"Oh, damn it!" rinig kong sabi ni Kayler nang makita ang mga limang lalake na nakapalibot sa aming dalawa. Sa aking palagay ay miyembro sila ng fraternities dito sa University namin. Pilit niya akong itinatago sa kan'yang likod upang hindi ako makita.Humithit ng sigarilyo ang isang matangkad na lalaki bago nagsalita."Ibigay mo na 'yang magandang babae sa'min para hindi ka na masaktan!" sabi ng mayabang na lalake na nakapamulsa ang mga kamay."And why would i do that?" matalim na sambit ni Kayler sa kanila."May kasalanan 'yan sa girlfriend koo, kaya kung ayaw mo madamay ay lumayo-layo ka na." Sabay ngisi niya pa sa amin."Ang tapang manakit niyan Brod Theo, akala mo kung sino!" Sabay dura nang isang lalake.Ngumisi ulit 'yung lalake na tinawag na Theo at unti-unting lumapit kay Kayler, sabay aambang sana ng suntok ngunit agad na naagapan iyon ni Kayler. Agad niya iyong nasalo kaya naman namilog ang mata ko sa nakita. Para lang akong nanonood ng pelikula. Tumabi muna kaya ako at kuma
Jennie's Pov:Sumakay kami ng jeep ni Iyah patungo sa isang resort sa pansol. May usapan kasi kaming magkikita-kita sa isang resort. Nahuli kami ni Iyah kasi may pinasa pa kami na output sa prof namin.Dahil siksikan sa jeep ay hindi kami magkatabi ni Iyah. Sa kabilang side naupo si Iyah at hindi rin kami magkatapat kaya nagpalinga-linga na lang ako sa mga kahilera niya. Mula sa pintuan ng jeep, pang apat sa pwesto ng upuan ay natagpuan ng aking mata ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. My brows furrowed. Masungit kong iniwas ang aking mata sa kan'ya.Ano naman kayang tinitingin-tingin niya? Nung ibinalik ko ang panangin ko sa kan'ya ay nginitian niya na ako ng pagkatamis-tamis. Oh, my God! ang gwapo ngumiti! Pantay-pantay ang kan'yang mga ngipin na mapuputi. Hindi ko tuloy naiwasang ngumiti din kaya naman yumuko agad ako sa pagkapahiya.Pakiramdam ko ay namula agad ang aking pisngi dahil nahuli niya akong nakatingin at sinuklian ang kan'yang ngiti. Gosh! Ang hirap naman ka
Fil's POV:Ang dami pala nilang dalang alak. Halos malasing na ako kakainom. Natatawa ako kay Jennie, pa'no ba naman panay ang nguso dahil wala siyang kapartner. Kaya naman nag-text agad ako sa pinsan ko na may gusto sa kan'ya. Para naman mapuntahan siya sakaling mawala kaming dalawa ng lalaking katabi ko.Mabuti na lang ay mabilis pa siya sa alas k'watro dahil and'yan na kaagad siya. Agad din naman siyang banati ng mga kaibigan ko."Ang bilis mo, ah! Mukhang 'di ka na naligo mapuntahan lang si Jennie!" Sabay ngisi ko. Si Jennie naman ay panay ang irap sa akin lalo na nang tumabi sa kan'ya si Stifler."Lasing na agad kayo? Ba't si Jennie hindi pa?" Natatawa niyang sambit. Panay irap kasi ang ginagawa ni Jennie sa kan'ya.Si Iyah naman ay nakasubsob na kay Kayler pero pinipilit parin na bumangon. Naku! Mahihinang nilalang. "Itago mo na 'yan!" Utos ko kay Kayler sabay ngisi. "Pero h'wag mong subukan pasukin ang yungib, ako makakalaban mo!" Banta ko sa kan'ya.Natigil ang pag-iikot ng
"Are you being serious?!" sigaw ng pamilyar na lalake.Gulat at hindi ako makagalaw nang makita ko ang lalakeng nakatalikod na humarap sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang aking ex-boyfriend sa harapan na si Kayler."Aliyah?" nagtatakang tanong ni Kayler sa akin."Do you know who she is? tanong naman ng kanyang fianceTulala ako at parang walang naririnig sa paligid.Galit na galit na tumitig sa akin ng masama ang fiance ni Kayler. Halos maghisterikal ang kanyang fiance sa aking isiniwalat kaya naman nagmamadali nitong hinubad ang suot na singsing at itinapon sa mukha ni Kayler."You are a disgusting pig! How dare you cheat on me?" galit na galit na sambit nito. Mabilis niyang sinampal ng malakas si Kayler."I wouldn't lie to you! nagsisinungaling siya! Hindi ko magagawa ang binibintang n'ya sa'kin!" nagmamakaawang sigaw ni Kayler sa kanyang fiance.Ngunit parang bingi na ito at wala ng ibang naririnig pa sa sobrang sakit na nararamdaman dulot ng mga aking
