Share

Chapter 74

Chantria

“Woah! Woah! Calm down, princess,” ani Lance habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.

“Ang sabi mo kaibigan mo si Iwatani. You lied to me!”

“Hindi ako nagsinungaling, binibini. Best friend ko si Iwatani.”

“Kung kaibigan mo siya, bakit mo kasama ang isang ‘to?” Tinutok ko ang baril kay Gab na kalmado lang na nakatayo malapit sa isang sasakyan. Nakasandal pa siya roon habang nakatitig sa ‘kin na para bang hindi siya natatakot sa hawak ko.

“Si Isaac? Bakit? Hindi ko siya best friend pero kaibigan ko rin siya. Kilala mo ba siya?”

“Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko siya.”

Napatingin siya sa kaibigan niya nang nagtatanong kaya sumagot si Gab. “Siya si Chantria, Lance. O mas kilala mo bilang si Seanne.”

Nalaglag ang panga ni Lance at tila naestatwa sa kinatatayuan niya. “Ito ‘yong babaeng kinababaliwan mo? Hindi ko inaasahang ganito pala ang tipo mo.”

Sinubukan kong huwag magpaapekto sa sinabi ni Lance. Baka nagsisinungaling siya. Hindi. Tiyak na nagsisinungali
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status