Share

Chapter 5:

"Ming, matatapon ang sabaw," tinig ni Mamang na nagpakurap sa akin at pumukaw sa malalim kong pag-iisip.

Nilapitan ako ni Mamang saka nito kinuha sa akin ang mangkok na naglalaman ng sabaw. Inilagay niya iyon sa lamesa saka may pagtataka sa mukha nito ng ituon niya ang atensyon sa akin.

"Ayos ka lang ba anak?"

"O-opo, Mang. Kulang lang po ako sa tulog," sagot ko.

Hindi ko magawang salubungin ang mga mata nito. Hindi ko rin masabi sa kanilang gusto ko nang bumalik ng trabaho. Kakauwi ko lang kahapon at ang alam nila isang linggo ang bakasyon ko. Hindi ko pa kasi nasabing dalawang araw lang ang ibinigay ni Rex sa aking bakasyon.

"Umuwi ka nga dito. Pero nandoon naman ang isip mo."

"Ma--"

Naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang selpon sa bulsa ko. Nag paalam ako kay mamang bago sagutin iyon.

Lumabas ako ng bahay.

"Hello?"

"Hello, Ming!"

"Linda? Napatawag ka."

"Wala katatapos naming mananghalian kaya na isipan kitang tawagan."

"Ah, e, kumusta kayo diyan? si Aling loleng si B-Boss?"

" Hayyy! iyon nga kaya tumawag ako kasi may i-chi-chika ako sayo. Alam mo bang lasing na lasing si Boss kagabi tapos nag wala siya sa kwarto niya."

"Ganoon, e, bakit siya nag lasing?" lalo ko tuloy gustong bumalik na.

"Ewan ko. Pero binabanggit niya pangalan ni Ma'am Camille. Nag-away siguro sila."

Sa sobrang kalasingan niya kagabi, hindi niya namalayang ako ang tinawagan niya. Ano kayang nangyayari sa kanila? Hindi naman siguro nakikipagrelasyon si Ma'am Camille sa iba habang sila pa ni Rex.

"Ming?"

"Hah?"

"Kelan balik mo?"

"Mamayang hapon."

Pagkatapos naming mag-usap ni Linda ilang minuto pa akong tumunganga. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang makita ko si Mamang sa pintuan.

Mabilis ko itong nilapitan.

"Aalis kaba?" tanong niya agad pag-lapit ko. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko bang babalik na ako sa trabaho.

"Mamang, kasi po--"

"Tatawagan ko ang Papang mo para ihatid ka sa terminal," putol niya sa akin. Napangiti naman ako saka ko mabilis na niyakap si Mamang. Wala talaga akong maitatago sa kanya.

Bago pa gawing tubig ni Rex ang alak dahil sa problema niya sa pag-ibig. Babalik na ako at bilang nagmamahal sa kanya ng tapat kailangan nasa tabi niya ako. Hindi ko man alam kung paano ko siya dadamayan ang mahalaga naroon ako.

Hintayin mo ako, Boss.

***

Parang sinisilaban ang puwetan ko habang hihintay kong mapuno ang bus na sinakyan ko. Kung pwede lang mag teleport kanina ko pa ginawa. Iniimagine ko kung anong itsura ni Rex ngayon. Baka hindi pa iyon kumakain, o kaya naliligo. Lalo lang akong 'di mapakali sa kinauupuan ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ba hindi nauso ang teleportation machine para kung ganito na nagmamadali ang tao wala sanang problema. It's a matter of life and love ang sitwasyon ko ngayon kaya sana naman mapuno na ang bus. Kung marami lang akong datum babayaran ko na ang kulang para makaalis na ang bus kailangan na ako ng Rex ko.

"Ammm, Miss. Ilabas mo na iyan, hindi pa naman aalis ang bus. Baka sa daan pa lumabas iyan."

Lumipad ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa tabi ng kinauupuan ko. Seryoso ang gwapong mukha nito. Pero syempre mas gwapo pa rin si boss at saka anong sinasabi niyang ilabas ko na. Adik ata 'to? baka pinag kamalan akong diler ng droga. Jusko! Sa ganda kung 'to pagkakamalan pa akong drug lord.

"Anong sinasabi mo?"kunot noo'ng tanong ko bago ako sumilip sa bintana para alamin kung pumasok na iyong matabang driver.

"Di'ba natatae ka?"

Para akong nakikinig ng gasgas na DVD tape dahil iyong mga sinabi lang nito ang naririnig ng tenga ko. Naka-awang pa ang labi ko saka di makapaniwala na nakatitig ako sa kanya. Natatae, ako? kelan pa? adik yata talaga 'to.

"Adik kaba?" asik ko.

"Hah? hindi ah. Teka, lumabas kana at ilabas mo na iyan. Malapit ng mapuno ang bus mahirap ng matae ka sa biyahe."

"Hindi ako natatae!" inis na singhal ko sa kanya. Badtrip talaga! kung ganitong kanina pa ako naiinis sa tagal mapuno ng bus. Baka gusto ng lalaking 'to na paliparin ko siya palabas ng universe!

"Hindi ba? kanina kapa kasi di mapakali. Anyway, Can I seat here?" Tinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Kita mo makikiupo lang pala kung anu-ano pa sinasabi. Tumango nalang ako. Ngumiti naman ito bago umupo.

"I'm Patrick, You are?"

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko bago ako tumingin sa mukha niya. Mukha naman itong mabait at may itsura. Kung mukha siyang adik, hindi ko tatanggapin ang malambot niyang kamay.

