Share

CHAPTER 2: Hate

Diana Rose O'Brien's POV

"What!? Bakit nangyari 'yon?"

"I'm sorry ma'am, pero po nagulat na lang din kami nang biglang bumaba ang ratings natin." Hinilot ko ang aking temple at itinuro ang pintuan sa aking secretary.

"Get out."

Dali-dali naman itong lumabas saka isinara nang halos walang tunog ang pinto ng office ko.

Nakakunot ko namang binasa isa-isa ang mga files at documents na nasa harapan ko, halos 1 week lang akong nawala tapos ito pa ang aabutan ko?

Habang busy sa pag-aasikaso sa mga papeles ay naagaw muli ang aking atensyon mula sa mga papeles nang marinig ko ang pagkatok mula sa pintuan pero hindi ko ito nilingon kung hindi ay padabog kong tinawagan ang aking sekretarya.

"I told you, I'm not in the mood to talk with anyone."

"But ma'am nami--"

"Make him leave." Putol ko saka siya pinagbabaan ng telepono. Masama ang mood ko ngayon kaya mas mabuting hindi muna ako kakausap nang kahit sino.

Nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto ay dali-dali kong hinawakan ang isang matalim na kutsilyo na nakalagay sa gilid ng aking binti.

"Pumasok ka lang, katapusan na nang buhay mo." Bulong ko sa sarili habang pinakikiramdaman ang tao.

Nang makita kong nakabukas na ang pinto ay hinintay ko na lamang na humarap siya.

"Diana!" Tawag nito kaya bigla ko namang naibalik ang kutsilyo at mabilis itong itinago.

"Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka, muntik na kitang mapatay." Ani ko saka ibinalik na ulit ang tingin sa mga papeles.

"Haha, mapatay?" Takhang tanong niya. Napakarami ko pang gagawin dahil sa biglaang pagbaba ng sales ng company ko after ng bakasyon namin nila Eloi at hindi ko inaasahan na ito ang aabutan ko rito.

"Kidding!" I said without looking.

No one knows about my identity except sa mga connected sa gangsters and Mafias. Delikado para sa mga buhay nila ang malaman ang tunay kong ginagawa.

"Kakauwi mo lang, kwentuhan mo naman ako sa naging vacation mo," aniya ni Hurvey (Hervey) sa akin habang nakaupo na sa mini-living room ng office ko.

Ngumiti ako sa kanya saka sumandal sa aking swivel chair.

"Hurvey, sorry babe, but I'm really busy today."

Hurvey Anderson, my boyfriend.

Hindi boyfriend in a romantic way, super close lang kami na halos babe na ang endearment namin sa isa't isa.

"Shiz, kaya mo 'yan even your eyes closed. Kaya, let's have a date na."

46,000,000? For other expenses? Anong expenses naman ito for just 1 week!?

"Hm, maybe tomorrow." Sagot ko kahit atat na atat na akong magpatawag ng general meeting sa lahat ng staffs.

"Tomorrow? I'm busy tomorrow. This is my free day babe." Ibinaba niya ang magazine at tumayo para lumapit sa akin.

Kalokohan nang mga empleyado ko na 'to. The last time I've checked, walang pinagkakagastusan na ganito ang company. Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Hurvey kaya medyo napapitlag ako.

Woah, you're so fast, man.

Maria Flor Ashby's POV

"Anything can be a fantasy, the magic might happen anytime," kibit balikat ko habang umiinom sa teacup.

"Tsk, kilos na naman sila nang kilos. Look at these photos.... that was a delivery to my house this morning." Iniabot sa amin ni Maricris ang isang brown envelope na may tali sa gitna habang nagsasalita ito.

"May bago nanamang pinapatay?" Tanong ni Ana, habang tinitingnan nila sa harapan ko ang iba't ibang larawan na puro bangkay ang laman.

"I know this group, this is the Moonlight Mafia." Inilipat ni Talline ang picture saka tinitigan isa-isa. "Inubos silang lahat?"

Kinuha ko naman ang isang picture, then stares at there for almost a minute. I saw a tattoo on the back of the ear of one of the members of Moonlight. It's like a sun in the shade of black in the first half, and the other half was color white.

"Sureball, Moonlight 'to. Tattoo pa lang. Remember nang makalaban natin sila ay laging may ganitong mark?" Ana uttered while waving one of the pictures in her hand.

I closed my book then put it over the table. "So, what's the plan? Uunahan ba natin sila?" Tanong ko habang isa-isang tinitingnan si Tallyne, Maricris at Ana na malalim din ang iniisip.

This is a threat for us, dahil iniisa isa na ang mga group ng mafias. Sila ay mga pinapapatay na ng Dark Queen's Mafia.

-Data-

Name: Dark Queen's Mafia

•One of the most prominent mafias around the world

•The boss of all the bosses

•Giving the authority to kill

•Holding the Dark King's book

Kung itatanong ninyo kung bakit 'Pinky Gangsters' ang pangalan ng grupo namin pero sa isang mafia group kami nakabilang ay dahil sa trip lang ng mga kasama ko.

Para maiba naman daw ang pangalan namin sa ibang grupo. Hays, mga baliw talaga.

"No."

Napalingon kami kay Wencie na kadadating lang at umupo sa vacant seat sa tabi ko.

"You're late," naka-smirk na bati ni Maricris. "What about the no?"

"Oo nga, bakit hindi Wencie? They are all sh*t, they killed kapag wala nang gamit sa kanila! F*ck them." Nanggagalaiting sagot ni Tallyne.

Isa kasi siya sa pinakagalit sa Dark Queen's Mafia, dahil pinatay nito ang father niya. Well, asar din naman ako dahil pinatay ng DQM ang both parents ko.

