Minutes had passed, after I heard the siren as a sign that it was 12 o'clock already and time for our Clandestine class, I felt someone move around. It was like she was preparing for her departure and I'm sure it was Celeste.
I just kept closing my eyes first and pretending to be still asleep to wait for her to go.
Yes, Scarlet convinced me to enter our class again because Hearlet is right. Kailangan kong pumasok ulit sa klaseng iyon if I really want to be strong and get justice for my parents. Well, there's nothing wrong with trying what she wants me to do. But being the key to the past and truth of Infinity? I don't think so. I need to think about it carefully. And it takes time before I can make a final decision because they are giving me a heavy duty. It's not just about Infinity, it is also for the future of the entire Therra Un
Sa sandaling naitapak ko ang mga paa ko sa loob ng Genesis Forest ay may naramdaman na agad akong kakaiba sa paligid.Nakakabingi at kakaibang katahimikan agad ang sumalubong sa akin. Wala akong maramdamang simoy ng hangin, at kahit tunog ng mga ibon ay wala akong marinig.Madilim ang buong paligid pero hindi na ito bago sa akin dahil minsan na akong pumasok dito, but what I was feeling right now is quite different from what I felt before. I guess something weird is really happening here right now that I need to know.Of course, this forest is dangerous, and I am aware of that, but if you are a Clandestine or if you have a high position in the Royal Palace, you have nothing to worry about the dangerous creatures living in here. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, la
The spell that I chanted just disappeared in thin air because I lacked the strength and power to do what I wanted—to stop the time even for a moment, so that I could get stuck here in the Genesis Forest.Ramdam ko na kasi ang panghihina at patuloy na panginginig ng aking katawan, marahil ay dahil ito sa lason sa palaso na tumama sa tagiliran ko."Poor, Green. Why did you come back? You are too ambitious. Kailanman ay hindi mo kami kayang pantayan. Isa ka lamang hamak na Legacy, isang mababang uri ng nilalang dito sa Utopia. I don't even know what you have and why you are with us. You are not that special. Okay . . . let's say you have a strong power, but it's still not enough for you to be part of Clandestine!" Celeste said stupendously. I could feel the anger on her voice, and I don't know where it came from dahil wala n
I woke up with a startle, like I came from a nightmare. I scanned the whole place the moment that I realised I wasn't in our room in the dormitory of Royal Academy.Hindi familiar sa akin ang silid na ito at hindi rin naman ito isang infirmary dahil wala akong ibang makita rito sa loob kun'di isang lamesa lamang sa tabi ng malaking kama na hinihigaan ko ngayon.The whole place shouts silver mixed with emerald green—the curtains, the walls, even the soft, canopy bed I'm on.Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga, pero napangiwi na lang ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Ramdam ko ang kakaibang bigat ng aking katawan na para bang may nakadagan sa aking mabigat na bagay. Pakiramdam ko rin ay parang miikot ang buong paligid.
Kinaumagahan ay pinayagan na akong umalis sa palasyo, at bumalik na sa Royal Academy upang maghanda sa nalalapit na Potrabilities (Power Training Abilities).Marami ang mga nagtaka sa bigla kong pagkawala ng isang linggo. Tanging sina Yazenth at Scarlet lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa akin, at bakit ngayon lang ako nakabalik dito.Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na ako ang susi sa nakaraan at katotohanan sa likod ng pagkawala ni Infinity. Kung kaya ay iniisip ng iba na iyon ang dahilan kung bakit ako nawala bigla. Pero hindi rin naman ako makakatakas sa negatibo nilang mga komento tungkol sa tungkulin na iniatang sa akin. At hindi ko sila masisisi dahil araw-araw silang nagsasanay para sa katungkulan nilang ninanais. Habang ako ay nakakayanang lumabas mula sa eskuwelahang ito para gampana
Palubog na ang araw nang naisipan kong tumigil sa pagsasanay. Halos wala na rin akong kasama rito sa malawak na kapatagang aming pinagsasanayan, kaya pabagsak akong umupo sa damuhan, at saka huminga nang malalim.Basang-basa na ang halos lahat ng parte ng uniporme ko dahil sa pawis. Pero mabuti na lamang ay wala itong amoy. Kaya mas minabuti ko na lamang na hayaan ito at niyakap ang aking mga tuhod saka iginala ang paningin sa paligid na unti-unti nang kinakain ng dilim.Hindi ko maipaliwanag ang pagod na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako mamaya dahil nasobrahan yata ako sa pagsasanay. Kaya hinayaan ko lamang ang aking sarili na magpahinga at magpalamig muna saglit bago bumalik sa dormitoryo upang makapagbihis na dahil anumang sandali ay maghahapunan na rin kami.
Narito na kami ngayon sa istadyum kung saan gaganapin ang Potrabilities Training. Madaling araw pa lang ngunit halos puno na ang buong istadyum dahil ayaw ng iba na mawalan ng upuan.Limitado lang kasi ang maaaring manood sa laban. Malaki ito ngunit kaunti lamang ang espasyo para sa mga manonood dahil sa malawak na entablado sa gitnang bahagi kung saan magaganap ang labanan.Hindi naman sa kinulang sila sa budget sa paggawa ng lugar na ito dahil ang buong istadyum ay gawa sa pinaghalong pink champagne and blue diamonds, which is we are aware that these types of diamonds were very expensive and extremely rare to find in the world of mortals.Sadyang nililimitahan lamang nila ang maaaring pumasok dito dahil siguro sa tindi ng magiging laban, at ayaw nila na may maraming masakt
CHAPTER 21: FAMILIAR VOICE"Green . . . "Bigla akong bumalikwas ng bangon at napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses ng babae.Agad kong inilibot ang aking paningin sa pamilyar na silid — ang silid namin nina Celeste at Scarlet.Parehas silang mahimbing pa ang mga tulog kaya bigla akong nakaramdam ng kaba dahil kung wala sa kanilang dalawa ang tumatawag sa akin, kanino ang boses na iyon? Atsaka, hindi naman nila ako tatawagin sa pangalan na Green, at hinding-hindi mangyayari iyon kahit pa man magpatiwakal ako sa pamimilit sa kanila na ako si Green. Pero hindi ko alam kung ako ang kilala nilang Green dahil maski ako ay hindi ko rin sila kilala. Ngunit hindi ko lang maiwasan na maguluhan kung bakit magkamukha kami ng Green na kilala nila.Kakaiba rin ang simoy ng hangin na pumapasok sa bintanang nakabukas malapit sa higaan ni Celeste. May kakaib
CHAPTER 22: KNOWING THE TRUTHYAZENTH MOONTHRONETahimik lamang akong nakatayo rito sa balcony ng boys dormitory habang nakahalukipkip nang bigla kong maramdaman na parang biglang lumamig ang hampas ng hangin na tumatama sa balat ko.Napakunot agad ang noo ko, at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa aking sarili.It was still two o'clock in the dawn, and I was still haven't sleep yet because I was having a hard time to get a good sleep even if I wanted to. May mga bagay kasi na bumabagabag sa aking isipan na kailangan ko ng kasagutan sa lalong madaling panahon. It was all about O'Brien — that mysterious woman who forgot on how to wield even just a single spell of magic.