"Seriously, Ino? Skipping classes because of that?" Naiiritang bungad ni Merlin sakin pagkaupo sa tabi ko kasabay din noong ang pagbagsak nito ng ilang papeles sa kandungan ko. Sa totoo lang ay nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Masyado kasi akong okupado ng pagsusuyod sa mga librong hiniram ko sa library kanina. Hindi naman talaga sa nag-skip ako ng klase, nagkataon lang talaga na na-late ako ng pasok kanina dahil natanghali ako ng gising. Kaya imbes na pumasok ng late at mapagalitan ay naisipan ko nalang na manghiram ng libro sa library at dito magbasa sa leisure park ng school na malapit sa soccer field. Tahimik kasi dito kanina. Umingay lang ng magsidating ang mga soccer players at mga fans nila. Natamad naman akong lumipat ng ibang lugar kaya minabuti ko nalang na dumito. Medyo mapuno kasi itong lugar at naka-bermuda grass pa kaya masarap magpalipas ng oras at sumalampak sa damuhan. Isa pa ay pagkakataon ko na rin ito para mapahinga dahil wala akong kabuntot na bantay. Nag
Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden. Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating. “Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari
"Ino, nasaan ka ba? Tulungan mo nga ako dito! Andaming customer dito hindi ka man lang tumulong!?"Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang pagbubunganga ni tita Hilde sa labas. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapairap sa hangin. Halos kadarating ko lang mula sa eskwelahan nang utusan agad niya akong maghugas dito tapos ngayon ay hahanapin niya ako. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil dito na ako dumiretcho. Napahugot nalang ako ng buntong hininga. Wala yatang araw na hindi ako binungangaan ni tita. Kung sabagay, maliit pa lamang ako ay ganoon na siya kabungangera. Ano pa nga ba ang aasahan ko?"Andyan na po!" Sagot ko. Kailangan kong sumagot kung hindi ay lalo niya akong pagagalitan pag hindi niya ako narinig.Mabait naman si tita Hilde. Sa totoo lang ay siya pa nga ang nag-volunteer na kupkupin ako noong mamatay ang mga magulang ko. Wala kasing ma
Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako habang naglalakad papunta sa sizzlingan ni tita. Galing akong eskwelahan at halos kakatapos lamang ng klase ko. Dapat nga ay hindi na ako papasok ngayong araw dahil sinabihan na ako ni tita na tumao muna sa tindahan pero nagpumilit pa din ako. Kahapon pa kasi nilalagnat si tita mula ng makauwi kami. Siguro ay nasobrahan ng pagod dahil sa dami ng customer kagabi. Biyernes din kasi kahapon, at kapag ganoong araw ay laging dagsa ang tao. Payday kasi ng mga empleyado.Halos lakad-takbo na ako makarating lang sa bus station. Kay ate Carin ko lang kasi ibinilin ang tindahan. Siya ang pinakamatagal na tauhan ni tita at isa sa mga tagaluto duon at siya rin ang mas pinagkakatiwalaan ni tita sa tindahan sa mga ganitong pagkakataon. Mas matanda siya ng ilang taon sa akin. Nang dumating ako sa munting kainan na iyon noon ay isa na siyang tindera duon. Maliit lang ang sizzlingan na iyon dati. Kung tutuusin ng
Pabagsak kong isinara ang pinto nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay. Wala na akong pakialam kung marinig man ni tita Hilde iyon o magalit siya, ang mahalaga ay nasa loob na ako ng bahay. May mga poon si tita ng mga santo kaya siguradong hindi na ako susundan noon dito.Halos hindi ako magkandatuto kanina sa kung ano ang gagawin nang makita ko ang multong yun. Basta tumakbo nalang ako ng tumakbo. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang, hindi na ako masusundan noon dito dahil bawal ang masamang espiritu dito. May mga poong magtataboy sa kanila. Hindi man kasing laki ng tao basta ang mahalaga, may bantay ang bahay namin sa mga ganoong bagay. Sana lang.“Ikaw na ba yan, Ino Salve?” Narinig kong sigaw ng tita ko mula sa kwarto niya. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot sa halip ay lumakad ako palapit sa tinted na bintana at unti-unting hinahawi ang makapal
"Uhm…"Wala sa loob na hinila ko ang kumot nang makaramdam ako ng matinding lamig na nanunuot sa buto ko. Wala naman kaming aircon pero ang lamig, sobra. Nakapikit na hinagilap ko ang kumot. Nang maabot ko iyon at maisaklob sa katawan ay saka ko iminulat ang mga mata ko. Kalahati lang iyon dahil antok na antok pa talaga ako. Medyo mabigat pa ang talukap dahil siguro sa kakaiyak ko din kagabi. Kung bakit ba naman kusang bumukas ang mga mata ko at natuon sa kulay puting bagay na tila ba nangingibabaw sa paligid na siyang bumungad sa harapan ko. Napatitig pa ako doon saglit dahil naglo-loading pa ang utak ko sa kung anong bagay ba sa kwarto ko ang pwedeng magliwanag na kulay puti. Medyo nangingibabaw pa ang kulay noon kaya't nakakasiguro akong may kadiliman pa rin sa labas.At dahil sa kalahating tulog at kalahating gising pa ang utak ko ay binalewala ko na lamang iyon at bumalik na sa pagtulog. Muli akong hinila ng antok ngunit bago pa man ako makabalik sa pagtulog ay nakaramdam ulit a
"Ino! Ino Salve!""Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga."Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi
"What?!" Mabilis pa sa alas kwatrong umusog si Jade kay Clint. "Wala naman," anas ko ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Jade. "Pero ang sabi nya ay babalik daw sya.""Oh my ghad!?" Muling napatakip si Jade ng bibig."So, lalake ba sya o babae?" Pagbabalik ni Merlin sa usapan."Lalaki-""Oh my ghad, Ino. Kailangan nating maitaboy yan, baka kung ano gawin nyan sayo lalo na pag tulog ka na. Baka mamaya gawan ka nalang nun ng masama. Just like those on the movies, yung pinagsasamantalahan nung multo yung tao," nahihindik na litanya ni Jade. Maya-maya ay tila wala sa loob na niyakap ang sarili na tila ba ini-imagine ang nangyari. Lalo tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. Na-i-imagine ko na rin tuloy yung eksena. "Magtigil ka nga, Jade," sita ni Merlin dito na siyang pumutol sa pag-iisip ko. "Kung ano-ano kasi pinapanood mo kaya kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tinatakot mo lang lalo si Ino, eh. Mas mabuti pa, maghanap nalang tayo ng espiritista na makakatulong kay Ino bago pa bum