Share

004 | Young, Wild, and Free

Hindi na mabilang ni Phillian kung naka-ilang shots na sila ng Tequilla—all he knew was that they were having fun and the night was still young to stop the shots from coming.

Auntie Romie and two other middle-aged ladies joined them at the table. TeeCay was obviously enjoying her time with the ladies—ayaw paawat sa pag-tungga ng Tequilla shots na inihahatid doon ni Mr.Tequilla.

Mr.Tequilla was the guy who carried a tray with Tequilla shots on it—mukha itong cowboy na naka-suot ng leather vest, cowboy hat and boots. He was tall and skinny, but he had abs on his abdomen and his arms were muscle-y. He was an attractive guy, kaya naman kahit ayaw ng ibang uminom ng Tequilla ay napipilitang um-order. They were charmed by him.

Tapos na ang performance ni Shawn Shadow at sinundan ng dalawa pang mga performers. Umikot ito sa buong club at isa-isang dinadaanan ang mga mesa upang saglit na makipag-kwentuhan, makipag-landian, at makipag-inuman sa mga guests. Everyone was giving him tips, and TeeCay was waiting for her turn as Shawn Shadow was getting closer and closer to their table.

“Another shot for my baby girl!” pa-tiling sambit ni Auntie Romie sabay taas ng isang braso upang senyasan si Mr. Tequilla na lumapit.

TeeCay was getting tipsy. At namamangha siya habang pinapanood ito dahil ang alam niya ay iyon ang unang beses na uminom ito ng alak. Normally, new drinkers would quit at the third shot; but damn, TeeCay was different. She was really different. Gusto na niyang magduda kung tao ba talaga ito o alien. Mahigit sampung shots na ang nainom nito, hindi pa kasama ang tatlong baso ng apple martini na nauna na nitong ininom kanina at tatlong kopita ng red wine noong nag-dinner sila.

She was unstoppable—at huminto na rin siya sa pagpipigil dito. Hinayaan na niya ito. He was enjoying himself, too, anyway. Natutuwa siyang pagmasdan itong nakikipag-harutan kina Auntie Romie at sa dalawang amiga nito na ang narinig niya’y parehong balo at naroon gabi-gabi upang mag-saya.

“Hey, honey-baby-so-sweet, could you please take us some photos?” natatawang sabi ni TeeCay sabay abot sa kaniya ng cellphone nito. Pinapagitnaan ito ng dalawang mga amigas ni Auntie Romie na pareho na ring may tama.

Kinuha niya ang cellphone mula rito saka binuksan ang camera. Saktong dumating si Mr. Tequilla kaya napasama ito sa mga pictures. Naroong sabay-sabay na tutunggain ng mga ito ang shots. Naroong makikipaghalikan ang dalawang amigas kay Mr. Tequilla, at naroong itataas ng mga ito ang damit para ipakita sa mga pictures ang suot na mga brassier.

At naroon siya, napapailing at napapangiti na lang sa mga kalokohan ng mga ito.

Hanggang sa…

“Oh, Shawn, hali ka rito at may ipakikilala ako!” excited na sambit ni Auntie Romie nang makita ang papalapit na star ng club.

Si Shawn, na ngayon ay nakasuot na ng pantalon, ay nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ni Auntie Romie.

Si TeeCay ay lalong sumigla sa pagkakalapit na iyon ni Shawn. Inayos nito ang nagulong buhok at nayukot na bestida sa kagagalaw nito at ka-po-pose sa mga pictures kasama ang dalawang amigas.

Naroon lang siya at pinanood ang pagpapakilala ni Auntie Romie sa dalawa. And when Aunt Romie introduced him to Shawn, he stood up and shook his hand. Doon siya nakaramdam ng kaunting pagkahilo. The alcohol was making him dizzy—mukhang kailangan na niyang huminto muna sa pag-inom para maalalayan niya mamaya si TeeCay.

“Siya ang syota nitong si Baby Girl, pero ayos lang sa kaniya kung ngayong gabi ay paligayahin mo itong bunso natin.”

Si Shawn ay sinulyapan siya. “Sigurado, pare?”

Nagkibit-balikat siya saka tumango. Kung ito ang makapagpapasaya sa kliyente ni Jeff, bakit hindi?

Pero nang tumabi si Shawn Shadow kay TeeCay ay nagtaka siya sa inis na saglit na dumaan sa kaniyang dibdib. Hindi rin niya napigilan ang pag-pawi ng ngiti sa kaniyang mga labi. He wanted to smile, he wanted to show his support. Pero kung ganitong nakikita niya ang pagtabi at paghaplos ng lalaki kay TeeCay ay kay hirap para sa kaniyang magpakawala ng huwad na ngiti.

