Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve."Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid."Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko.She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita."Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng
Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling." Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil naka
"Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka." Nahihiyang tumalima ako. "Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles. Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko. "Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan. Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito. "Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito. " Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita k
"Ikaw, mabagal! Ikaw, sayang bayad ko sa'yo! Ikaw, bilis galaw!" Nakapameywang na nagmamando si Mrs. Chua habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagkuskos ng bawat babasaging pinggan na hinuhugasan ko. Sinusubukan kong bilisan pero hindi ko magawa dahil sa pag-iingat na makabasag ako. Balita ko pa naman ay sobra kung kumaltas sa tuwing may masisira o mababasag na gamit dito sa restaurant. Asawa si Mrs. Chua ng may-ari nitong restaurant na napasukan ko. Simula ng tagpong iyon sa club ay sinikap kong maghanap pa rin ng mapapasukan. Ayokong umabot sa puntong maghuhubad ako para lamang mag-uwi ng pera. At dito nga sa Chinese Restaurant na ito ako natanggap. Maliit ang pasahod pero pwede ng pagtiyagaan. Ngunit umpisa pa lang ng pamamasukan ko dito ay napakainit na ng dugo sa akin ni Mrs. Chua. Panay rin ang sulyap sa akin ng asawa nito kaya iniisip kong baka iyon ang dahilan. Hindi ko na lamang pinapansin dahil baka mali ako ng iniisip. Kailangan kong kumita kaya ka
" Ladies and gentlemen, the newest and hottest gem of Club Caelibem, please welcome...Iluminara!" Bumagsak ang kurtinang nagkukubli sa akin. I sexilly glided my way towards the middle of the stage. A slow music is filling up the air. Wearing only a very revealing two piece underwear covered in dazzling gems, I started to sway my hips and move my body in the most sensual way. Ramdam ko ang pagsunod ng nagbabagang tingin ng bawat kalalakihan habang umiindayog ako sa nakakaakit na paraan. Pero ako, malamig pa sa yelo at walang emosyon ang mukha habang gumigiling sa musika. Isa-isa kong sinisipat ang bawat mukha ng mga lalaking tila asong naglalaway na akala mo isa akong napakasarap na putahe sa kanilang harapan. There were some in their business suits and expensive clothes. All kinds of men that comes from a different walks of life. But mostly are rich looking businessmen. Lahat sila ay nakahandang magwaldas. Lahat sila naghahanap ng panandaliang aliw. Lahat sila ay may iisang
" Sa ngayon ay stable ang pasyente. Pero Miss Delavin, agarang operasyon ang kailangan ng kapatid mo. Hindi na biro ang kalagayan ng puso niya at maari na niyang ikamatay sa susunod na mahirapan siyang huminga," pag-imporma sa akin ng doktor na kausap. " Magkano naman ho ang kailangan?" tanong ko. "Mga doctor, espesyalista, gamot, board at lodging, maaring abutin ng kalahating milyon pero hindi ako sigurado." Umiiyak na tinitigan ko si Agatha. Ang kapatid ko lumalala na pala aang nararamdaman ay hindi ko pa namamalayan. Kasalanan ko. Masyado akong naging okupado kaya nagkulang ako sa kanya. Dapat ay mas naging mapilit ako na patignan siya sa doktor. Ngayon ay nagdedelikado ang buhay niya. Napakalaki ng halagang kailangan para sa operasyon niya. May naitatabi pa ako pero hindi iyon sasapat. Saan ko kukunin ang kulang? "Hija, kunin mo na 'to," pukaw sa akin ni Nana Salve. Nanghihinang napayakap ako sa kanya. " Salamat po, Nana." Mahina siyang tumawa." Walang anuman. Pa
Naninikip ang aking dibdib habang pilit na ikinakalma ang paghinga sa kabila ng magkakahalong pait, sakit at lungkot na pumipiga sa puso ko. All the pain in the past and all the misery of today suddenly seems like torture in the most excruciating way. Parang kanina lamang ay pipi kong inaasam na sana si Marcus na lang ang lalaking unang aangkin sa akin ngayong gabi. Even in the past few days, my thoughts were occupied by him. Inaasam ko na muli siyang makita pero hindi sa ganitong sitwasyon. Alam kong galit siya sa akin pero may puwang pa rin sa puso ko ang umaasang ang dating Marcus ang makikita ko. "Stop reminiscing about our past. Hindi mo na 'yon maibabalik pa. Make yourself useful. Afterall, I am paying you millions. Umpisahan mo na trabaho mo at huwag mong sayangin ang oras ko." His words are so sharp that it immediately pierce me through my heart. Huminga ako ng malalim. Sa kabila ng panginginig ng kamay ko ay kumilos ako at sinimulang maghubad. Taas noo. Not letting hi
Humihikbing bumuhat ako sa kama. Paika-ika akong gumalaw habang isa-isang pinupulot ang aking saplot at isinusuot. Tinungo ko ang nakapinid na pinto. Pero bago ako lumabas ay nilingon ko ang kama. Bukod sa matinding kirot na nagmumula sa kaselanan ko, ang pulang mantsang naiwan sa ibabaw ng sapin ay pruweba na wala na ang pinakaiingatan kong puri. Humigop ako ng hangin bago tuluyang lumabas ng silid. Makakalimutan ko rin ang gabing 'to. I should not make this as a big deal. I wiped my tears off and put my expressionless face on. Iniabot sa akin ni Madam Zorayda ay isang puting sobre pagbalik ko ng dressing room. Wala siyang salita pero ang mga mata niya ay puno ng pangkukutya habang nakatingin sa akin. Pumasok ako ng banyo. Ramdam ko ang panlalagkit kaya minabuti kong hugasan ang sarili. Napapangiwi pa ako sa sakit. Matapos ay nagpalit ako ng damit at nagpasyang bumalik na ng ospital. Wala pa ring malay at may oxygen mask na nakaratay sa kanyang hospital si Agatha. Sa tabi niy