Share

Chapter 02: A small Lie

Yamato Pov

Maaga akong nagising dahil sa pag iisip ng mga nangyari kagabi. Tsk! Bakit hindi siya.

Yamato! Gising kana ba! Tawag ni mama mula sa labas ng Kwarto ko. Opo ma! Sabi ko at tumayo na galing sa kama.

Naligo muna ako sa Cr tapos nag bihis ako ng uniform at inayos ko ang buhok ko. Bali hindi ko pa pala pinapaalam ang itsura ko.

Ang aking Buhok ay Kulay Yellow at may Kulay Green na mga mata. At makinis ang balat at sa madaling salita may itsura talaga ako.

Papasok ako! Sabi ko agad kila mama at papa ng ako'y bumaba galing sa itaas ng bahay.

Ah... Ganun ba sige basta mamaya bumalik ka ah hindi kasi pwede na wala ang lalaki sa pagkikita.

Sabi ni mama kaya naman kumuha ako ng tinapay na nasa lamesa at lumabas na ng bahay. Kailangan ko siyang makita at makausap.

Tumatakbo akong nakarating sa eskwelahan at nag suot ako ng pantakip sa mukha dahil baka may mga makakita saakin.

Pagdating ko sa Pinto ng classroom ay Pumasok ako habang hinuhubad ang Takip ko sa mukha.

Oh! Yamato Uemura ano ginagawa mo. Sabi ni Nisaka at napatingin naman sila saakin.

Bakit ka nandito diba nakakuha ka ng notice kagabi! Sabi ng isa naming classmate.

Mamaya pa naman yun Saka ko na iintindihin sabi ko at naupo na ako sa Upuan ko.

Nag sasalita ulit ang classmate namin ng mapansin ko si Nejima na nakatakip ang ulo habang pumapasok.

Oh! Nejima ano ginagawa mo.

Tanong ni Nisaka. Diba nakuha mo na ang notice mo bakit nandito kapa! Tanong ni Nisaka.

Diba wala naman mag papakasal saatin kaya di ako sisipot! Sabi ni Nejima kaya nagulat kami lahat.

At sakto ng sabihin yun ni Nejima ay Kadarating lang ng Teacher namin. Agad siyang pinadampot ni Sir kaya naman natahimik ang Kwarto.

Mr. Uemura sumunod ka saakin. Bungad ni Sir saamin kaya naman tumayo na ako.

Mukhang pati ako ah! Sumunod nalang ako at hindi na nagpakaladkad sa kanila. Potek yan! Papalag ba ako kong dalawang malaking tao ang Hahawak.

Ikinulong kami sa iisang kwarto ni Nejima at kinausap ni Nejima si sir pero walang silbi.

Nakuha mo na rin pala ang notice mo! Biglang nabaling ang atensyon ko sa sinabi niya.

Oo kagabi lang! Sabi ko at naalala ko nanaman ang nangyari. Tsk! Kainis talaga. Congratulations! Sayo! Sabi niya at tila nalulungkot siya.

Wag ka ngang magsalita ng ganiyan ayaw ko rin nito at halata diyan sa lungkot sa mata mo. Sabi ko kaya naman nagulat siya.

Sorry! Tanging salita na narinig ko sa kaniya. Ayos lang yun! Sabi ko at biglang may huminto sa pinto at tinawag si Nejima.

Takasaki-San Sabi ni Nejima at bubuksan sana niya ang pinto. Wag mong bubuksan mag usap tayo sa pagitan ng pinto. Sabi ni Takasaki

Bakit ka pumasok?diba nakatanggap ka ng notice Dapat nanduon ka. Tanong agad ni Takasaki kay Nejima.

Kasi gusto ko makita ka at ano ba paano ba. Hayst! Basta ayaw ko makita ang napiling partner ko at hindi ako mag papakasal hangga't hindi tayo nakakapag usap.

Sabi ni Nejima kaya naman binuksan na ni Takasaki ang Pinto.

