Share

Chapter 14

"Miss. Miss," aligaga na tawag ni Jillian sa babaeng nakatalaga doon na nakaharap sa computer.

"Yes? What can I do for you ma'am?" anito at hinarap siya.

Lumunok si Jillian upang mawala ang kung ano mang nakabara sa kanyang lalamunan. "Y-Yung pasyente sa monitoring room.. Yung dating pasyente doon, nasaan na po siya?" kinakabahan niyang tanong.

"Ah. Yung babae?" anito dahil lalaki kasi ang pumalit sa kwartong iyon.

"O-Opo."

"Anong pangalan?" tanong pa nito habang nakaharap na muli sa monitor.

"Carmela Gonzales po."

Tumango-tango ito. "Sandali lang ha at titingnan ko ang mga records dito. May iilan na kasing pumanaw na mga pasyente nitong mga nakaraang araw."

Pinunasan ni Jillian ang kanyang noo. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon? Ano ang gusto nitong iparating?

"Carmela Gonzales..." bulong nito habang nakatingin pa rin sa screen. Biglang sumeryoso ang mukha ng babae maya-maya. "Ah. I see."

Tiningnan siya nito sa mga mata at kulang na lang ay mahimatay sa kaba si Jillian sa kahi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status