Share

Chapter 58

Eliezah

ILANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla nalang itong humilab. Ang sabi ng doctor ko ay isa sa mga araw na ito ay manganganak na ako lalo pa at lumagpas na ako sa due date ko. Dalawang araw na ang lumipas. Ngumiwi ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko. Owshit!

Hindi ko maintindihan ang sakit. Parang kumakalat na ewan. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama ko para doon maupo. Kakaligo ko lang at marahil nagkakabag ako. Inabot ko ang Alcamporado oil sa ibabaw ng nightstand at saka naglagay sa kamay bago ipinahid sa tiyan.

Pero ilang saglit pa ay mas lalo lang itong sumakit at parang hindi ko na kaya. Tumayo ako pero natigilan rin ng bigla nalang may bumasa sa ibaba ko. Ano 'to? Naihi ako?

Kahit masakit ay pinilit kong lakarin ang distansya ng pinto at ng kama ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Stephanie.

"Stephanie!" namimilipit na sigaw ko. Humawak ako sa hamba ng pinto bilang suporta. Nang wa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status