Nejima-kun ganito nalang isipin mo nalang na parte na ng nakaraan ang nangyari saatin kagabi puntahan mo ang mapapanga sawa mo at mag pakasal ka. Sabi ni Takasaki kay Nejima.

Sige sa susunod nalang! Huling sabi ni Takasaki at umalis na. Nakita ko naman ang reaksyon ni Nejima.

Teka may relasyon ba sila ng babaeng yun. Tsk! Red string of Science Bakit ganito ang epekto nito saamin.

Tsk! Agad lumabas ng kwarto si Nejima at palabas na ako nang makasalubong ko siya.

Nang mapansin niya ako ay tatakbo sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.

Mag usap tayo! Sabi ko at Ang kwartong pinanggalingan namin kanina ni Nejima ang tinungo namin ni Haruka.

Bakit Ano ba gusto mo pag usapan Tanong ni Haruka saakin.

Eh.. ano pa ba edi yong kagabi.

Tsk! Di ko yun matatanggap Haruka ikaw ang mahal ko ikaw lang ang gusto ko.

Sabi ko at Biglang Nag iba ang expresyon ng mukha niya at naging malungkot ito.

Bakit sa tingin mo ba gusto ko rin ito. Balik niya sa mga sinabi ko.

Ikaw lang din ang gusto ko makasama ikaw lang ang gusto ko pero hindi maaari dahil mayroon kanang mapapangasawa ayaw ko.

Sabi ni Haruka kaya naman tila may kong anong inis akong naramdaman.

Bakit susuko ka nalang ba Hindi mo ba ipaglalaban ang nararamdaman mo O nararamdaman natin sa isa't isa.

Sabi ko kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

Ganun ba yun kadali haruka? Tanong ko sa kaniya. Hindi! Hindi yun madali alam ko at alam mo rin Pero pero ang Goverme-.

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil Hinalikan ko siya sa labi niya.

Tumugon naman siya sa halik ko kaya naman ramdam ko nanaman ang pag lakas ng kabog ng puso ko.

Yamato! Mahal kita! Mahinang sabi ni Haruka at Ipinagpatuloy namin ang halikan sa isa't isa.

Makalipas ang ilang minuto ay Natapos na ang aming halik at ramdam ko ang nararamdaman niya Masakit pero Kailangan harapin.

Yamato! Sumipot ka! Pumunta ka sa Magiging partner mo! Sabi ni Haruka.

Naiyak nalang ako dahil sa nangyayari ngayon. Kung kailan kami na ang nagmamahalan nagkaganito pa.

Oo pupunta ako! Sabi ko at niyakap si Haruka.

Yamato-kun! Salamat! Sabi niya at Agad siyang umalis. Habang umiiyak.

(*TimeSkip*)

Yun ang nangyari kaya nandito ako ngayon sa meeting place.

Nasaan na ang mga Uemura sabi ng isang babae at mukhang siya ang ina ng babaeng magiging kapareha ko.

Napansin ko naman ang Asawa nitong lalaki ay Umiiyak dahil siguro ang anak pa niyang babae ang pinili.

Good afternoon I'm the mother of Rumiko Harada. Sabi ng mama ng Babaeng naka arrange marriage sa akin.

Pumasok ako sa loob ng silid at nakita ko ang babae. Tiningnan ko siya sa mukha.

Hm... Cute siya ah! Sabi ko sa isip ko.

Pero yung mga mata niya parang sinusuri ako. Kakaiba to ah! Naka all black siya tapos ang Yellow niyang buhok at Blue na mga mata.

Ipinapakilala ko nga pala ang nag iisa kong anak si Yamato Uemura

Pag papakilala ni mama saakin sa pamilya Harada.

Ito naman ang nag iisa naming anak si Rumiko Harada. Pag papakilala naman ng nanay ni Rumiko.

Medyo nakakailang lang kasi ganito ang pwesto.

Harada's Father[]Eumura's Father

Harada's Mother[]Eumura's Mother

Rumiko[]Yamato

Hindi naman sa panget siya pero kung makatitig parang mangangain eh.

Nanlilisik ang mata tapos sa tuwing iiwas ako ng tingin Nagagalit ano ba trip nito.

