Share

010 | No Other Option

 

            Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo sa loob ng ilang sandali. Hindi alam ni Calley kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalawang tiyahin; but one thing was for sure—they both didn't like what they heard.

"Kahit hindi niyo sabihin sa akin ay alam kong gusto na ninyong makuha ang kompanya. I don't know and I don't care what you want to do with it— but I can assure you that I will definitely transfer the ownership as soon as I can. Kahit ang mansion namin at ang bukiring minana ni Mommy sa Lolo, sa inyo na rin. I just want you to leave me alone after the transfer. Ayaw ko na ng gulo, gusto ko nang matahimik. At alam kong mangyayari lang iyon kung wala nang natitirang anumang pag-aaring nakapangalan sa akin."

"Ganito na ba ka-baba ang tingin mo sa amin bilang pamilya mo, Calley?" anang Auntie Augusta niya, puno ng hinanakit ang tinig.

"Come on, Auntie. Let's drop this drama and just be real. Alam nating pareho kung ano ang kailangan ninyo, at walang problema sa akin. You can have them all—"

"When?" tanong naman ng Auntie Esther niya na kanina pa tahimik. Seryoso ang anyo nito, ang mga mata'y diretsong nakatitig sa kaniya. "Hindi tulad ni Ate ay hindi ako magpapaka-ipokrita at sabihing nais pa rin kitang maging pamilya. Our parents left us nothing and gave everything to your father. Pero salamat sa kaniya dahil ang dating maliit na pabrika ay naging isang malaking kompanya. When he died, we thought we'd get something—even just a little something. Pero lahat ay sa'yo lang pala napunta."

Hindi niya alam kung saan nanggagaling poot sa mga mata ng Auntie Esther niya sa mga sandaling iyon. Poot na kahit ang Auntie Augusta niya ay kinunutan ng noo nang makita.

Nagpatuloy si Esther. "Kaya kung ayaw mo sa mga ari-ariang naiwan sa'yo, sabihin mo sa amin kung kailan mo ililipat sa pangalan namin nang matapos na ang lahat. Nang matahimik ka na at maputol mo na ang koneksyon natin bilang pamilya. Those are what you wanted to happen anyway, hindi ba?"

Itinuwid niya ang sarili sa pagkakaupo. "Give me another year."

"Another year," ulit ni Esther na sinundan pa ng pigik na pagtawa. "In six months ay tuluyan nang babagsak ang kompanya kung hindi maagapan at mapopondohang muli, hindi mo ba alam?"

Nainis siya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihing kasalanan din ng mga ito kung bakit nangyari iyon—dahil ang mga ito rin ang namalakad ng kompanya sa mahabang panahon. Bakit parang sa kaniya pa ibubuntong ang kapalpakan ng mga ito?

Pero pinili niyang maging kalmado. She had to, even if it hurts. Kahit kailan talaga ay hindi siya tinuring ng mga itong pamilya. They treated her like an investment; at doon siya nasasaktan.

"Nasabi sa akin ni Ninong—I mean, ni Attorney Perez ang tungkol sa kasalukuyang status ng kompanya; so, yes. I know that it is currently facing bankruptcy. Pero alalahanin ninyong kailangan ko rin ng isang taon para maisaayos ang paglilipat ng lahat ng mga properties sa pangalan ninyo. Have you forgotten that I still need to conceive and give birth to a child? It takes nine months to carry the baby— iyon ay kung may mabubuo agad ako?"

Damn it, ni hindi siya sigurado kung papayag si Daniel sa mga plano niya.

Yes, sa loob ng dalawang araw ay iyon ang pinag-isipan niya matapos niyang ma-kompirma ang lahat ng mga sinabi ng Ninong Lito niya tungkol sa huling habilin ng mga magulang. Hindi niya alam kung bakit iyon ang inisulat ng mga ito sa testamento, pero ang eksplinasyon ng Ninong niya ay maaaring nais lamang siguraduhin ng mga magulang niya na mayroon siyang masaya at komportableng buhay bago niya ilipat o ipamigay ang pag-aaring mayroon siya. At na maaaring wala talagang interes ang daddy niya na bahagian ang mga kapatid ng isang sinkong duling; kaya ganoon ang naging kondisyones nito.

Ang hindi alam ng daddy niya ay pahihirapan pa pala siya nito dahil sa huling habiling iyon.

Sa katunayan ay may dalawang paraan na nakasulat sa testamento para ibahagi o ilipat sa iba ang lahat ng ari-ariang nakapangalan sa kaniya.

