Share

CHAPTER 4

CASSY

GABE na nang dumating kami. Sarado pa ang bar at halata ngang hindi pa ito nabubukasan. May dalawang guards na bumati sa amin.

Agad akong yumuko dahil ayokong nakikilala ako. At isa pa, natatakot ako na baka mamaya n’yan ay kilala nila si Don Alfonso.

Iba talaga ang ibinigay na trauma sa akin ng matanda na ‘yun.

“Cassy, ako na ang bahala sayo. Ituring mo ng bahay ang tinutuluyan ko okay?” ani Ate Diane na nagpabalik sa aking huwesyo.

“Salamat ate. Makakaasa po kayo,” sagot ko nalang.

Sa likod kami dumaan. Ang hassle rin kasi kung sa harap pa. Pagkapasok namin sa likod ay dumaan kami sa isang hallway. Naglakad pa kami ng ilang hakbang bago marating ang pintuan kung saan may daanan pakaliwa at kanan.

Bale, ang kuwarto ni Ate Diane ay kaharap din ng pintuan sa likod.

“Yung sa kanan, for CR and our mini kitchen here. While dyan sa kaliwa naman, yan yung papunta sa bar na mismo,” paliwanag ni Ate Diane.

Nahalata ata nito yung paglilibot ng mata ko.

“Ang lawak po pala nito.”

“Yeah. Kaya dalawang palapag ito. Sa taas naman ay may mga rooms kung saan may mga VIP rooms kung saan puwedeng makipaglabing labing ang mga mabibigat na client,” pagmamalaki pa nitong sabi.

Nagsalubong ang kilay ko. Kung ganun, di pala ito bago. Kasi bakit may mga pa-VIP na? Ayokong mang judge. Nagiging observant lang ako.

Hindi ako nagpahalata. Kailangan kong maging alerto sa mga nagaganap sa paligid ko.

“Magaling po kayong magpatakbo ng negosyo ate,” sabi ko nalang para di siya makahalata.

“Of course. Kaya marami rin ang kikitain mo kapag nagbukas tayo.”

Pagkapasok namin sa room ay may queen size bed doon. Marami rin fluffy things na dekorasyon sa kuwarto na kulay pink. Kagaya ng carpet, curtains at kung anu-ano pang anik anik. Pati yung sofa na medyo may kahabaan ay may pagka-fluffy rin. Naisip kong doon ako matutulog.

Typical na pangbacklosh na tema ng kuwarto.

“So stress ang byahe. So before tayo magpahinga, we should eat na muna. I’ll order some food. Ano ang gusto mo?”

“Kahit na ano ate.”

“Sure ka?”

“Opo.”

“Okay. By the way, you can use any of my clothes at my closet. Maraming kakasya sayo dyan.”

Binigyan niya ako ng mga needs ko like tootbrush at tuwalya. May mga gamit na rin kasi sa banyo.

Masasabi kong ang bait talaga sa akin ni Ate Diane kaso, may bahagi sa puso ko na di ko kayang magtiwala.

“Sige Ate, maglilinis muna ako ng katawan.”

“Use this pajama,” anito na may inilabas na pajama sa wardrobe niya na kulay pink.

Mukhang hilig talaga niya sa color pink.

Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong naligo. Malawak ang CR at may malaking salamin din doon. May hot water kaya, magiging masarap ang tulog ko nito mamaya.

Nang maghubad ako’y nakita ko kaagad ang tattoo sa bandang balikat ko. Nakalimutan ko sana kahit papaano ang problema ko. Kaso, ang tattoong ito ang nagpapaalala sa madilim kong landas.

Kung saan naranasan kong bantaan ang buhay ko, makasaksi ng pinapatay na inosente at ginagahasa, tinotorture na kalaban at kung ano pa. Tiniis ko lahat ‘yun para sa buhay ko.

Akala ko nga’y pagttripan din ako ng ilan niyang mga tauhan. kasi walang gumagalaw sa akin. Not until nalaman kong, si Don Alfonso pala ang nakakursonada sa akin.