Huminga siya ng malalim—ayaw niyang bigyang kahulugan ang naramdamang iyon. Maaaring dala lang iyon ng alak. Some people get easily annoyed and or irritated when drunk.

Yeah, that must be it, kombinsi rin niya sa sarili.

Sandaling nag-usap sina TeeCay at Shawn hanggang sa muling lumapit si Mr. Tequilla. Muling um-order ang mga ito ng ilang shots, at doon siya muling napangiti dahil nakita niyang dumoble pa ang saya sa anyo ni TeeCay. She was having fun like there was no tomorrow.

Makalipas ang ilang sandali at dalawang rounds of Tequilla shots, ay napa-angat siya sa pagkakaupo nang hawiin ni Shawn Shadow ang lahat ng nakapatong sa mesa nila. Sunod ay humiga ito roon, ang ulo ay ini-unan sa mga braso, saka ang mga binti ay bahagyang ibinuka.

What the hell is he planning to…

Nahinto siya sa pag-iisip nang makitang kumuha ng slice of lemon ang isa sa dalawang amigas ni Auntie Romie saka ipinahid sa ilalim ng dibdib ni Shawn pababa sa paligid ng pusod nito. Sunod ay nilagyan iyon ng asin bago bumalik sa pagkakaupo ang isang amiga. Ang isa namang amiga ay inabot ang isang shot kay TeeCay saka binulungan ito ng dapat gawin.

After a while, TeeCay positioned between Shawn’s thighs. Nakikita niya ang pagkamangha at pagkasabik sa mukha nito. Pero bago nito gawin ang ini-suhestiyon ng isang amiga ay sandali muna siya nitong sinulyapan at ningisihan.

“Record this, honey-baby-so-sweet.”

At siya, na uto-uto at nag-uumpisa na muling maaliw sa kalokohan ng mga ito, ay sumunod.

He video-recorded how TeeCay took the shot and bent her head down to lick the lemon and salt from Shawn’s chest. Her lips and tongue then traveled down to Shawn’s navel. Ang mga kasamahan nila sa mesa, at ang iba pang mga kababaihang guests, ay nag-cheer dito ng;

“Body shot! Body shot! Body shot!”

Nagtilian pa ang mga ito nang bumangon si Shawn at banayad na itinulak si TeeCay pabalik sa pagkakaupo. He then started to dance in front of her. At nang bigla itong sumampa sa couch ay tuluyan siyang napatayo. Ganoon din ang ginawa ng dalawang mga amigas ni Auntie Romie.

Lumakas ang tilian ng mga customers nang mag-umpisang pumatong si Shawn kay TeeCay. Ang mga binti nito ay nasa pagitan ng mga binti ng dalaga, habang ang mga kamay ay nasa backrest at nasa magkabilang gilid ng ulo nito.

TeeCay was given a lap dance.

And he stood there, chuckling in amusement, as he continued to take the video like a proud parent.

*

*

*

“Thank you, Mamu! Sobrang saya ko!” wari ni TeeCay nang ihatid sila ni Auntie Romie hanggang sa labas. Naka-alalay siya sa dalaga na halos hindi na kayang tumayo nang mag-isa.

He wondered where he got the strength to carry her. Kung tutuusin ay lasing na rin siya at hindi na rin kayang tumayo nang tuwid. He, too, was swaying and dancing with the stars.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwedeng pareho sila ni TeeCay ang malasing—kailangang isa sa kanila ay maayos, kayang umalalay. And looking at TeeCay now, mukhang siya ang kailangang gumawa niyon.

Napasinok siya at inakbayan na si TeeCay upang hilahin na ito pabalik sa kotse. Gumegewang-gewang silang pareho at naka-ilang beses nang muntikang madapa at masudsod. She had already took off her stilettos and was holding them in her hands. Sa isang kamay nito ay ang purse.

“Lasing na lasing ako—just how I wanted! Woohoo!” Itinaas nito ang mga kamay sa ere na tila nagdiriwang.

Natawa siya sa ginawa nito at hinapit pa nang husto. “H’wag kang malikot—mawawalan tayo ng balanse at parehong matutumba.”

“I know, I know…” Muling ibinaba ni TeeCay ang mga kamay; ang isa ay ipinulupot nito sa baywang niya.

