I was taken aback at his stance actually. Unang-una, masyado siyang malapit, hindi ako makahinga. Pangalawa, nakaka-mesmerize ang mga mata niya. At pangatlo, wala na akong kawala sa paghingi niya ng tulong. Hindi na ako pwedeng tumanggi sa pagkakataong ito dahil may utang na loob ako sa kanya. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kaniya. Naiilang kasi ako. He even looks intimidating right this very moment. Gusto ko sana siyang itulak pero siguradong tatagos lang ang kamay ko."Haha! Does this perimeter bother you?" Nang-iinis pa niyang saad. Kumikinang naman sa kalokohan ang mga mata niya. Naiinis ko naman sinalubong ang mga mata niya. "Syempre hindi. Nakakatakot ka kasi," pagdadahilan ko nalang para mapagtakpan ang pagkailang ko.Tumawa siyang muli. "Paano naman ako magiging nakakatakot, aber? Do you think I have that disgusting wrecked face? You better check your eyes habang nandito ka sa ospital.""Siguro nga dapat na akong magpatingin sa mga mata. Nakikita kasi kita," naiinis kong b
"Seriously, Ino?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Cai. Nahilot ko nalang ang sentido ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ko na sa kanila na huwag ng ituloy ang paghahanap ng espiritista pero mukhang masyadong pursigido ang mga kaibigan ko na tulungan akong makakawala kay Cai. Panibagong buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Kung hindi siguro ako naaawa kay Cai ay baka pina-espiritista ko na nga siya."Jade, hindi ba napag-usapan na natin yan?" Nahahapong sabi ko dito."Pero Ino-""Thank you sa concern, Jade. Pero mas kailangan ko ng impormasyon ngayon," putol ko dito. "Ibababa ko na to nasa kalsada ako ngayon, eh. Sige na. Bye."Isinuksok kong muli sa bulsa ang cellphone ko saka hinarap ang masamang tingin ni Cai."Stop it, Cai. I already told them to stop. Hindi mo kailangang magalit dahil wala na akong balak na ipa-espiritista ka. Okay?" Dire-diretchong anas ko dito bago nagsimula ulit maglakad. Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Cai at iniwan itong nakatayo doon.Hindi
"One mocha latte for the beautiful lady?" Untag ni Caden ng makalapit sa akin. Hawak nito ang isang brown na tray na may laman na dalawang tasang latte at dalawang platito ng tig-isang slice ng cake. Nag-aya kasi siyang kumain sa isang kilalang fast food chain. Mas masarap daw kasing mag-usap habang kumakain. Sumama naman ako dahil baka mapakinabangan ko ang mga impormasyong sasabihin niya. Bahagya pa akong nailang sa pagkakasabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Kunwari ay hindi ko naintindihan. Hindi ko alam kung nagiging judgemental lang ba ako o sadyang nakakapanibago ang ikinikilos ni Caden. Though, hindi naman kami close pero iyong mga kilos niya kasi ay parang pinapahiwatig niya na may gusto siya sakin. Agad ko namang iniwaksi ang bagay na iyon. Hindi pwedeng magkailangan kami ni Caden dahil marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya. Aminado naman ako na gwapo si Caden pero hindi naman ako interesado doon. "Ah- di ka na sana nag-abala, Caden," nahihiyang bungad
"Ang sabi ni Caden, kapag daw yung spirit, nagcross over death, that's when he'll be able to regain his memories," paliwanag ko kay Cai. Nakatitig lang naman ito sa akin na para bang nag-iisip. "D'you mean, mamamatay palang ako kaya wala akong maalala?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Napangiwi naman ako sa naging reaction niya. "Maybe? Malay mo, in coma ka lang. Kaso…""Kaso ano?"Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nag-aalangan kasi akong sabihin sa kaniya dahil baka ikagalit na naman niya. "What, Ino?""Kung astral body ka lang, intact pa rin ang memory mo, yun ang sabi ni Caden.""So what am I then?" Tanong nito na hindi ko naman agad nasagot. Sa totoo lang kasi ay naguluhan din ako sa mga sinabi ni Caden. Lalo tuloy nagkabuhol-buhol ang mga bagay-bagay sa utak ko kaya ngayon hindi ko na alam kung ano ang uunahin. "Seriously, Ino. Inaya ka lang talaga ng Caden na yun para makadate."Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napakunot-noo. "At bakit naman niya yun gagawin, aber?"Nagki