Maya maya pa ay bigla niyang ibinato ang suot niyang kulay itim na damit.

Kong hindi mo ako kayang titigan Hindi Ko gugustuhin maikasal sa tulad mo.

Bigla niyang sinabi kaya naman nagulat sila mama lalo na ang mga magulang ni Rumiko.

Nag walk out si Rumiko at ako naman ayun sundan ko daw.

Kung hindi ko lang kailangan ito eh! Ano ba problema ng isang iyon.

Kasalukuyan ko siyang hinahanap ng mapansin ko ang isang kwarto na nakabukas.

Pinuntahan ko iyon ay tinawag ang pangalan niya. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Rumiko na umiiyak.

Paalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin papasok sa kwarto.

Kaya napapikit ako at pagmulat ko ay nakapatong na ako sa katawan ni Rumiko at nabuksan ang Damit nito at kita ang Malaki nitong dibdib.

Kaya napasigaw siya sa gulat.

Agad akong umalis sa pwesto namin nayun.

Sorry! Pang hingi ko nang tawag sa kaniya. Wala yun! Sorry din sa inasta ko kanina. Paghingi rin niya ng tawad.

Pasensiya na nasira ko yata yang damit mo! Sabi ko at Hinubad ko ang Itim kong polo kaya naman naka White T-shirt nalang ako.

Salamat! Sabi niya at isinuot niya ang polo ko.

Sa palagay mo maganda ba ang ganitong Sistema? Tanong ko sa kaniya. Ang tinutukoy mo ba ay ang mga Taga Goverment. Sagot niya saakin.

Oo Sila nga! Sabi ko at naupo sa malambot na kutchon nasa silid kasi kami ng Mga Kutchon ganun.

Tanong ko lang masaya ka ba sa ganitong paraan? Tanong ko kay Rumiko.

Hindi malamang! At saka hindi ko gusto ang mga nangyayari saakin ngayon. Sabi niya kaya naman nakaramdam din ako ng kaunting Insulto dahil sa sinabi niya.

Hmp.. Wag kana magalit dyan kagaya mo rin ako ayaw ko. Sabi ko kaya naman napatingin siya saakin at parang nag ningning ang kaniyang Asul na mata.

Bakit naman naging pareho tayo. Tanong ni rumiko saakin. Nakakahiya eh! Wag nalang! Sabi ko

Sabihin mo na! Di naman ako magagalit! Sabi niya at nangungulit pa.

Hm... bago kasi ako makakuha ng notice. May babae na akong minamahal. Siya si Haruka Okimura

Sabi ko kaya naman nagulat siya pero yung gulat niya ay yung hindi galit kundi parang nag ningning pa ang mga mata.

I kwento mo nga ang Love story ninyo. Sabi ni Rumiko kaya naman bigla nanaman akong nahiya.

Dali ikwento mo na! Pakikiusap saakin ni Rumiko kaya naman sumenyas ako na Oo na Mag sasabi na.

Agad siyang Nanahimik at tila hinahantay ang mga sasabihin ko. Nagsimula ang lahat ng makita ko siyang naglalakad sa kasagsagan ng ulan.

Wala kasi siyang payong ng mga panahon na iyon kaya naman isinilong ko siya payong ko.

Oh.. tapos - Rumiko

Ganito kasi yun ng mga oras din nayun ay nilalagnat pala siya at basang basa na siya dahil sa Ulan.

Malamang umuulan nga diba- pamemelosopo ni Rumiko.

Tapos yun nga binigay ko noon ang Panyo ko sa kaniya tapos ipinahid niya sa kaniyang katawan hanggang sa makarating na kami sa Bahay nila.

Hmm! So yun naba! - komento ni Rumiko.

Hindi pa ako tapos wag ka muna sumingit.

Sabi ko kaya naman nanahimik siya muna.

Pagkahatid ko sa kaniya ng araw nayun ay nagpasalamat siya saakin. Kaya nakaramdam ako ng kakaiba noon sa puso ko parang nabihag na niya ako noong araw nayun..