"Ming," tinanggap ko ang pakikipag kamay nito. Walangya! halatang yayamanin ang isang 'to. Nakakahiya naman ang magaspang kong palad.

Lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya. Napansin ko naman na may dimple ito sa gilid ng labi niya. cute

Ilang minuto pa umandar na ang bus. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ming, Ming, Ming!"

" Hmmm, Boss.."

"Ming!"

"Dito ka lang boss," lalo kung hinigpitan ang pagka-kayakap ko kay Rex.

Heaven ang ganitong pakiramdam. Damang-dama ko ang mainit niyang katawan. Kaya lang bakit iba ang amoy ng pabango niya? Pero masarap pa rin ang amoy nito kaya okey lang.

"Ming, Gising na."

Huh? Bakit malambing ata ang boses ni boss?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong naaninag ang labing nakangiti na may... dimple? kelan pa nag ka dimple si R--.

Napaayos agad ako ng upo nang maalala kong nasa byahe ako. Pinahid ko ang gilid ng labi ko-baka may laway-saka ako nagpalinga-linga. Nakatigil na pala ang bus.

"Don't worry, hindi naman ako naubusan ng hininga sa sobrang yakap mo. And your cute, I enjoyed watching you sleep."

Namula ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Patrick. Nahihiyang tumingin ako sa kanya.

"Pasensya kana." nahihiyang sabi ko.

"Its okay paano ba-ba na tayo," aya niya na tinanguan ko naman.

Nakasunod ako sa kanya habang pababa kami ng bus.

Malapad ang naging ngiti ko nang tuluyan akong makababa sa bus. Sa wakas! isang sakayan nalang. Makikita ko na ulit ang pinakamamahal ko.

"Hey! Ming."

"Hah?"

"Ngiting ngiti ka ah. Mukhang excited kang umuwi."

Akala ko umalis na ang isang 'to.

Napakamot ako sa kaliwang pisngi ko, hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "Oo, na mi-miss ko na kasi asawa ko." Menus points na naman ako sa langit sa pagsisinungaling ko. Pero ang sarap lang sa pakiramdam na sabihin ang salitang 'asawa ko'.

"May asawa kana?"gulat na tanong nito.

Wow! Sa panlalaki ng mata niya akala mo naman hindi ako ka-asa-asawa. Hindi naman niya siguro iisipin'ng nagsisinungaling lang ako. Sa ganda kong 'to.

" Oo. Bakit wala ba sa itsura kong may magpapakasal sa akin?" hindi ko itinago ang inis na nararamdaman ko sa boses ko.

Teka nga. Kanina pa ako dito sa gilid ng daan pero wala pang tumitigil na pwede kong masakyan. Kung kailan malapit na ako saka naman natatagalan ang mga jeep rito.

"No. Akala ko kasi single ka pa... may plano sana akong ligawan ka." nabalik ang atensyon ko kay Patrick. Napakunot noo akong nang hindi ko gaanong narinig ang mga huling sinabi niya.

"May sinasabi ka?"takang tanong ko.

" I was saying if I can take you home. Don't worry, hindi ako magpapakita sa asawa mo."

Abah! naniwala nga ang loko. Dahil gusto ko naring makarating agad sa bahay ni boss pumayag na ako sa alok nito. Tutal siya naman ang nag prisinta lng ihatid ako.

Akala ko mang-aarkila ito ng taxi na sasakyan namin. Pero na gulat nalang ako nang may pumaradang itim na sasakyan sa harapan namin. Iyong lumabas na driver na tinawag ni Patrick na Jojo ay ibinigay sa kanya ang susi ng sasakyan. Pagkatapos binuksan ni Patrick ang shotgun seat saka niya ako sinenyasang pumasok. Syempre hindi na ako nagbagal-bagal pa at baka magbago ang isip niya. Sayang rin iyong ipapasahe kong bente pesos.

"So, ilang taon na kayong kasal?" tanong ni Patrick habang bumibiyahe kami. Hindi ko akalaing chismoso pala ang isang ito. Mahigit apat na oras palang kaming magkakilala.

" Two years." papanindigan ko na ang kasinungalingan ko. Tutal wala naman na akong balak magpakita pa sa kanya pag naihatid na niya ako. Sigurado naman akong ito na rin ang huli naming pagkikita.

"Ah, hindi pa gaanong matagal." Ipinatong nito ang siko niya sa bintana ng sasakyan saka nito pinaglaruan ang labi niya.

"Liko ka diyan." Turo ko nang makita ko ang pangalan ng subdivision na tinitirhan ni Rex at syempre kung saan ako titira in the future.

"Dito ka pala. Kung ganoon negosyante ang asawa mo."

"Ah, oo. Paano mo nalaman?" Kinabahan ako bigla.

"Well, Ilan sa mga ka-kilala kong negosyante may bahay dito."

Mukhang kakarmahin ata ako sa pagsisinungaling ko. Paano kung kilala nito si Rex. Lagot!

"Diyan lang sa tabi." Tinuro ko ang gate ng bahay ni Rex.

Pag-tigil nito sa harap ng gate. Nilingon ko ito para sana magpasalamat nang magsalita ito.

"Don't tell me your husband is Dexter Toralba?!" kunot ang noo at may gulat sa mukha nito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Oh my future! Bakit naman sa dinami-dami ng taong makikilala ko ito pang nakakakilala kay Rex ang natagpuan ko? Nagsinungaling pa ako sa kanya.

Nalintikan na!

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status