“Ang sabi mo ay ito ang unang beses na uminom ka—how did you keep up with everybody and how are you still able to stand and walk?” tanong pa niya, pilit na binabalanse ang pagtayo upang marating nila ang sasakyan nang hindi natutumba.

“I have no idea, Jefferson—basta ang alam ko… I just wanna have fun!” Muli itong humagikhik.

Natawa siya at hindi na sumagot pa nang marating na nila ang kotse. Inalalayan niya itong makapasok sa passenger’s seat. Halos naka-ilang beses pa itong nabangga dahil hirap na makapasok sa kalasingan. Nang maipuwesto niya ito ay saka siya umikot sa driver’s seat at doon naupo.

He could drive—he had a license. He had been driving their father’s pick-up truck since he was fourteen. All of them, actually. Kaya lang ay wala silang sariling mga sasakyan dahil pare-parehong matataas ang pride nilang magkakapatid ay ayaw na tumanggap ng regalo sa kanilang mga magulang.

Nang makapwesto siya sa loob ay nilingon niya si TeeCay na humahagighik na sumandal sa upuan. “A stranger’s driving my car—hindi ito kasama sa bucket list ko.” She added it with a chuckle.

“I’m not ready to die today so I will be driving. Where’s your key?”

“Here, honey-baby-so sweet.” Humahagikhik nitong ini-itsa sa kaniya ang dalang purse.

Binuksan niya iyon at hinanap ang susi. Nang makita ay kaagad niyang inisuksok sa keyhole at ang purse ay in-itsa sa backseat.

“What time is it now, anyway?”

Sinulyapan niya ang oras sa kaniyang relos. “It’s past two in the morning.”

Nanulis ang nguso ni TeeCay, ang mga mata’y ipinikit. “Do I have to pay more? Hanggang ala-una lang ang agreement natin…”

Napangiti siya at ini-sandal din muna ang sarili sa leather seat saka ibinaling ang tingin sa harapan. Gusto niyang saglit na magpahinga bago magmaneho. Nangalay ang mga balikat niya sa pag-alalay kanina sa dalaga.

“No need, TeeCay.” I don’t need your money, anyway…

Matagal silang parehong tahimik na naka-upo lang roon at nagpapakiramdaman. He was staring at the Century Bird’s building. Ang mga ilaw niyon mula sa labas at isa-isa nang namamatay, badya ng pagsasara. Ang mga kotseng naka-park sa harapan niyon ay isa-isa na ring nagsisi-alisan. He could see familiar faces from inside, those were the guests who all looked happy and satisfied.

Who wouldn’t be, anyway? Lahat ay nakatikim ng lap dance at body shots mula sa mga entertainers at star na si Shawn Shadow. Kahit siya ay muntik nang pagkamalang isa sa mga dancers kung hindi lang siya nakasuot ng matinong damit. Kahit ang dalawang amigas ni Auntie Romie ay nagsasa-sayaw na sa harapan niya kanina, parehong lasing. Si TeeCay ay kinuhanan pa iyon ng video at tawa nang tawa habang pinapanood ang pagka-ilang niya.

The girl was crazy—but he enjoyed the time he spent with her that night. He wanted them to see each other again, so he’d ask for her number.

Nilingon niya ito at akmang kakausapin nang makitang nanatili itong nakapikit. He knew she wasn’t sleeping because she was smiling widely. Marahil ay binabalikan nito sa isip ang mga nangyari sa loob ng club na iyon.

“Masaya akong masaya ka,” he commented, breaking the silence.

Nagmulat si TeeCay at sinulyapan siya. The smile on her face seemed like a permanent thing. Hindi ba ito nangangalay sa pagngiti at pagtawa buong gabi?

He stared at her smiling face with curiosity. Hindi niya alam kung bakit hindi na cute ang tingin niya rito ngayon. Was he drunk-drunk? Because he thought she was more than just cute. She was beautiful. Despite her round, puffy face, her lips void of lipstick, her messy red-dyed hair, and her size—she was stunningly beautiful. And he was looking at her face like she was some kind of a goddess that deserved devotion and praise.

No, he wasn’t that drunk. He was still in his sane mind. Kaya sigurado siyang ang nakikita ay hindi lang imahinasyon o dala ng alak. TeeCay was really gorgeous. At nabibighani siya.

His eyes went down on her lips. They were small and kissable. Kahit hindi ito nakangiti ay tila laging ganoon ang nakikita niya sa hulma ng mga labi nito.