Sabi ko kaya ang mata ni Rumiko ay nag ningning.

Kyah...talaga..... Sabi ni Rumiko at halata na Naiintidihan niya ang kwento ko.

Lumipas ang limang taon nasa iisang school lang kami syempre lagi ko na siyang sinusundan tila naging stalker na ako kakasunod sa kaniya.

Sa paglipas ng panahon marami na ang pinagbago niya.

Humaba ang kaniyang pulang buhok hanggang beywang at mas kuminis ang kaniyang balat kesa noon at ang kaniyang brown na mga mata ay bumabagay sa kaniyang kagandahan.

Sikat siya sa dati niyang classroom dahil isa siyang honor student ng section nila. Lumipat siya ng aming classroom dahil sa mga marka na nakuha niya.

Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sa kaniya.

At kinabukasan ay huling araw na ng pagiging 15 ko kaya naman kinailangan ko na maging akin siya kaya gumawa ako ng paraan.

Nakipag kilala ako at pinaalala na ako ang batang lalaki na tumulong sa kaniya noon.

Kaya lang sabi niya hindi niya ako naaalala kaya naman nakaramdam ako ng Masakit sa puso ko pero hindi ako Nagpatalo at sinabi ko  noon na magkita kami sa park ng 6:00 ng gabi.

Naghantay ako noon hanggang sa umabot ng 10:00 ng gabi.

Paalis na sana ako dahil nawalan na ako ng pag asa ng bigla siyang dumating.

Ano tapos ano na nangyari! Sabi ni rumiko kaya naman napa lalim ang paghinga ko.

Nang dumating siya ay nag-usap kami agad at lahat ng mga kwento ko ay naaalala niya.

Mga araw na magkasama kami sa mga activity noong middle school at yung nangyari ng araw na umuulan.

Lahat - Lahat naaalala niya kaya naman labis ang kaligayahan ko dahil naaalala niya ako.

Kaya naman nagtapat na ako ng nararamdaman at sa di ko inaasahan ay may gusto din pala siya saakin kaya niyakap ko siya.

Hanggang sa sabihin niya na mag kiss kami at nangyari nga.

Sabi ko sa buong nangyari saamin na pinakamamahal ko at nakita ko ang mukha ni rumiko na parang mas tumingkad ang pag ningning.

Kyaa..... Talaga hinalikan mo na siya Yieeee nakakakilig naman love story ninyong dalawa. Sabi ni rumiko.

Siguro ok na yung kwento ko. Sabi ko at tatayo na sana ng magsalita siya gusto ko siyang makilala sabi niya kaya naman nabigla ako.

Bakit gusto mo siyang makilala? Tanong ko sa kaniya. Wala lang susuriin ko lang siya bakit masama ba. Sabi niya saakin.

Hayst... sige gawin mo ang gusto mo. Sabi ko at palabas na sana ng kwarto ng maalala ko ang sabi ni papa.

Tsk! Naman oh!. Halika na hinahanap kana ng mga magulang mo. Sabi ko at agad kong inablot ang Kamay niya palabas ng kwarto.

Huy dahan dahan lang nasasaktan ako ah! Sabi ni Rumiko kaya naman Binagalan ko lang ang paglalakad. At ang mga kamay namin ay magkaholding hands.

Nakarating kami kong saan nakapwesto sila mama at mga magulang ni rumiko ng bigla kaming picturan ng Camera man..

Kaya napicturan kami na magkaholding hands.

Nice shot! Bagay kayong couple sabi ni manong kaya naman Nabitawan ko bigla ang kamay ni Rumiko.

Aalis na po ako. Pagpapaalam ko sa kanila ng bigla akong tawagin ni Rumiko.

Mag kita tayo mamayang hapon sa school. Sabi niya kaya naman tumango nalang ako.

Agad akong umalis at naglakad pabalik ng school. Tiningnan ko ang phone ko. Kasi nakita ko rin na gamit ni mama ito.

At sa aking hinala may picture nga namin ni Rumiko sa phone ko. 65% nalang ang battery naman oh! Naglakad nalang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa school.

