Share

Chapter 4: Section White

Keira/Ace POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa gwapo kong mukha. Tumayo na ako at nag-inat. Pagtapos ay dumeretso ako sa bathroom at ginawa ang routines ko.

I wore a black denim pants, and dark red T-shirt. Black rubber shoes and finger-combed my hair. Ang gwapo ko talaga.

Lumabas na ako at dumeretso sa dining area. Nandoon na sila at ako nalang ang hinihintay.

"Good Morning Mom, Dad." I greet them but ignore the others, Icean and Iceon.

"Good Morning anak." Bati din nila sa kin. Umupo na ako at kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay tinanong ako ni Mom.

"Anak, papasok ka na ngayon sa paaralan. Okay lang ba sayo?" Tumango ako at nginitian si Mom. May laman bibig ko at saka, sinabi ko na kagabi pa.

"Mag-iingat ka do'n. Sasabay ka sa mga kuya mo." She said. Nabulunan ako don sa sinabi nya, dali-dali akong uminom ng tubig.

The f*ck? Ako? Sasabay sa mga unggoy na 'to? No way. Ang kapangitan nila ay parang virus, nakakahawa. Ayaw ko, baka pumangit din ako.

"Haha! Ang harsh mo naman anak, sasabay ka lng sa kanila hanggang school." Natatawang sabi ni Mom.

Then again, I forgot to block my mind and she heard my thoughts again. Next time, I'll make sure to block my mind so no one will read it.

"Wala na ba akong choice?" I asked.

"Haha wala na anak." Sabi ni Mom. I just pouted my lips.

~

"Mag-iingat ka doon anak. Kayo, Icean at Iceon, rotektahan nyo ang kapatid nyo!" Baling ni Mom do'n sa mga Monkey.

"Tsk! /Tch!" Sabay na asik nung mga unggoy. Tsk kaya ko naman protektahan sarili ko, hindi ko sila kailangan.

"Bye Mom, Dad." Kumaway ako sakanila gano'n din sila. Umandar na ang karwahe. Marami kaming nadadaanan na mga bayan at ang ganda ng tanawin! Iba‘t-ibang kulay ang mga dahon ng puno at iba‘t-ibang bulaklak! Ang ganda!

After couples of minutes dumating na kami sa School, ang bilis ‘diba? May magic ei. Bumaba na ako ng karwahe at pinagmasdan ang school. Malaki at maganda, madaming nagliliparan na butterflies at wow! Fairy! Pumasok na kami sa gate. Maraming nagkalat na mga students. Pumunta na ako sa deans office, no need to ask them where, may magic naman ako.

"Hi dean!" Bati ko sa dean. Humarap naman sa akin ang dean and— wow! Ang ganda niya.

"Hmm Hello Ms— I mean, Mr.Ace Alex Glacies." Sabi nya. Yieeee kilala niya ako. Stalker ba siya? Ayiee crush yata ako ni Miss Dean.

"Uhm Hi Beautiful Dean. Uhm single ka ba— I mean kukuhanin ko ang puso mo— I mean yung schedule ko kung kelan ako pede manligaw— ehem! Yung schedule at dorm key hehe." Sabi ko at tumitig kay Miss Dean.

"Here Prince Ace, welcome back." Inabot niya na sa akin ang kailangan ko. Kinuha ko ito at sinadya ko talagang hawakan ang kamay n'ya, ang lambot.

Nginitian ko s'ya bago umalis. Pumunta na ako sa Room ko which is Section White. Section White is the lowest section which is for weak. They said, mga hindi marunong makipaglaban, hindi pa alam yung magic na taglay at mahihina ang loob. Iyon daw ang Section White.

Do'n daw ang section ko kasi weak daw at maarte ako. Tapos hindi ko pa daw napapalabas ang magic ko. Tsk ano ba naman tong dating may-ari ng katawan na ‘to! Grabe ang weak!

Nasa tapat na ako ng room ko. Ang tahimik naman sa loob ng room. Binuksan ko na ang pinto, yes bukas agad! Walang katok-katok.