“May problema ba, Ino?” nagtatakang tanong ni Merlin habang nagbabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa harapan. “Don’t tell us-”“No!” maagap kong putol kay Merlin bago pa makapag-isip ng isasabad ang dalawang nasa gilid ko. “Ahm, ano- mauna na kayo, may aayusin lang ako.”“Go, guys. Bago pa tayo maubusan ng mauupuan,” anas ko nang walang tuminag sa kanila. Hindi naman nagtagal ay napilitan na silang lumakad. Hinintay ko muna silang makalayo bago ko binalingan si Cai. Saglit din akong nagpalingap sa paligid para makita ko kung may nakatingin sa amin or most likely, sa akin. “Cai, sinabi ko naman na yung dahilan di ba?” halos pabulong na sabi ko. Kailangan kong hinaan ang boses ko dahil baka makatawag ako ng atensyon, isipin pa nila na nababaliw na ako. Matagal din akong tinitigan nito bago nagsalitang muli. Gusto kong haplusin ang braso ko sa lamig na nanunuot sa laman ko pero hindi ko ginawa. Pinanatili ko lang kay Cai ang tingin ko at nakipagsukatan dito. Hanggang ngayon ay h
Mabilis akong umagapay kay Merlin. Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang kinauupuan nila Jade. Excitement was written all over her face as she cheered for the team. Bago pa kami makasampa sa ikatlong row ng bleachers kung nasaan sila Jade ay biglang naghiyawan ang mga tao, lalo na sa gawi ng upuan namin, kasabay ng pagtunog ng buzzer na senyales ng break. Nagsipag tayuan pa ang iba na animo ay nagbubunyi na para sa Red Griffinth kaya’t napalingon kami doon ni Merlin. Noon ko nakita si Caden na nakakalambitin sa ring. Nang tignan ko ang score ay lumamang ng two points ang Griffinth na sumakto para sa pagtatapos ng first half. Marahil ay dahil iyon sa dunk ni Caden. Nang bumaba ito ay agad na sinalubong ng mga ka-teammates saka pinag-aakbayan bago pumunta sa upuan nito na malapit sa kinauupuan namin. Sakto sa paghupa ng hiwayan ang pag-upo namin sa bleachers. “Bakit ang tagal mo?” sita sa akin Jade.“Nagkaproblema lang pero okay na,” sagot ko dito. “Patas lang laban?”“Magalin
Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Hindi na din ako dumaan sa sizzlingan dahil siguradong hindi naman ako mapapakinabangan doon saka baka magsasara na si tita Hilde pagdating ko doon. Agad akong dumiretcho sa banyo at mabilis na naligo habang abala ang utak ko sa pagbabalik-tanaw sa nangyari sa maghapon. Parang may VTR sa utak ko na kusang nagre-replay ng mga nangyari. Naupo ako sa harap ng vanity table ko pagkayari kong maligo saka nagsuklay ng buhok. Nakatitig lang ako sa salamin habang pakiramdam ko ay hapong-hapo ako.Wala rin ako sa mood at hindi ko alam kung bakit. Nanalo naman sila Caden, kung bakit parang ang bigat ng nararamdaman ko. Dahil kaya sa ipinakita ni Cai kanina?Speaking of Cai, hindi ko na siya nakita mula pa kanina ng bigla siyang mawala sa game. Ayokong isipin na baka kung saan na siya nakarating. Ayokong mag-alala sa kanya dahil may kasalanan pa siya sakin. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Kahit naman gaano ako kagalit sa bruhong multo na iyon ay hindi ko pa ri
Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng nakakakilabot na lamig sa paligid na para bang senyales na umalis na ang mga ito. Gusto ko sanang alamin at tignan kung ganoon nga ang nangyayari pero ayokong idilat ang mga mata ko. Baka kasi katulad ito noong nasa horror film na kunwari nawala na ang mga multo tapos kapag binuksan ng bida ang mga mata nya ay biglang lalabas ang mga ito sa mismong harapan nito.Lalo akong nanginig sa isiping iyon, isama pa ang mga itsura ng mga multong iyon. Bigla ay parang gusto kong maiyak muli. Kung sana ay nandito si Cai para tulungan ako. O kung tutulungan kaya ako nito kung kasama ko siya? Sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan nagawa ko pa talaga siyang tawagin.Nasa ganoon akong kaisipan nang muling gumapang ang lamig sa balat ko. Hindi iyong lamig na katulad ng kanina, kundi iyong lamig na kilala na ng sistema ko. Unang nag-react ang puso ko bago ko pa nagawang imulat ang mga mata ko. Naroon sa harap ko at nakatayo ang lalaking kanina lang ay p