Share

Book 2 - Chapter Five

Oh well, wala siyang balak na makipaglapit muli sa binata. Ngayon lang niya nalamang hindi pala ito nagkatuluyan at si Zuri noon. He's already thirty-one. Wala ba itong balak mag-asawa?

But then, she stopped herself. Ano naman ang pakialam niya rito? It's all in the past now. Ilang taon ding naghirap ang kalooban niya sa lalaki.

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na siya sa kanyang pribadong opisina para ipagpatuloy ang nabinbing trabaho. Ngunit ilang sandali lamang at magkasunod na katok ang narinig niya kasabay ang pagpihit ng seradura. Iniluwa roon ang taong iniiwasan niya.

"Hello, Paige." Malapad ang ngiti nito sa kanya. Parang gusto niya itong simangutan ngunit pinigilan lamang ang sariling gawin iyon. Kusa itong lumapit sa kinaroroonan niya. Gusto niyang mapaatras nang mas lumapit pa ito sa kanya

"What are you doing?!" Napalakas niyang turan sa lalaki sabay atras ng swivel chair niya.

"Woah!" Napataas ang dalawang kamay nito sa ere. "Wala akong gagawing masama sa'yo, babe." T
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status