Napatingin naman sila sa akin. Ang gwapo ko talaga, lahat napapalingon dahil sa taglay kong kagwapuhan.

I found Ace's seat which was at the back, beside the window. I can feel their stares like they're waiting and watching my every move. I sighed internally, ang gwapo ko talaga.

Umupo na ako at hinintay ang teacher. Ramdam ko pa rin ang titig nilang lahat sa akin.

"Oh bakit kayo gan'yan maka-tingin? Gwapo ko ba? Tsk tsk tsk hayss ang gwapo gwapo ko talaga! Na-in love na ba kayo sakin?" Tanong ko sa kanila, biglang nagsi-iwasan ang iba.

"Hindi ah!"

"Ang feeling!"

"Ang hangin mo!"

"Luh may bagyo yata!"

"Ang lakas ng hangin!" Kaniya-kaniya nilang sabi na parang pinaparinggan ako.

Huh? Ako ba yung mahangin? Hindi kaya! Totoo ng sinabi ko, ang gwapo-gwapo ko. Ayaw lang nilang aminin.

"Huwag na kayo mag-deny, just admit it. I'm so gwapo." I said and finger-combed my hair. Sabay-sabay silang ngumiwi at umiwas ng tingin.

Someone talked to me.

"Princess Ace—" I immediately stopped her.

"Hindi ako prinsesa! Lalaki ako, hindi ba? So everyone, from now on you all will call me Prince! Understand?!" I yelled at them with my eyebrows meeting.

Tumitig sila sa akin na parang nakakita sila ng multo. Well, I can't blame them. The real Ace is a gay.

"So?! Understood?!" I repeated. Mabilis silang tumango kaya tumango rin ako.

Dumating na ang teacher kaya umayos na ang lahat. Halos kuminang ang mata nang makita ang teacher, ang ganda niya! Tapos ang sexy pa. Hindi naman revealing ang suot niya, long sleeve tapos hanggang tuhod ang palda, pero hapit kaya litaw ang curve niya.

"Good morning mga anak." Bati niya sa amin. Ah~ parang may anghel.

Nag-discuss na siya pero ako, heto, nakatitig lang sa maganda niyang mukha. Marunong naman akong rumespeto, kaya mukha lang. At saka, ang turing niya sa amin ay parang anak niya. Mabait siya, I can sense it.

The bell rang making my eyebrows met. Iba kasi ang tunog ng bell, parang yung sa church, malakas at mabagal. Weird tuloy para sa akin. I just shrugged it.

Tumayo na ako ngunit napansin ko na hindi tumatayo ang mga classmate ko. May iba sa kanila na may kinuha na baon nila while the others are just chatting.

"Bakit hindi pa kayo lumalabas? Lunch na." Sabi ko habang tinitignan sila ng nagtataka.

"Hindi tayo p'wedeng pumunta sa cafeteria, remember?" Napatingin ako sa isang babae dahil sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Bawal tayo dahil sa away na nangyari sa pagitan niyo at ni Princess Melody." Sabi niya ulit. Pinagmasdan ko siya, kulay blue ang mata at buhok niya.

"Bakit?"

"Hindi mo ba natandaan?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Bakit?"

"Nawalan ka ng alaala?" She asked again.

"Ewan. Bakit?"

She rolled her eyes. "Puro ka bakit! Heto ah, makinig ka!"

I nodded my head vigorously.

"Ay wait! P'wede magpakilala muna kayo?" Sabi ko. Nasa 17 lang yata sila, 8 na babae at 9 na lalaki

"Ako muna! Ako muna! Hihi ako si Jasmin An, 15!" Sabi nung babae na may lollipop sa bibig. Ang bata niya pa and looks childish. Kulay blue ang buhok at mata n'ya.

"Ako si Lorraine! 17 years old." Sabi nung babae na mataba yung pisngi. Miss Cutie! Kulay red ang buhok at mata niya tapos mapupula rin ang labi at pisngi n'ya! Ang cute.