Agad akong pumasok sa school at marami pa silang narito. Lalo na ang grupo ni Yukari Nejima.

Oh.. guys ano pinagkakaguluhan niyo. Sabi ko kaya naman hinatak ako ng malaki naming kaklase..

Bro tingnan mo ang fiancee ni Nejima grabe ang cute. Sabi niya kaya naman nakisilip ako.. Hmp pink ang buhok at naka pony tail siya at hmm cute nga.

Maganda rin pala ang kapartner mo. Sabi ko kay nejima kaya naman napatingin siya saakin at may sasabihin sana siya ng makita niya sila takasaki at ang iba pa at lalo na ako dahil kasama niya si Haruka.

Takasaki-San! Sabi ni Nejima pero napansin niya ang aura ni Nisaka.

Huh!bakit? Nagtatakang Tanong ni Misaka.

Wala lang gusto lang kitang Asarin.. Sabi ni Nisaka kaya naman napalunok si Nejima. Alam ko na may relasyon din sila ni Takasaki.

Umalis na si Nisaka nang ako naman ang lapitan ng mga kaibigan ni Nejima. Hanggang sa buklatin nila ang phone ko.

Wow Bro ito ba siya.... Sabi ni Takeda at ipinakita kila Nejima ang Picture namin ni Rumiko.

Ano name niya! Tanong pa nila kaya naman sinagot ko na.. Rumiko Harada! Sabi ko

Umalis na muna ako ng room dahil mag hahapon na. Mag kikita daw kami ngayon ni Rumiko pero bago yun hahanapin ko muna siya.

Hmm.... nag hanap ako ng mga kapareho ng Uniform niya hanggang sa makarating ako sa 2nd Year high school.

Hanggang sa makarating ako sa Section one dahil matalino siya. Nakita ko na may teacher pa sila kaya naman naupo sa gilid ng classroom nila.

Nag hantay pa ako ng ilang minuto ay naglabasan na sila. Hanggang sa makita ko na siyang Lumabas.

Harada-San Tawag ko sa kaniya at tinawag niya rin ako.

Eumura- kun Sabi niya at lumapit na saakin. Sabi na nga ba dito lang ang classroom mo. Sabi ko at naglakad na kami palabas.

Nagka usap kami hanggang sa  nakita ko si Haruka. Huy nakikinig kaba? Tanong ni rumiko.

Nandito siya! Sabi ko kaya naman napalingon si Rumiko sa tinitingnan ko...

Yung babaeng Pula ba ang buhok. Sabi niya kaya naman Sinabi kong oo.

Agad siyang nagpunta sa harap ni Haruka. Hindi ko narinig ang sinabi ni Rumiko pero napatingin saakin si Haruka.

Nag punta kami sa Wc Donald's para mag usap ang dalawa. Hanggang sa Makita ko si Nejima.

Naupo ako sa may harapan niya kaya naman nagulat siya.

Oh! Narito ka pala.. Sabi ko kaya naman napa oo siya. Mukhang nag uusap sila noh!sabi ko kaya naman nanahimik lang kami para pakinggan ang paguusap nila.

Pinakinggan ko ang lahat ng pinag usapan nila. Grabe kaya pala ako nagustuhan ni Haruka dahil sa green kong mata.

Nakalipas ang ilang oras ng pag uusap ay natapos rin. Wala na rin pala sila Nejima at ang kasama niyang dalawa.

Agad lumabas sila haruka at Rumiko. Ng umalis si Haruka ay lumabas na rin ako.

Grabe yun ah! Sabi ko at humarap saakin si Rumiko. Nakita ko siyang umiiyak.

Huy ano nangyari sayo sabi ko at kukuha na sana ako ng panyo ng punasan na siya ito ng kamay niya.

Sa unang pagkakataon nagkaroon ako ng kaibigan. Sabi niya habang umiiyak.

Ang ganda ng love story ninyo. Please Sundin mo ang sasabihin ko Halikan mo pa si Haruka ng isa pang beses please.

Sabi ni Rumiko kaya napa pace palm ako.

Eh?

:To be Continued:

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status