ito na kinairap ko. Hahawakan pa sana nito ang kamay ko ngunit hinigit na s'ya ni Howard palayo.
Kinain ko na lang ang dinala ni Ate Fae at pagkatapos ay pumunta na ako sa dorm.
Hindi na natuloy pa ang pag-tour sa akin ni Howard dahil sa nangyari. Nagpahinga na lang ako rito sa kwarto at inaral ang mga spells at ang mapa ng Avanguard at Schwert.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo lang ako ng mukha at lip gloss sa labi. Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm. Nagtataka ako kung paano ko nahanap ang espada na para sa akin, wala talaga akong maalala nang araw na iyon. Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Or
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Maaga akong umalis ng dorm at pumasok. Nagpasalamat ako na hindi ko nakasalubong ‘yong weird na babae kahapon, pero kasabay ko naman si Howard sa paglalakad dahil sabay kaming lumabas ng dorm. Kapag inaalat ka nga naman. Hinatid n’ya pa ako sa classroom ko, buti na lang kami lang estudyante. Ayaw kong ma-issue sa kan’ya. Mag-isa pa lang ako rito sa classroom, nakasalong-baba at nakatunganga sa labas ng bintana. Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip na bulto ng isang tao sa tapat na puno. Bukas ang bintana kaya malinaw na tao ang nakikita ko. Hindi na ako nagulat nang lumingon ito sa akin. Dama ko agad ang aura n’ya, gano’n din s’ya sa ‘kin. Ngumisi ito sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakaramdam na lang ako ng malakas na hangin. Dumaan ito nang mabilis sa gilid ng kanang pisnge ko at nakaramdam ng hapdi roon. Tumalon ito galing sa puno patungo sa harapan ko. May apakan kasi sa labas ng bintana, para sa naglilinis ng bintana. Seryoso ko ito
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napunta ako sa grupo nila Levi, nagpapasalamat ako at kasama ko si Persia. Umiingay na ang paligid, mayroong nag-co-complain sa napuntahan nilang grupo at mayroon din namang excited. Excited na lumapit sa akin si Persia at nagtitili. Sobrang ingay ng babaeng ‘to. “Ahh! Magkagrupo tayo Historia! Tutulongan mo naman ako sa training ‘di ba? Hmm?” natutuwa n’yang tanong sa akin. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin about sa training. “Great!” saad n’ya at may pagpalakpak pa. “Listen!” Kinalampag ni sir ang lamesa para agawin ang attention namin. Tumahimik ang paligid, umupo naman si Persia sa tabi ko. “Pakihanda ng mga coat n’yo, lalabas kayo ng Academia upang bumili ng espada. Mayroon lang kayong 30 minutes para lumabas ng Academia.” Binalingan naman ni sir ang mga trainer namin. “Kayo ang in charge, inaasahan ko na walang magiging problema. Mauna na ako.” Tumango lang sila kay sir. Umalis na si sir kaya nagpuntahan na kami sa grup
XYLEM SHUN’S POINT OF VIEW, Lumikha ng malakas na pwersa ang kapangyarihan na pinalabas ni Historia. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas s’ya. No doubt, magkapatid nga sila ni Angelo. Humupa na ang usok at nanlaki ang mga mata ko nang makita s’yang nakasandal sa pader at duguan ang ulo. Hahakbang na sana ako patungo sa kaniya ng biglang may sumigaw. “Historia!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang humahangos na si Howard. ‘Si Howard? Anong ginagawa n’ya rito?’ tanong ko sa sarili ko. Lumapit ito kay Historia at inangat ang mukha nito. Tinapik-tapik n’ya ang pisnge nito na tila ginigising. Hindi namin magagawa ang healing spell dahil limitado ang kapangyarihan na pwede naming palabasin. Sa lagay n’ya ay medyo malaki ang pinsalang natamo n’ya. Lumapit na ako pero naunang lumakad si Levi patungo sa kanila. “Don’t,” pigil ni Levi kay Howard nang makita na bubuhatin ni Howard si Historia. “Kami ang may responsibilidad sa kan’ya kaya kami na ang bahala
