"Kirsten…" napalingon ako sa kamay kong hinawakan niya upang pigilan ako sa pagbaba ng sasakyan. I felt that familiar sparks again, for the nth time, na agad naglakbay sa buong sistema ko. Kay tagal ko na iyong nararamdaman, may kakaiba sa tuwing nagkakadikit ang mga balat naming dalawa ngunit pilit ko iyong winaksi at isinawalang bahala dahil alam kong mali, napakalaking kamalian ang makaramdam ng bagay na iyon… Nalipat ang tingin ko sa mga mata niya, kay lungkot ng mga iyon, his eyes plead."Let go, Kier. I'm going to be late." ngunit kailangan kong magmatigas, kailangan na may isa sa amin ang paninindigan ang tama. Pilit ko binawa ang kamay kong hawak niya ngunit mas humigpit ang hawak niya lalo. "Kier, please!" gigil at may diin kong pakiusap sa kanya."Hanggang kailan tayo ganito? Hanggang kailan mo ko balak iwasan? Hanggang kailan mo ko 'di kakausapin? 'di kikibuin? 'di papansinin?""Hanggang sa matapos yang kahibangan mo, kabaliwan mo at kakitiran ng utak mo." pagkasabi'y nilaka
Pangapat na araw ngayon ni Kier sa hospital pero sabi ng doctor baka next week ay pahintulutan na siya nitong umuwi. Lulan ako ngayon ng sasakyan ni Daddy papuntang school. Magkatabi kaming dalawang nakaupo sa backseat ng kanyang sasakyan, may sarili itong personal driver si Kuya Kai na personal body guard din niya. Nasa labas ng bintana ng kotse ang tingin ko habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. May gusto akong ipakiusap kay daddy ngunit natatakot ako sa magiging reaksyon niya, ngayon pa lang nahahabag na ang puso ko, paniguradong masasaktan ko ang damdamin niya sa nais ko pero wala na akong ibang maisip para matapos yung mga gumugulo sa isip ko gabi-gabi."Anak." dahan-dahan akong napalingon kay daddy ng tawagin niya ako, nagkasalubong ang mga mata naming dalawa, nginitian niya ko. "May nais ka bang sabihin kay daddy? Kanina ko pa nahahalata ang pagkabalisa mo, ramdam ko rin ang panaka-nakang sulyap mo sa akin." ama ko nga talaga siya, kay bilis niyang makaramdam. Napatitig
Kirsten POVNapatitig ako sa mga mata niya and from there I saw his pain. Hindi lang naman siya ang nahihirapan, hindi lang rin siya ang nasasaktan kaya nga ako lalayo diba.Ako ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya, dahan-dahan ko itong inilayo at iniwas sa mukha kong hawak niya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa hospital bed niya. Binaba ko ang mga paa at patalon na bumaba ng kanyang kama. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa mga kilos ko, katulad ko'y nakikiramdam rin ito. Sinuot ko ang school shoes, inayos ko ang sarili bago ko siya tinignan muli. Sinalubong ko ang mga titig niya. "Simple lang naman Kier, tanggapin mo na magkapatid tayo. Accept then move on, ganun lang ka simple. Mas lalo ka lang masasaktan kung ipipilit mo ang kamalian na iyan kahit 'di na para sa akin, kahit para kina mommy at daddy lang, please…. tama na." "Sana kung ganun lang ka simple, sana kung ganun lang kadali but It's so hard, so fûcking hard." bakas ang pa
Kier's POVWhen I woke up I was already inside my room. I was alone. It was dark and quite. Agad akong napabalikwas ng bangon ng biglang sumagi sa isipan ko ang huling nangyari bago nawalan ako ng malay, nagbabakasakali na panaginip lamang lahat, kinukumbinsi ang sariling hindi totoo lahat ng yun ngunit yung utak ko 'di kayang dayain ang nararamdaman ng puso, pumaibabaw pa rin yung sakit na tila pinipiga ng makailang ulit. Ang bigat sa pakiramdam, nakakapanghina ngunit kahit ganun pa man ay pinilit ko pa ring bumangon. Lumabas ako ng kwarto, pinuntahan ko ang silid niya ngunit para lamang masampal ng katotohanan, na iniwan na nga niya ako ng tuluyan ngunit ayaw ko pa rin maniwala. I called her name. "Kirsten!" malakas na tawag ko sa pangalan niya. I heard footsteps outside her room. Una kong binuksan ang banyo niya but she wasn't there. "Kirsten!" I called her again. Sinunod kong tinungo ang walk-in closet niya but still she was nowhere to be found. Lumabas ako ng walk-in closet
