Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan.
"For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin.
"Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya.
"Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino
Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi.Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari.
Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa.Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa
Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah. "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan. Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus. Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan. "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit
Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin. Mula rit
Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain."Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?""Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!""Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito."Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t
Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito."Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan."Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo s
"May iba sa'yo!" puna ni Andeng nang magkita-kita kami pagkatapos silang gawaran ng award. Nilingon naman ako ng dalawa at ininspeksyon ako. "Kung anu-ano na namang pinapansin mo," pabirong singhal ko at sinabayan sila sa paglalakad palabas ng auditorium. "Oo nga, parang ang gaan ng mood mo today! Hindi nakalinya 'yang kilay mo tulad ng lagi mong ekspresyon na seryoso!" segunda ni Nat. "May nakitang chiks 'yan kaya gan'yan," naka-angkla na ang braso ni Andeng kay Nat at binibigyang konklusyon ang kung anong napansin sa akin. Patuloy nila akong sinulyap-sulyapang dalawa. Napa-buntong hininga ako at mabagal silang inilingan, nagkukunwaring nadismaya sa iniisip nila. Minsan din talaga para silang si Jane kung mag-isip. "Lagi namang gan'yan ang sinasabi niyo kapag maliwanag ang mukha nitong si James, e. Pero may napatunayan ba kayong may chiks nga?" N
Ito na yata ang pinakamaayos na takbo ng aking araw mula nang dumating si Meriah dito sa ABU. Maganda ang naging paggising, maagang nakapasok, sigurado ang naging mga sagot sa quiz at inaprubahan ng professor ang aming gawa sa research paper. Ngayon naman ay magagandang bagay ang naririnig ko. "Totoo? Tinulungan ni Meriah ang mga council?" "Oo, 'yon ang sabi ni Levy. Mas maganda pa nga raw ang kalidad ng trophy at medals kaysa sa lagi nilang pinagpapagawaan." "Okay naman pala si Meriah, e." Pinagpatuloy ko ang pagkain. Narito kami sa canteen para sa tanghalian. Gutom ang dalawa kaya tahimik ang naging pagkain namin, dahilan upang marinig ko ang usap-usapan sa gawing likuran. Ngunit kahit gaano pa rin kapayapa ang daloy ng oras, mayroon pa ring kung sinong puro negatibo ang hatid ng presensya. "Naku, pakitang tao lang 'yan. Malamang n'yan napilitan