"No, as in no." Wencie shrugged. "Hindi nila gagawin sa atin ngayon 'yon dahil kailangan nila tayo at kailangan natin sila. Importante ang buhay natin Pinkies kaya hindi tayo pwedeng basta-basta na lang pumatay, higit sa lahat mamatay."

Natawa nang mapakla si Maricris saka nagsalita, "as far as I know, kaya natin silang labanan."

Umiling ako saka nagsalita.

"Tama si Wencie, we need to act that we are all weaklings for the time being. As if that they can really control us. That we're afraid of them. We need to make them comfortable na hindi tayo tinik sa kanila."

Tiningnan ako ng mga ito na parang nagtataka kaya si Ana naman ang nagsalita.

"Remember? We're not fighting because of dignity, but because we want to be free."

Binigyan ko lamang nang matamis na ngiti si Ana dahil sinagot nito ang mga tanong sa mukha ng mga kasama namin sa table.

Tama, kailangan namin ng freedom. Kung dignidad lang ang usapan ay halos wala na kami non dahil sa dami naming maling nagawa. Marami na rin kaming misyon na ang iba ay tunay na nakakikilabot dahil sa hawak kami sa leeg ng DQM, wala kaming magawa simula pa man sa mga parents namin pero hindi ko muna sasabihin 'yan dahil sobrang haba. Next time.

"Oh, well. Okay, I'll wait for that d*mn time, so I can rip their throats with my bare hands." Talline whimpered.

"Just wait, ang importante ngayon sundin natin ang mga pinapagawa at mga missions na binibigay. Okay, girls?" Wencie asked us awkwardly since she knows that she doesn't want that idea too.

We all just nodded.

After nang pag-uusap namin ay naiwan akong nakaupo pa rin sa table. Wala si Eloi dahil ginagawa niya na ang mission niya, samantalang si Diana ay may problema sa company.

Kinuha ko naman ang isang maliit na papel na nakalagay sa naka-sealed na puting sobre saka binasa ang nakasulat.

Maria Flor Ashby

Target: Hill Walker

Bago nanamang papatayin.

Tsk!

Sa impyerno na talaga nito ang tuloy ko.

Eloisa Taylor's POV

Psh, this is the nakakainis ever mission na natanggap ko sa DQM.

Kainis! Mga pabebe, bakit kailangan pa nilang iutos!? Why they can't kill this person on their own.. ano pangalan ulit?

Kinuha ko ang sobre na naglalaman ng target ko for this mission.

"Alexander Cooper," I read.

Bumaba ako sa kotse saka isinara ang pinto. Nakakainis talaga! Kagabi ay nagsimula na akong maghanap ng info about kay Alexander chuchu na 'yun, pero wala akong nakita! Isa pa 'tong lalaki na na 'to pa-secret secret pa. Feeling importante eh, bilang na rin naman ang araw niya.

Nakabwibwisit!

Nasa tapat na ako ngayon ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto nito para pumunta na sa aking condo unit. Isa pa 'tong elevator na 'to!

Napakabagal!

Pakipaalala sa aking tatawagan ko yung may-ari ng hotel nang mapabago ang buong elevator na 'to o hindi ay pasasabugin ko nalang.

As soon na marinig ko ang pag-tick ng elevator, hudyat na bukas na, ay inayos ko muna ang coat kong soot saka inirapan yung lalaking tinititigan ako simula nang pumasok sa loob ng elevator.

I heard him chuckle behind me, which made me very pissed.

Inhale, exhale, inhale, exhale.

Huwag mong papansinin 'yan Eloisa Taylor, attracted lang yan sa'yo. Kaya ka niyan pinagtatawanan ay dahil kinikilig at nakasabay ka sa elevator.

Tama, malamang maganda ka.

Ganiyan talaga yang ang mga lalaki, mga ma-flirt.

"Hahaha."

Nag-init na nang tuluyan ang aking punong tenga nang marinig ko ang malakas na pagtawa nito. Siraulo pala ito eh!

Mainit ang ulo ko ngayon kaya --- "Hoy! Ikaw na siraulo ka bakit mo ako pinagtatawanan!? Ano ba--" napalunok ako at hindi natuloy ang sinasabi.

Inalis niya ang isang earphone at tumingin sa akin mula sa mahabang niyang mga pilikmata. "May problema ba miss?"

Ngumiti ako saka umiling at tumalikod.

Arrrgghh! Akala ko ako ang pinagtatawanan niya 'yun pala nanunuod siya ng video. Sus, Eloi nakakahiya ka. Feeler lang ang peg?

Pamaya-maya ay narinig ko na namang tumatawa yung lalaki tsk.

Ano ba kasi pinapanuod nito?

Bigla namang tumunog ang aking cellphone at binasa ang txt mula kay Talline.

-----

Message: From Talline.

Oh, yeah! I already hacked the account of Alexander Cooper. I will send it to you later.

-----

Message: From Eloisa

Thank you! Talline.

----

Sent!

Napaangat ang ulo ko nang makitang bumukas ang pinto ng elevator sa 9th floor. Tumabi ako nang bahagya para dumaan yung lalaki sa likod ko.

"Excuse me." Tinaasan ko ito ng kilay nang bigla siyang magsalita sa harapan ko.

Duh! Mag-isa na lang ako sa loob nang elevator, kaya ako lang talaga kausap nito!

"Ikaw nga pinagtatawanan ko kanina, ang taray mo kasi masyado."

Dudukutin ko na sana ang Allen & Thurber Single-Shot ko nang biglang may isang pamilya na sumakay sa elevator at nawala na sa paningin ko yung lalaking hampaslupa!

*sshole.

----

NEXT CHAPTER: KILL

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status