Bumalik sa isip niya ang ginawang pag-body shot nito kanina kay Shawn Shadow. TeeCay did it three times before the man went to another table and left the club. He remembered how heavy he felt during that time and wished that he was in Shawn Shadow’s stead. He wondered how it felt to have his abdomen and chest licked by her.

He wondered…

He just wondered…

“You are looking at me as if I am some kind of a delicious meal—mukha ba akong inihaw na baboy sa paningin mo?”

Napa-kurap siya nang marinig ang sinabi nito. He was so engrossed in his own thoughts he failed to notice that her eyes opened.

Inalis niya ang tingin sa mga labi nito at muling tinitigan nang diretso sa mga mata. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili silang magkakatitig, hanggang sa hindi na niya napigilan ang sariling sabihin ang nasa isip.

“Sinabi mo kanina na hindi ikaw ang tipo kong babae. Hindi ba dapat na ako ang magpapasiya no’n?”

Sa kabila ng ka-seryosohan sa anyo at tinig niya ay napabungisngis ito. “Come on—wala tayo sa mga romance novels and movies para magustuhan mo ako.”

“What do you mean? You are pretty and you have a fun personality. I enjoyed spending this whole night with you. I never had dull moments—”

“I am fat, Jefferson. I am three times your size.”

“Hindi ba pwedeng magustuhan ng isang lalaki ang isang babae nang hindi bumabase sa timbang nito?”

Sa pagkamangha niya’y malakas na humalakhak si TeeCay.

“Lasing ka ba?” nakatawa nitong tanong.

Napabuntong-hininga siya. “I am serious.”

“Come on—h’wag mo akong paasahin. Ilang beses na itong sinabi at ginawa sa akin ng mga lalaki sa dati kong pinapasukang school. Lahat sila ay pinaglaruan lang ako, ang iba’y dinala pa sa pustahan.”

“Hindi ako katulad nila.” Whoa, whoa, whoa, Phillian—what’s with you?

This time, TeeCay released a wry smile. “Ganiyan din ang sinabi ng mga dating kasintahan ng dalawa kong tiyahin. Ang isa sa kanila ay nabuntis at iniwan, ang isa ay tinalikuran sa araw ng kanilang kasal. So…” She added it with a shrug.

“Bakit hindi mo subukan?” Shit, Phillian.

Muli itong natawa. “What? You and me? Together?”

“Yeah. Why don’t you try? Why don’t we try?”

Natigilan ito. Sandaling tila nawala ang kalasingan at manghang napatitig lang sa kaniya. Marahil ay naramdaman at nakita na nito ang kaseryosohan sa mga sinabi niya.

Pero nang wala siyang nakuhang sagot mula rito makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nagsalita;

“Let’s start as friends and let’s see where it would lead us next—”

“To heartbreak and sadness and insanity,” TeeCay said, cutting him off.

Nagtaka pa siya nang makitang tila may dumaang lungkot sa mga mata nito bago ito umiwas ng tingin. Sigurado siyang may pinagdadaanan ito—at kung ano man iyon ay nais niyang malaman.

“You never know, TeeCay. You never know.”

Nagpakawala ito ng bahaw na ngiti, at habang nakasandal pa rin ang ulo sa headrest ay nilingon siya.

“My real name is Therese Cataley El Mundo. My aunties call me Calley.”

He smiled back.

“My real name is Free Phillian Zodiac. I am called Phillian by everybody most of the time.”

Lumapad ang pagkakangiti nito. Ang mga mata’y lalong nagningning.

“Nice to meet you, Phillian,” she said in a low, sweet voice.

“Nice to meet you, Calley.”

They stared again for a while—pareho nilang hinihintay kung sino ang mauunang kumilos o gumawa ng hakbang. He swallowed hard as his eyes went back to her semi-parted lips.

Don’t you dare, Phillian. Don’t you fucking dare… he whispered in his mind. But when Calley bit the side of her lower lip, that’s when he lost his control.

“Can I kiss you?” he asked.

“Would you, really?” she countered, raising her eyebrows.

He shrugged and said, “If you will allow it…”

An odd silence came after his last sentence. They just stared at each other again for seconds—and his heart started to thump wildly as he waited for her consent.

Until… Calley smiled. “Do you really need to ask?”

Lumapad ang ngiti niya sa sinabi nito. At bago pa man magbago ang isip nito’y umayos siya sa pagkakaupo at tinawid ang distansyang namamagitan sa kanilang dalawa.

And the next thing that happened was his lips crashing on hers for a slow, sensual kiss.

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status