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Pakiramdam ko ay para lamang akong nag-aaral sa ordinaryong paaralan. Pantay ang trato nila sa dalawang mundo. Kahit gaano ka-warm ang pakiramdam ko rito sa eskwelahan na ito ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko na may nagtatagong kalaban dito.“Earth to Historia!” Napamaang ako nang biglang may sumulpot na kamay sa harap ng mukha ko.“E-Eh?” gulat kong tanong.“You’re spacing out, ang sabi ko tara na. Lunch na gurl, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.” Sabay haplos ni Persia sa tiyan niya.“Oh, yeah right. Tara na.” Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit.Habang patungo kami sa Cafeteria ay nagtitinginan sa amin ang bawat estudyante na madaraanan namin. Hindi ako makapag-react dahil hindi ko alam kung ako ba o si Persia ang pinagtitinginan at pinag-uusapan nila.Siguro ay sobrang popular ni Persia rito, since kilalang kilala ang mga magulang at angkan nila na mga magagaling sa paggamit ng
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Isang linggo na ang nakalilipas simula nang inanunsyo ni Sir ang acquittance na gaganapin sa makalawa. Sobrang busy ang mga officers at teachers, minsan pa ay walang klase dahil sa paghahanda na ginagawa nila. Lahat ng estudyante ay excited, liban lang sa akin. I really hate parties and whatsoever na mga events. Nothing especial, argh. Well, kahit naman busy ang mga officers ay ‘yong iba ay may oras pa rin para mag-trained sa amin. Nandirito lang ako sa classroom, nakaupo at nakatitig sa labas ng bintana. Wala si Persia dahil kailangan siya sa clinic, inaasikaso rin nila ang formation ng mga healer in case may mangyari. Sa sobrang pagkabagot ay napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng classroom. Walang klase ngayon kaya iilan lang ang tao sa loob, ang iba pa ay nagdala ng kani-kanilang espada para ipagmayabang. Habang naglalakad ako ay nadaraanan ko ang mga kapwa ko estudyante na gumagamit ng espada at mahika. Freedom Day nga pala namin ngayon, malayan
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nasa loob ako ng kwarto ko at twalya lang ang suot ko sa katawan ko. Nakaupo ako sa upuan at nakaharap sa salamin ko. Ngayong gabi gaganapin ang Acquittance Party kaya nandirito sa kwarto ko ang mga naka-assigned na ayusan ako. Kaninang tanghali ay pinadala na rito sa kwarto ang gown at sandals ko. Color black ito at sobrang elegante. Magkano kaya ang ginastos nila kung lahat kami ay libre ang mga attire na susuotin? Apat ang taong kasama ko rito sa loob. Si Lori ay sa buhok ko, si Rita ay sa kuko, si Mike naman ay sa mukha ko at si Fenny ay sa gown na susuotin ko. Pinadala sila ng Head Mistress para ayusan ako. By the way, bakla si Mike at iyong tatlo ay babae. Pagkatapos nila akong asikasuhin ay nagbihis na ako ng gown ko at nagsuot ng sandals. Gusto sana nilang ipasuot sa akin ang jewelry na dala nila pero umayaw ako. Mas prepare ko ang mga jewelry ko. Sinuot ko ang silver earrings na binigay ng Lola ko, mahaba ito na malapit ng umabot sa balikat ko.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Tumayo ako at hindi ininda ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtalsik ko. Agad kong pinalaho ang espada ko at ika-ikang lumakad papalapit sa lalaki. “Historia! Ayos ka lang?” tanong ni Persia pagkalapit niya sa akin. “Ayos lang.” Napangiwi ako at napahawak sa balikat ko ng bigla itong kumirot. “Mukhang hindi ka ayos, umalis na tayo rito. Gagamutin ko ang mga sugat mo,” nag-aalala niyang saad. “No need Persia. Ang pakielamera ay hindi dapat inaasikaso. Hayaan mo siyang mag-suffer sa katangahan niya, mag-enjoy ka sa bago mong kwarto dear. Pasikat!” nakangisi na turan ni Haria sabay irap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. “Kung wala ka namang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. I don't need your opinion, so better shut up your mouth kung ayaw mong palamon ko sa iyo ang espada ko!” gigil kong banta sa kaniya. Sinamaan niya rin ako ng tingin at padabog na umalis sa