Share

Chapter 10- Creme Brulee

"That is Coquilles Saint-Jacues," pangkokorek naman ng lalaki, "Imagine scallops, mushrooms, and wine combined in such a delightful way. Yes, that’s heaven on earth, alright!" sabi nitong nakangiti sa kanya. "It's delicious, you want this?"

Tumango naman si Claire at pinilit na tinatakpan ang sarili sa menu book dahil sa kahihiyan, pero ibinababa niya rin kaagad dahil ang punto niya dito ay madiscourage ang lalaki at hindi naman siya nandito para magpa-impress. "At ito, rin, mukhang sosyal," "konfit de canard."

Tumaas naman ang kilay ni Owen, habang pinipilit namang hindi matawa ang waitress.

"That is Confit de Canard."

"Ah, ganun. So ano to? Dessert?" tanong niyang tinaasan ng kilay ang lalaki.

"No, that is their main dish; this specialty of the Gascony region in France is a wonderful treat. It tastes amazing too.”

“Really?”

“Yes, the duck meat is cooked using a traditional process which includes marinating and slow-cooking in its own fat and juices. Trust me, this is delectable!"

Nanglaki naman ang mata ni Claire sa presyo at lalo na sa sinabi ng ka-blind date.

"Ha? Duck? As in bibe ito?" 

 "Yes," kunot noong sabi ng lalaking nagtataka sa tinatanong niya.

 "Ew naman!  Nanay ng balut yan eh, di namin kinakain sa probinsya yan. Ang lansa kaya niyan. Ayaw ko niyan. Iba na lang akin. Wala bang pang kanto kanto style lang dito? Yun bang kaya kung bigkasin."

Di na napigilan ng waitress na matawa, "Eh maam, French restaurant po ito—"

Bigla naman itong napahinto nung pinandilatan niya ng mga mata habang kumindat naman siya kay Owen.

"Okay, you can choose another one." Saad ng lalaking alam niyang nakuha ang pagpapa-rescue niya.

"Wheh, di nga? Sure ka? Kahit hindi ko ito alam lahat, o-orderin ko ito. Kakainin kung lahat. Libre to diba? Ikaw magbabayad ha kasi ang dala kong pera pang taxi lang talaga."

"Sure, I'll get that cover."

"Ganun? Bahala ka. I warned you," diin naman niyang sinadyang inisa-isang basahin ang French menu na ikinatuwa naman ng kaharap.

‘Ano ba yan, akala ko ba madidismaya? Bakit parang tuwang tuwa pa ito sa akin?

Should I change my tactic? Tanong niya sa sarili.

"Okay. O-orderin ko lahat itong nasa taas at itong, wine na to—" Turo niya sa waitress at tumingin naman ito sa menu, "Wine ito diba, girl?"

"Opo miss." Tumango naman ang babae at akmang sasabihin kung paano ang tamang pagbigkas nito ngunit tinaasan niya ito ng kamay at siya na ang nagsalita, "let me do the honor, kailangang mabigkas ko ito kasi tag 84k ang bote nito eh," kindat niya sa waitres bago nagsalitang muli. "Katu chebal blank."

Tiningnan niya si Owen kunwaring inaantay ang sasabihing pangkokorek nito. Ilang segundo pa ang nakalipas, nagsalita na itong halata namang pinipigilan ang pagtawa, "Actually, that is Château Cheval Blanc 1947."

"Oh, di ba, magkatunog lang naman sila sa sinabi ko. Pwede na yun, okay lang ba sayo kung orderin ko to kahit tag 84k ang price?

"Sure."

 Ang yaman pa talaga, hindi man lang nag atubili sa sagot.

"Wheh, sure, ka?" tanong niya ulit dito.

 "Why not? It's a token of my appreciation for making this date interesting."

 Interesting daw?

"Hmmp bahala ka, sabi mo yan ha. Pwede ko bang dalhin ang bote pagkatapos? I-display ko lang sa sala para naman makita ng mga ka soju ko."