Naikuyom ko nalang ang aking palad sa galit. Lalo pa at gusto niyang ariin ang buhay ko na ako mismo ang dapat magmay-ari.

Bago pa ko tuluyan lamunin ng galit, ay minabuti ko ng tapusin ang pagliligo ko. Bukas muna ako mag-iisip ng paraan. Gusto ko na rin kasing magpahinga at matulog ng mahimbing.

Nang matapos ako’y pinatuyo ko ang buhok ko. May blower si Ate Diane kahit sa banyo kaya ginamit ko ‘yun. Habang ginagawa ko yun ay napansin ko ang buhok ko.

Bigla akong nakaisip ng bagong idea. Kaya mabilis akong nagbihis. Bago ako lumabas ay may narinig akong mahihinang boses. Boses ni Ate Diane kaso di ko maintindihan ang sinasabi nito sa phone.

Muli kong pinaanadar ang blower tapos, bumalik sa pintuan. Sinubukan kong pakinggan ang usapan nila sa kung sino man ang kinakausap niya sa cellphone.

“Basta, she’s beautiful and innocent. She’s worth it more than you know Mare. 3 months nalang ang bidding kaya aalagaan ko muna siya. Para mas lalong tumaas ang price,” tuwang tuwang sambit ni Ate Diane.

“Okay bye Sis. I’ll see you'll next week. Nang sa ganoon makilala mo ang manok ko,” paalam pa nito.

Napangisi ako.

Tama nga ang hinala ko. Wala siyang pinagkaiba sa mga nakasalamuha ko.

3 months daw. Ibig sabihin, may oras pa ako. Kung inaakala niyang maiisahan niya ako, puwes nagkakamali siya.

Gagamitin ko siya. Mukhang di naman ako mapapahamak sa kaniya dahil ako pala ang magiging manok niya sa mga hayok na matatandang negosyante.

Kagaya ni Don Alfonso.

Pinatay ko na ang blower at kunwari at lumabas sa kuwarto.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin habang malapad na nakangiti.

“Ayos lang po Ate.”

“Ako naman ang maglilinis. Pag may kumatok sa pintuan, buksan mo okay? Mauna ka ng kumain kung di pa ako nakakalabas ng banyo okay.”

Ngumiti ako at tumango nalang.

Nang makapasok na siya sa banyo ay nagmatyag muna ako. Hindi na ako naghalungkat kasi, ramdam kong may CCTV sa paligid.

Kailangan kong maging mautak. Umupo lang ako sa sofa habang napapapikit. Naalala ko ‘yung babaeng una kong na-encounter sa dyip.

Iyon yung nakapalagayan ko kaagad ng loob. Siguro, mabait din ang pamilya nila dahil napalaki ito ng maayos.

Sana magkita kami ulit.

Kapag kasi, kagaya ni Ate Diane ang mga tao na kahit nagpakita ng mabuting pakikitungo, kung di palagay ang loob ko sa kanila, di talaga ako magtitiwala.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan.

“S-Sino ‘yan?” paniniguro ko.

“Ma’am, andito na po ang ipina-deliver niyo.”

Agad akong tumayo at binuksan iyon. Si manong guard pala.

“Hi. Maganda gabe Miss,” bati niya.

Kaso di ko pinansin. Nang inaabot niya sa akin ang pagkain ay hinawakan pa nito ang aking kamay.

Nang matingnan ko siya’y malagkit ang tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na parang bang hinuhubaran niya ako.

Umigting ang bagang ko sa inis. Subalit, nagpigil ako.

Pinagbagsakan ko siya ng pintuan. Nakaka bwesit. Sarap sapakin. Wala akong balak sabihin ‘yun kay Ate. Ayokong magbigay ng problema sa kaniya.

Binuksan ko nalang ang pagkain at doon ko nalang itinoun ang atensyon ko.

—TO BE CONTINUE—

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status