"Ako si Stephanie, 16 years old." Sabi nung isang babae na nerd at brown ang buhok at mata niya. She looks like a nerd because of her glasses tapos nakatakip ang mukha niya ng buhok niya pero ang ganda niya!

"Stacy ang pangalan ko, 16 years old din, kakambal si Steph." Sabi nung babae na maganda! Magka-muka sila ni Stephanie pero nerd si Steph.

"Hi! Ako si Shaira! Hihi 16 years old." Hyper na pakilala nung isang babae na may gray na mata at buhok. Ang ganda, fierce ng itsura niya but she actually like a cute child.

"Ako si Shaina, 18 years old, kapatid ni Shai." Sabi nung babae na gray din ang buhok at mata. Magkahawig nga sila ni Shaira pero mas mature at fiercer ito.

"Ako po si Rhianne July, 16 years old." Sabi nung babae na kulay blue ang buhok at mata. Maganda din sya at cute. Siya yung kausap ko kanina.

Hehe Hi July! Ako si August.

"A-ako s-si Kelly Mace, 16 years old." Sabi nung babae na mukhang mahiyain. May gray na mata at buhok. Ang cute niya, gosh!

Ang gaganda at cute nila. Kung nasa mortal world lang sila, baka maging sikat sila in an instant.

"Prince Ace! A-ako si Erman, 17 years old." Sabi nung lalaki na nerd. Mayroong brown hair and eyes. He's handsome but the thick glasses and that aloof hair style is blocking his looks. Iyong buhok niya ay medyo mahaba at may bangs din siya na nakatakip sa mata niya.

"Ako si Louise, 17 din." Blue hair and eyes guy. Matangkad siya at pogi rin pero ang baduy niya manamit. Loose tee, maluwag na pants, belt, black jacket at simpleng slippers lang. Pero if tititig ka sa mata niya, it was freaking seductive.

"Ako naman si Paul, 17 din." Gray hair and eyes guy. Mukha siyang serious at hindi ngumingiti kaya nagmumukha siyang mature lalo na at hulma na ang jawline niya. Sana all.

"Ako si Albert, 17" Nerd na may red hair and eyes. Bagay sa kaniya ang glasses kasi hindi katulad ng iba na makapal. He's handsome huh.

"Ako si Jasper, 17. Big bro ni Jasmin" Sabi nung lalaki na may kulay blue na hair at eyes. Medyo hawig nga sila. Mukha siyang cold and aloof, laging may book na dala at doon lang nakatuon ang attention niya.

"Ako si Lorrence, 17, twin ni Raine" Sabi nung red ang buhok at mata. Ang fierce ng itsura niya dahil sa red eyes niya. Seductive and playful, but he's cold.

"Kenneth Mack, 18, big bro ni Kelly" Kulay brown ang hair at eyes at medyo hawig ni Kelly.  He smiled at me at continue what he was doing, I think artist 'to kasi may nid-drawing siya.

"Rhonnie June, 18, big bro ni July haha" Blue hair and eyes. His blue hair that matches the color of the sky and his seductive blue eyes that match the deep ocean that will make you hypnotized. Parang bad boy siya sa suot niya.

Nakatanggap naman sya ng batok muna kay Rhianne.

"Huwag mo ‘kong tawaging 'July', Kuya June!" Singhal sa kaniya ni Rhianne at diniinan ang 'June'.

"Haha okay okay, chill." Natatawang sabi ni Rhonnie.

"Ice, 17" Malamig na sabi nung lalaki na kulay White ang buhok at mata. So, halata naman sa pangalan niya ang personality niya, Ice.

Well yes, gwapo naman sila pero mas gwapo pa rin ako.

"Ah okay." Maikli kong sabi

Kaniya-kan'ya naman silang react like, 'Ang haba daw ng sinabi ko',  'Wow! Galing! Note the sarcasm', 'Nagtitipid ka ba?' and many more.

Haha bakit ba? Gwapo ako ei.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status