Sa kasalukuyan, ay isa akong criminology student ng Universidad de Manila na maraming raket. Oo, tama raket para kumita hindi raket sa badminton, iba 'yun! Tumatanggap kasi ako ng kung ano-anong raket para lamang may pagkakakitaan.Hindi naman sa sobrang naghihirap kami ng inay ko pero mabuti na rin yung ganoong may pinagkakakitaan ako, 'di ba? Ayoko din kasing nanghihingi sa aking Ina. Isa pa ayaw ko na din na magtrabaho siya nang magtrabaho para sa akin. Ayoko talaga ng sobra siyang nahihirapan. Gusto ko rin na maranasan niya ang sarap ng buhay.Iba parin kapag nakakatulong ka sa iyong magulang. Nababawasan din iyong mga alalahanin nila, 'di ba?Ang nanay ko ay dating isang ofw, nagka-boyfriend ng isang kano kaya ito ako ngayon, isang mestiza. Oo, mestiza! Iyong bang matangos ang ilong, makinis at mala porselana ang balat. Kaso iniwan ng tatay ko ang aking ina, hindi pa raw handa ang aking tatay na magkapamilya ng mga panahong iyon.Pero kahit kaming dalawa lamang ng aking ina ay ma
"Oh pak! pak! pak! ikot! pak! lakad!" Maingay na sigaw ng nagtuturo sa amin rumampa.Habang naghihintay ako sa pagrampa, natanaw ko si Kayler na nakaupo sa may bleacher. Pinapanuod ang bago niyang babae na rumampa."Go, Larah!" sigaw pa nito na ikinanguso ko.Nang ako na ang maglalakad ay hindi na siya tumingin sa stage. Yumuko na siya at muling tumipa sa kan'yang cellphone."Number 15... Aliyah, pasok! oh, Hawak sa balikat ni Lucas! pak! pak! pak! Ikot! lakad!"Oh! Ayusin niyo bukas ha! Ayoko ng may papalpak! Sige, uwi na!" taboy ng baklang nagtuturo sa amin.Nang matapos ay nakahinga na ako ng maluwag. Bukas ang pinakahihintay kong laban. Sana bukas mapansin man lang ako ni Kayler.Araw-araw akong nagpa-practice nang naka-heels kaya naman nitong mga nakaraang araw ay maayos na talaga ako maglakad. Hindi na ako natitipalok tuwing lumalakad."Ay! bongga friend! I-sway mo pa yung hips mo parang ganito oh!" sambit ni Jennie habang minumwestra ang pagkendeng. Laglag ang aking panga haba
Habang pababa ako ng hagdanan ay halos nakatingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko. Naririnig ko din sila na nagbubulungan."Kilala ko yan!" narinig ko na sinabi ng kung sino."Crim student 'yan! Yung maiksi yung buhok." Tukoy ng isa sa akin."Ang ganda pala niya pag-long hair." manghang sambit nung isang babae."Grabe, best! Taob tayo sa dibdib niya!" sabay tawanan ng mga babaeng magkakabarkada.Nang makahuling hakbang sa hagdanan ay nilingon ko muna sila at matamis na ngumiti."Wala na, May nanalo na! Ngiti pa lang n'on taob na! Narinig ko pa bago makalayo sa kanila.Nang makarating sa backstage ay tinanong agad ako ni Jennie kung hindi masakit ang paa ko."Hindi pa naman, nasanay na siguro ako kaka-practice ko." Natatawa kong sambit."Humanda na kayo, magsisimula na!" Bilin samin ng organizer. "Galingan mo, friend ha! Ngiti ka lang pagkinakabahan ka, 'wag ka rin titigil pag nagkamali ka, ngiti lang ulit." paalala sa'kin ni Jennie."Can you really do it?" pangungulit niya pa
Muli kong sinipat ang aking hitsura sa salamin. Hays, back to normal na naman. Inayos ko pa ang aking buhok ng kaunti. Mas gusto ko talaga yung messy hair, sa tingin ko kasi ay iyon ang mas bagay sa maiksi kong buhok. Kaso naman hindi pwede sa klase ko, kaya pagtapos na lang ng klase siguro, saka ko guguluhin ang aking buhok.Inayos ko rin ang aking damit na type a uniform (all black uniform with wet-look leather shoes) sa harap ng salamin bago umalis."Ma, aalis na ako!" Humalik muna ako sa aking mahal na ina bago lumarga.Inaasahan ko na sa pagpasok sa university namin ay makakausap o makakasama ko ulit si Kayler. Kinikilig ako sa parteng iyon. Ngunit sa kasamaang palad ay wala ito doon. Ni hindi ko nakakasalubong kahit saan. Sa tuwing dudungaw ako kung saan ko siya palaging nakikita ay wala rin siya, kahit sa kan'yang tambayan ay wala rin ito roon.Nang sumunod na lunes ay sa wakas ay nakita ko na rin siya. Tila pumayat ito ng kaunti, ngunit mababakas parin ang kagwapuhan. Maputi i