One was that she had to marry a wealthy man who would give her a comfortable life and bear his child. Kapag nanganak na siya ay maaari na niyang ilipat sa pangalan ng kaniyang anak o sa mga taong gusto niyang pagbigyan ang mga ari-arian. Walang sinabi roon sa testamento na kailangang sa anak lang niya ilipat ang ownership, kaya isa iyon sa maaaring paraan.

Ang naisip niya ay si Daniel. He had been expressing his admiration for her for years. He wasn't filthy rich but he could definitely give her a comfortable life in New York. Kahit naman hindi siya mag-asawa ay kaya niyang magkaroon ng komportableng buhay roon—she's a doctor for pete's sake!

Kung papayag si Daniel ay gusto niya itong yayaing magpakasal. Kilala na nila ang isa't isa at alam niyang malaki ang pagkakagusto nito sa kaniya. Kung hindi ay hindi ito maghihintay ng ilang taon para tugunan niya ang damdamin nito. Besides, she loved Connie and she would be happy to be her step-mom. Kung papalarin ay baka magkaanak rin sila kaagad—o, eh 'di tapos ang problema.

She's already twenty-eight; it's probably high time for her to get married and have a child. Hindi lang para sa ikatatahimik nilang magtiyahin kung hindi para na rin magkaroon na siya ng sariling pamilya na mamahalin at aalagaan.

Pero ang totoo'y may isa pang paraan. Hindi lang ang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak.

It was something she didn't want to discuss with her aunties.

And that was her death.

If she died, all the properties would go to her father's surviving sisters or any other immediate families. Kapag nalaman iyon ng mga tiyahin niya ay sino ang nakaalalam kung ano ang kaya ng mga itong gawin?

A shiver went down her spine.

No; kailangang hindi malaman ng mga ito ang tungkol sa huling kondisyon.

"Are you even in a relationship?" tanong ni Esther na muling pumukaw sa malalim niyang iniisip.

"I currently have a man in my life," she lied.

Well... not really. Totoo namang may naghihintay na American banker sa kaniya doon sa New York.

"Well, are you two planning to get married?" Augusta asked.

Tumango siya. And that was a lie.

"Great, then," Esther responded. "We should be invited to the wedding, hindi ba? We need to see the authenticity."

Bahaw siyang napangiti. This bitch... she thought. "Of course."

Doon lang tila nakahinga ng maluwag ang Auntie Augusta niya. Napasandal ito sa upuan at nilingon ang waiter na kanina pa naka-antabay sa kanila. Habang umo-order ito ng maiinom ay nanatili lang silang magkatitig ni Esther.

Hindi niya alam kung ano ang problema nito sa kaniya, pero hindi siya unang babawi ng tingin. Gusto niyang isipin nitong hindi siya aatras sa kung anumang hamon nito.

Until... Esther smiled. Ginagap nito ang kaniyang kamay at banayad na pinisil.

"I was in a bad mood lately because of the company's financial crisis. I'm sorry for being bitchy. Pero salamat dahil ginagawan mo ng paraan."

Can you get faker than this, Aunt Esther? she thought. Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito.

Kahit si Augusta ay napa-ismid nang makita ang ginawa ng kapatid. At least she had the guts to show her fake kindness and give her a fake apology. Augusta was being real and she liked that.

Pero itong si Esther...

Napailing siya sa pagkamangha. Bakit ba kay iba ang mga ito sa kaniyang ama? Her father was the sweetest, kindest human being she had even met in her life. And she was closer to him that her mom when they were both still alive.

"By the way, Calley," Esther said again in her fake friendly tone. Ang kamay nito'y nanatiling nakahawak sa kaniya. "My partner is celebrating his fifty-firth birthday tomorrow. Tamang-tama ang pag-uwi mo; I would like to invite you. Imbitado rin ang ilan sa mga kasosyo ng kompanya. Some were you father's closest friends, they would surely love to see you."

Handa na siyang tumanggi, at alam ni Esther na iyon ang gagawin niya kaya naging maagap ito at dinugtungan ang sinabi,

"Come on, kahit ito na ang una at huling paunlakan mo ang paanyaya ko. I won't bother you anymore."

She wanted to decline. But again,

"I also invited Attorney Perez, kaya siguradong magiging komportable ka roon."

Napabuntong-hininga siya. Mukhang hindi na nga siya makatatanggi pa.

"Well, if that's the case, then I'll come. Anong oras sa makalawa at saan ang location?"