"What is ka soju?"

"Ang boring naman ng buhay nyo, Mr. Robinson. Di kaba nanood ng Korean movie? Yan lagi iniinom ng mga bida, mura lang kaya yan sa grocery store. Masarap pa. Samahan mo ng maanghang na kanton, pati singit mo tyak iinit, pati nga bituka mo mamumula eh."

"Oh, I see. I heard it before, but I haven't tried it yet."

"Sus, kung sa balutan tayo pumunta, ang magagastos mo lang eh isang libo, kasama na mga pulutan dun."

Sa sinabi niya, napahagalpak naman ito ng tawa. Takang taka naman si Claire, because surely enough, she was doing her best to make him dislike her. But it backfires so easily. It seems like Owen was enjoying her little show.

Aba hindi pwede to. Anya sa sarili.

"It's okay, maybe next time we can go there and eat balut."

"Sure ka? There is next time, pa?" Tanong naman niya habang nagpaalam na ang waitress sa kanila at tumalikod na ito.

"Why not? I have been on a blind date 23 times already, and everyone of them bored me to death, but you? You made me laugh, and we hadn't even started yet."

Lintik na. Paano ba to? Anong gagawin niya?

"So pwede pa akong umorder ng desert?"

"Of course, what else do you want?" tanong nitong binuksan ulit ang menu book.

"Ano to?" turo niya sa isang putaheng hindi niya mabasa. 

"That is, Pommes de Terre sautee."

"Ano to sa English?"

"That is fried potatoes."

"Ay sus marami nyan sa jalibi at makdo. Bakit ang mahal dito, patatas lang naman yan, magkano lang kilo niyan ngayon no?" ismid niyang sabi sabay kulangot ng ilong.

"Well—"

Ngunit pinigilan niya itong mag-explain.

"Ito na lang, ano to?" Turo niya pa sa isang hindi niya rin mabigkas.

"That is Foie gras. That is an iconic French delicacy, it is not just your ordinary duck or goose liver. It’s specially fattened to achieve that mouth-watering buttery taste!" Pahabang paliwanag nito sa kanya, habang nakatingin sa mga labi niya.

"Ew, ayaw ko ng atay. Nakakarayuma yan," patay malisya niya, "Eh eto?" turo niya sa dulo ng menu.

"That is Creme Brulee; that is very sweet. For those with a sweet tooth, it has a beautiful velvety texture and a gorgeous burnt colour. This lovely dessert is a sight to behold and a wonder to taste."

"Ganun?"

"Oo naman, natikman mo na?"

"Yes, I have a chef at my place. This is one of my favourites."

"Ang sosyal naman—may chef," nayayabangan niyang saad na nagpataas ng kilay ng kausap. "Sa bahay pahirapan pa akong makahanap ng paminta. Minsan hingi na lang sa kapitbahay."

Napangit naman si Owen, "You have a lovely neighbourhood then?" tanong nitong halatang halata na gusto ng magtanong sa kanya ng mga personal na bagay bagay.

"Okay lang naman," sagot niyang biglang lipat ng tono. Parang naintindihan naman ng lalaki na ayaw niyang pag-usapan ang mga personal na bagay dahil nagsalita na itong muli na nasa menu ang tingin.

"So should we order this one?"

"Sige, tikman ko lahat, don't worry, may anaconda ako sa tiyan. Sayang, sana naka hoodie na lang ako para sana di makita ang bilbil ko pagkatapos kumain. Nauutot pa naman ako palagi pag busog," sabi niyang pinipigilang hindi matawa, ewan lang kung hindi pa ito na-didiscourage sa kanya, "Minsan kasi, kinakabag ako pagbusog na busog, pero okay lang, maganda naman ang CR nila, dun na lang ako eebak mamaya."

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Tendercare
,...️...️...️...️...️...️...️......
goodnovel comment avatar
Lavinia ir
Laf trip talaga
goodnovel comment avatar
Lavinia ir
kakatawaaaa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status