Kier's POV"Nag-iisang pag-ibig, ang nais makamit, 'yun ay ikaw." I started singing Hiling by Jay-R Siaboc habang nilalaro ng mga daliri ko ang hawak na gitara. I was only wearing boxer shorts while seated on my couch sa terrace ng sarili kong kwarto. May eyes were close, dinadama ng puso ang laman ng kanta pati ang pag strum ko sa sariling gitara. Nakakagaan ng damdamin, nasasabi ko ang nilalaman ng puso ko. "Nag-iisang pangako na 'di nagbabago para sa 'yo. Sa'n ka man ay sana'y maalala mo, kailanman asahan, 'di magkalayo.Tanging ikaw lamang, ang aking iibigin walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik…" I stopped. Malungkot na ngumiti ako habang nakapikit ang dalawang mata ko, nakangiting imahe niya ang pumailanlang sa isipan ko. I always do this every time I miss her. Na kahit sa isipan ko man lang ay makita at makasama ko siya. Dalawang araw na lamang at masisilayan ko na muli ang kinasasabikan kong mukha at presensiya niya. I wonder how she looks like in person, kahit na
Ilang segundo lamang at muling ibinalik ko ang tingin sa kanila at 'di pa nga sila tapos na dalawa muli ay nag-iwas ako ng tingin. Matiyaga akong naghintay matapos ang bebe time nila. Napaupo ako ng tuwid ng bumukas ang pintuan ng shotgun seat. Inalalayan siya ni Kier papasok sa loob ng kotse nito bago pumwesto si Kier pabalik sa driver seat. "Kirsten, meet Miracle, my girlfriend. Miracle, Kirsten." napatitig siya sa mga mata ko, sa loob ng limang segundo nakita ko sa mga mata niya yung pamilyar na titig niya sa akin noon, pagmamahal, paghanga ngunit may pait… agad siyang nagbawi ng tingin sa akin. "my half s-ister, babe." "Hello, Ate." She greeted me kay lapad ng ngiti pero alam mong peke."Hi!" tipid kong bati sa kanya. She called me Ate kahit na 'di hamak na mas matured naman siyang tingnan keysa sa akin. Ilang saglit lang ay binabagtas na namin muli ang daan patungo sa mansion. Nasa labas lamang ng bintana ang tingin ko. Napasulyap ako sa harapan ng abutin ni Kier ang kamay
"Kirsten…" narinig ko ang pag tawag niya sa pangalan ko ngunit 'di ko na siya nilingon pa. Kay laki ng mga hakbang ko papalayo sa kanya. Bumalik ako sa dining table. Sinisigurado kong wala na ang bahid ng luha sa mga mata ko ng bumalik ako sa dating pwesto. Ang saya nilang lahat. Yung umiiyak na sila sa kakatawa. Ito yung na miss ko habang nasa Canada ako. Nainggit ako saglit. Napaisip kung kailan ko maranasan tumawa ng katulad nila. Yung buong buo ang kasiyahan walang hang ups, walang balakid, walang iniisip, walang tinatago at yung tawang walang nararamdamang may kulang sa puso… Napakagenuine ng mga ngiti nila, ng mga tawanan, hagalpakan, alam mong totoong totoo, walang bahid ng kasinungalingan…Noong huli akong tumawa ng katulad nila I was just in my grade school. After I graduated from my primary school, I started to get confused about how I feel towards my half brother. Mapait akong ngumiti…"Yung last week na sinabi mong pinatawag kami ng principal's office. Alam mo anong ginawa
Kay bilis kong nag bawi ng tingin kasabay ang paghila ng kamay kong hawak niya. Tinalikuran ko siya at binalikan ang counter kung saan nakalapag ang tinimpla kong gatas. Inangat ko ang baso ngunit nang sinimulan kong ihakbang ang mga paa ay hinarang niya ang sarili sa daraanan ko. “Kirsten, can we talk? Please? Kahit saglit lang. I just missed talking with you, please…” napatitig ako sa mga mata niya, nakikiusap ang mga iyong pagbigyan siya, nakadama ako ng lungkot at awa para sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Tumango ako, agad na nagning-ning sa saya ang mga mata niya ng makita ang pagtugon ko pero alam ko sa sarili ko hindi dahil sa awa na nadama ko para sa kanya kaya ako sumanayon na makipag-usap sa kanya kung hindi dahil sabik rin akong makausap siya, ayaw ko mang aminin sa sarili but I missed him too… I missed my best friend.Hinayaan ko siya ng kunin niya mula sa akin ang hawak kong gatas. Sabay naming tinungo ang pintuan patungo sa swimming pool. Huminto kami sa isa