Hindi niya alam kung ano'ng emosyon ang dumaan sa mga mata ni Esther nang marinig ang pagtanggap niya. It was something unfamiliar it was hard for her to understand. But one thing's for sure; the look in Esther's eyes was so devious it brought shiver down her soul.

"It was actually a yatch party. I'll give you the port's address after lunch. Let's order, shall we?"

*

*

*

"Kung hindi kita kasama ay hindi ako pupunta rito," bulong niya sa Ninong Lito niya nang makasampa sila sa yate kung saan gaganapin ang party ng partner ni Esther.

It was Esther's boyfriend, actually. A young-looking fifty-five-year-old Chinese businessman names Charles Xiu. Makisig, mestizo, at maayos manamit. Her aunt Esther was in her mid-forties and she was beautful despite her age, pero sa tingin niya ay hindi ito nababagay sa partner. Esther was way beyond Charles Xiu's league.

Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng lalaking iyon sa Auntie niya maliban sa ganda. Her auntie was slim and tall, Esther had been a vegetarian since she was little. She was also fond of full-black attire. Kung hindi bestidang itim ay slacks at longsleeve na itim naman. She also knew Esther's chest and hips went under the knife. Matapos itong iwan noon ng dating nobyo sa harap ng altar ay ipinaayos nito ang katawan upang marahil pasayahin ang sarili at ipamukha sa dating nobyo na may igaganda pa ito.

Oh well, she couldn't blame her Auntie Esther's ex—he did the right choice at the perfect time.

"Hindi rin ako pupunta kung tumanggi kang paunlakan ang imbitasyon niya, hija," bulong din sa kaniya ng Ninong Lito niya. Naglalakad sila palapit kay Esther at sa kasintahan nito na abala sa pakikipag-usap sa ilang mga bisita. "Nag-aalala akong baka may hindi sila magandang gawin sa'yo. And I wouldn't let anything bad happen to you, Calley. Nangako ako sa puntod ng daddy mo na hindi kita pababayaan."

"Thank you, Ninong," she responded with a firm grip on his arm.

Sa puntong iyon ay nakita na sila ni Esther. Sandali itong nagpaalam sa ilang mga bisita at niyaya ang nobyong lumapit sa kanila.

Hindi siya nag-abalang mag-handa ng huwad na ngiti. She didn't have to. Alam ni Esther ang damdamin niya rito.

"I'm glad you came," Esther said, and just like the other day, faking a smile.

"So this is Calley, huh?" ani Charles Xiu sabay abot sa kaniya ng kamay. She knew him after her Ninong Lito sent her a link to his website. Apparently, Charles owned a couple of legal night bars in the Metro.

"Nice to meet you," she said, shaking his hand.

"Your dress looks nice," sabi ni Esther, ang mga mata'y bumaba sa suot niyang lacy white summer dress. Umabot ito hanggang sakong, at ang design ay tila yaong mga suot ng mga karakter sa isang Greek Mythology movie.

"You look like a bride in your dress, and it looks nice," sabi naman ni Charles—hindi niya alam kung papuri o insulto ang sinabi dahil dinugtungan nito iyon ng pigik na tawa.

Oh well, she thought of that, too, when she bought the dress last night. Kagabi ay lumabas siya upang kumain sa isang bagong tayong restaurant at napadaan sa isang shopping center. Nakita niya ang dress at naisip na maganda iyong isuot para sa gabing iyon.

It was a yacht party after all, and she thought her dress looked like a beach party dress.

Hindi niya akalaing nagmukha siyang bride na naligaw ng pupuntahan nang isuot na niya iyon kanina.

"Thank you, I feel good in this dress," sagot niya nang may naka-uuyam na ngiti sa mga labi. "Happy fifty-fifth birthday, by the way. Ten more years and you'll become part of the senior's group."

Nawala ang ngiti ni Charles na ikinatawa niya ng lihim.

You deserve it, she thought as she celebrated in her mind. Kahit ang Ninong Lito niya ay pigil-pigil ang tawa sa sinabi niya.

Ngayon ay alam na niya kung bakit nagustuhan nito ang Auntie Esther niya; these two were both wicked souls who found themselves in each other's dark wolds.

"Come, Calley. Let me introduce you to some of your father's friends who are in the party; siguradong matutuwa silang makita ka," sabi ni Esther na bumitiw sa kasintahan at ikinawit ang kamay sa braso niya.

Tiningala niya ang Ninong Lito niya.

"It's okay. Kilala ko ang ilang mga bisita," Lito assured. "Go along, I'll be watching your back. Ikukuha muna kita ng inumin."

