Share

Chapter Two

MAG-AALAS kuwatro na nang umaga, nakahanda na si Evren upang umalis. Sinilip muna niya ang kanyang ina, nakita niyang tulog na tulog pa ito, kaya hindi na niya inabala pang gisingin ito upang magpaalam.

            Muli niyang binalikan ang mga inasikaso niya. maaga siyang gumising upang ipagluto muna ang ina ng almusal, Inilagay na rin niya sa mesa ang mga gamot nito na iinumin. Nang masiguro niya na maayos na ang lahat, binuhat na niya ang kanyang mga gamit. Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Andrew na naghihintay sa labas ng kanilang bahay.

            "Tayo na Evren, baka naghihintay na si manong." wika ni Andrew sa kanya.

            "Sandali na lang Andrew, daan muna tayo sa bahay ni Aling Ason," aniya sa kaibigan. kaya naglakad si Evren patungo sa bahay na sinasabi niya. lumapit siya sa pinto at bahagya siyang kumatok.

            "Tao po, Aling Ason!" tawag niya. ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang matandang babae na ka-edaran lamang ng kanyang ina.

            "Evren, Hijo! Ang aga pa, anong kailangan mo?" tanong nito sa kanya. 

            "Pasensya na po sa abala," aniya sa matanda "Makiki-usap po sana ako. wala po kasing titingin at mag-aasikaso kay inay. aalis po kasi ako at magta-trabaho sa malayo. kung ayos lang po sa inyo, kayo po sana ang nais kong tumingin kay inay, tutal matalik naman po kayong magkaibigan." aniya, bahagya naman itong natawa at saka nagwika.

            "Jaskeng bata ito! sige, walang problema. Basta mag-iingat ka. mamaya ako pupunta doon upang bisitahin ang iyong ina. ipagluluto ko siya ng pagkain." saad nito sa kanya.

            "Maraming salamat po, Aalis na po kami." paalam ni Evren.

Habang naglalakad napansin ni Andrew ang pagiging tahimik ng kanyang kaibigan. Nang makarating sila sa lugar na pinag-usapan, nakita nila ang matandang lalaki na kina-usap nila. Hinihintay na sila nito, kaya ng makita sila ay agad silang tinawag at pinasakay na nang sasakyan.

            Nasa loob na sila ng sasakyan, ngunit nananatiling tahimik si Evren. Naramdaman niya ang pag-akbay ng kanyang kaibigan.

            "Evren, habang malapit pa tayo. magdesisyon ka na kung tutuloy ka o hindi na." wika nito sa kanya. ngunit umiling lamang si Evren.

            "Para kay inay, magsisikap ako para sa kanya." at saka tumingin sa malayo. "Hindi ako magsasayang nang magandang pagkakataon Inay. lahat gagawin ko para sa iyo." saad niya sa kanyang sarili.

            

TUWING LINGGO, nagpapadala si Evren nang pera para sa kanyang ina. Lahat ng kaniyang sinahod nang isang buwan ay ipinapadala niya rito upang mabili ang mga pangangailangan nito. At isang beses sa isang buwan ang kanyang uwi. Dahil pabrika ito ng mga tela at may katabing Tahian, hindi magiging problema kung mawawala sila ng ilang araw. Dahil may mga naiiwan naman na trabahante na kapalit nila upang magbantay at umestima sa pabrika.

            Masaya si Evren na muli siyang makaka-uwi. matapos ang isang taon na pagsasanay. Dahil sinasanay na sila ni Andrew sa bago nilang trabaho sa pabrika. Ang pagiging Machine Operator. Dahil determinado silang matuto, kaya nagtiyaga at nagtiis sila upang mas masanay sa kanilang bagong trabaho. kaya ng matuto at bihasa na sa pag-o-operate, pinayagan na silang maka-uwi na muna sa kanila.

            Walong taon na ang lumipas simula ng tinanggap nila ang trabaho. Ngayon binata na sila at dalawampung taong gulang na. Masaya si Evren na kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay naging mabait pa din ang kapalaran sa kanya.

           

KADARATING lang ni Evren, nang isang dalaga ang sumalubong at agad na yumakap sa kanya at Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay niya rito.

            "Isabella! akala ko hindi mo ako sasalubungin. sobrang namiss kita." masayang wika niya rito.

            "Evren, ako pa ba! ikamamatay ko ang hindi ka makita ngayon." anito, natawa na lamang si Evren sa sinabi ng kasintahan. "Mabuti pa umuwi na tayo sa inyo. kanina ka pa hiihintay ng iyong inay." Wika ni Isabella sa kanya. kaya nagpatianod na lamang siya sa gusto ng kasintahan.

            Masaya siya dahil naging kasintahan niya ang babaeng pinakamabait at sobrang maunawain sa kanilang lugar. Dahil anak ito nang mga doktor, nagtapos si Isabella bilang nurse. niligawan niya ito limang taon na ang nakakalipas. naging masaya ang mga araw na iyon sa kanila. Ngayon na nagkita silang muli, nais sulitin ni Evren ang araw ng kanyang bakasyon kasama ng kanyang Ina at kasitahan. pagkarating nila sa bahay ng binata, nakita niya ang kaniyang ina na naka-upo at tinatanaw ang kanilang pagdating.

            "Evren, anak. kamusta ka na, mabuti at naka-uwi ka na.!" Agad na niyakap siya ng kanyang Ina. "Sobrang namiss kita, sana mas hinabaan pa ng amo mo ang araw ng iyong bakasyon. para naman mas makasama ka pa namin ng matagal." saad ng kanyang ina.

            "Oo nga mahal ko, dinaig mo pa ang nasa abroad." wika ni Isabella sa kanya. dahil doon napapakamot na lamang ng ulo si Evren.

            "Mukhang pinagtutulungan ako ng mga mahal ko." saka hinalikan sa noo ang ina at sa labi ang kasintahan. "Ang mabuti pa mamasyal tayo ngayon. magbihis na kayo at marami tayong pupuntahan." saad niya na agad din na tumalima ang dalawang babae.

            Maayos na ang lagay nang Ina ni Evren, mas nakakakilos na ito ng hindi hinihingal. Hindi na rin ito ganoon kabilis mapagod. kaya masaya si Evren dahil hindi nasayang ang walong taong pagtatrabaho niya.

            Habang kumakain sa isang Fastfood chain si Evren kasama ang ina at kasinthan, may isang lalaki ang biglang lumapit sa kanila.

            "Evren!" Tawag nito sa kaniya at nakipagyakapan rito si Evren.

            "Andrew, Akala ko kung sino na!. Tara sumabay ka na rito sa amin kumain, akala ko magpapahinga ka na muna sa inyo, bakit narito ka?" saad niya rito habang inaaya niya itong umupo.

            "Ganoon sana ang gagawin ko, kaya lang ang ingay ni inay. kaya umalis na lang ako sa bahay para mamasyal. masuwerte akong nakita ko naman kayo rito." Sabay sulyap kay Isabella. napansin naman ito ni Evren kaya isang batok ang ibinigay niya sa kaibigan.

            "Girlfriend ko yan pare, nahirapan akong pasagutin yan. Kaya maghanap ka ng sa iyo." tatawa-tawa namang wika niya rito.

            "Ang ganda kasi ni Isabella, kahit na sinong lalaki maaakit na tumingin sa kanya." saad nito. "Sana makakita ako ng tulad n'ya."

            "Andrew, nag-iisa lang si Isabella. makakakita ka rin ng babaeng para sa iyo." aniya sa kanyang kaibigan. "kumain na nga tayo para marami tayong mapuntahan." wika ni Evren. kaya nagpatuloy na silang kumain kasama si Andrew. Matapos nilang kumain ay ipinasyal ni Evren sa mall ang kanyang ina at kasintahan, Ibinili niya ang mga ito nang mga damit. Masaya naman ang kanyang ina sa mga ibinibigay ni Evren sa kanila. Buong araw na ipinasyal ni Evren ang dalawa, si Andrew naman ay humiwalay na sa kanila, bago pa man sila pumasok nang mall.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka maging karibal ni Evren SI Andrew
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status