Tumango siya at nagpaakay sa Auntie Esther niya. Ipinakilala siya nito sa ilang mga bisita na ayon dito'y kasosyo ng kompanya at kaibigan ng kaniyang ama. She would guess there were almost twenty people onboard, and they were all nice people with polite smile on their faces; ang ilan ay namangha nang makilala siya, ilang ulit sinabi na kamukhang-kamukha niya ang kaniyang ina.

Makaraan ang ilang sandali ay may lumapit at nag-abot sa kaniya ng inumin. Kinuha niya iyon sa pag-aakalang ang Ninong Lito niya ang lumapit, subalit sa pag-angat niya ng tingin ay nakita si Charles.

Niyuko niya ang inabot nitong kopita at nakita ang laman niyon. Her Ninong Lito knew she could only drink white wine. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Charles. "Sorry, I don't drink red—"

"Oh, would you prefer champagne?"

"White wine."

"We don't have that here."

She opened her mouth to complain when one of her father's colleagues spoke and said, "We can't believe that we would actually meet you, Miss Calley. Siguradong matutuwa ang iyong ama sa langit kapag nakita tayong nag-uusap-usap ngayon. I could still hear his laughter, you know? Cheers to finally meeting you."

Napilitan siyang dalhin sa bibig ang hawak na kopita sa ginawang iyon ng isa sa mga dating kaibigan ng kaniyang ama. At habang dahan-dahan siyang sumisimsim ay inikot niya ang tingin sa paligid. Hindi kalayuan sa kinaroroonan niya ay nahanap niya ang kaniyang Ninong Lito, may kaharap itong isang pares; babae at lalaking nakasuot ng mga formal clothes katulad ng iba, at tila seryoso ang mga pinag-uusapan. In his hands were two goblets of champagne.

Sa hula niya'y hindi kaagad makaalis ang Ninong niya mula sa mga kausap. Oh well, as long as naroon ito ay nakadarama siya ng seguridad.

Sa nakalipas na ilang sandali'y nakilala rin niya ang ilan sa mga bisitang naroon. She noticed that her Auntie Augusta wasn't there, and she asked Esther about it.

Esther explained Augusta wasn't feeling well and had to skip the party. Wala rin ang anak nito—ang pinsan niyang si Anton. She was two years older than him and they were never close because he was brainwashed by his mother. He was made to believe that he was the rightful heir of the company and she was the antagonist in their family drama.

Nakilala rin niya ang matalik na kaibigan ni Charles Xiu—si General Campos, head of police ng Batangas. Katulad ni Charles ay hindi rin siya natuwa sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya. Tila ito may nais ipahiwatig. At habang kaharap niya ito'y hindi initago ng lalaki ang malalagkit nitong mga tingin.

Lumipas pa ang mahabang sandali at tuluyan nang nakabalik ang Ninong Lito niya sa kaniyang tabi. Nagulat pa ito nang malamang naka-tatlong kopita na siya ng red wine. Humingi ito ng dispensa dahil hindi ito kaagad na nakalapit; sa dami ng kilala nito roon ay nakakausap nito ang halos lahat na nakasalubong.

Bandang alas-dies ng gabi nang mag-umpisang sumama ang panahon. Ang lahat ng mga bisita ay nanatili sa loob ng malaking yate na iyon na napag-alaman niyang pag-aari ng kasosyo sa negosyo ni Charles Xiu. Nakikita nila sa bilog na bintana ng yate na malakas ang ulan sa labas, at ang alon ay unti-unting dinuduyan ang yate. Kung tutuusin ay dapat na bumalik na sa pantalan ang yate pero kinausap ni Esther ang kapitan na huwag munang dadaong hanggang hindi nito sinasabi; which she thought was weird.

"I'm getting sleepy, hija. This weather is making me feel sick."

Napalingon siya sa Ninong Lito niya nang maupo ito sa kaniyang tabi. Inisandal nito ang ulo sa headrest ng couch at ipinikit ang mga mata. Inikot niya ng tingin ang paligid. Ang ilang mga bisita ay nagsabing magpapahinga sa ilang mga cavinnti, habang ang iba'y nanatiling nakatanaw sa bintana.

Ibinalik niya ang tingin sa katabi. "Just rest up; hahanapin ko si Esther at sasabihing kailangan na nating umalis."

Tumayo siya at hinanap ng tingin ang tiyahin. Kung hindi siya nagkakamali ay may nihatid itong mga bisita sa cabin ng yate. Hahanapin niya ito.

Subalit hindi pa man siya naka-ilang hakbang ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit siya sa isang end table at sinapo ang ulo.

Suddenly, she felt so lightheaded.

Maaring dahil sa pag-sayaw ng yate sa ibabaw ng mga alon, o dahil nakarami siya ng inom.

Ahh, we really need to go home now.

Itinuloy niya ang paghakbang patungo sa likod ng pabilog na bar counter kung saan naroon ang tatlong magkakatabing cabin. Napahawak siya sa pader upang alalayan ang sarili. Hanggang sa hindi lang hilo ang naramdaman niya; pati na rin ang kaniyang paningin ay naapektohan. Her vission was getting blurry.

Sinapo niyang muli ang ulo.

Wait... This is not just a simple... Natigilan siya. Hindi na rin siya makapag-isip nang diretso. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya.

"Calley?"

Na-angat siya ng tingin; subalit lalo lang siyang nakaramdam ng hilo, at ang kaniyang paningin ay lalong nanlabo. Subalit kung ang pagbabasehan niya ay ang suot ng babaeng sumalubong sa kaniya ay sigurado siyang si Esther iyon.

Esther came to help her. Hinawakan siya nito sa siko at inalalayan. "Let's go to the cabin, magpahinga ka muna."

*

*

*

"Lower your voice or she would wake up!" Charles hissed, trying to calm Esther down.

"Hindi ito ang pinag-usapan natin, Charles! I didn't tell you to f*ck her!"

"I don't want to waste such beauty, Esther; calm down." Charles reasoned. "And you know my appetite. Bago natin siya patayin ay hayaan mo naman akong pagsawaan muna ang katawan ng mahal mong pamangkin."

"That woman is not my family! Alam mong hindi namin totoong kapatid ang ama niya. Augusta and I were just adopted, and I thought Rodney would fall for me but he married that woman's mother!"

"Ahhh, Esther. You are such a bitch for hurting my feelings. Harap-harapan mo ba talagang sasabihin sa akin na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap na hindi ka pinatulan ng tatay ng pamangkin mo?"

"Hindi ko nga siya pamangkin!"

"Come on, Esther. Pagbigyan mo na ako. It'll be fast—ten minutes top."

"Damn you! Maya-maya ay magigising na rin si Lito. Kaunting porsyento lang ng sleeping pills ang ini-lagay ko sa huling inumin niya sa labis na pagmamadali. Kung hindi pa natin gagawin ngayon ang plano natin ay baka mawalan tayo ng pagkakataon. Ang sampung minutong hinihingi mo ay kritikal na oras na magagmit pa natin sa plano."

"Ahh, damn it. Fine! Calm down, okay?"

Napahigpit ang kapit ni Calley sa bedsheet nang marinig ang pag-uusap na iyon sa silid na kinaroroonan niya.

Nagising siya na masakit ang ulo, at hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Ramdam niya ang hilo kahit nakahiga; ang kaniyang katawan ay magaan na tila siya nakalutang sa ere. Ang mga impormasyong narinig ay tila bulang anumang oras ay puputok at mawawala rin sa kaniyang isipan. Kailangan siyang may gawin; hindi siya maaaring manatili roon, nakahiga, at hintaying maisakatuparan ng mga demonyong ito ang mga binabalak.

She needed to run away.

"How do you want her to die?" narinig niyang tanong ni Charles.

"Just strangle her or whatever; I just want her dead, Charles," Esther answered vindictively.

Lalo siyang nakaramdam ng takot.

"Give me a minute," ani Charles.

"Oh, ano na naman 'yan?!"

"Isang baba lang. Kailangang makatira ako bago ko gawin ang gusto mong mangyari."

Sunod niyang narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap, at nang makitang nawala sa silid ang dalawa ay napa-angat siya.

Ramdam niya ang matinding sakit ng ulo at hilo, subalit ayaw niyang may mangyaring masama sa kaniya sa gabing iyon kaya pinuwersa niya ang sariling tumayo.

She couldn't waste any chances.

Pagewang-gewang siyang naglakad patungo sa pinto. Mayroong isa pang pinto sa gilid ng silid na sa hula niya ay banyo, at doon sa loob ay dinig niya ang mahinang pagtatalo ng dalawa. She hurriedly walked towards the door and opened it. Kahit nasa labas na siya'y hindi pa rin niya masabing ligtas na siya. She had to hurry. She needed to move fast.

Pagdating niya sa hallway ay kaagad niyang hinayon ang daan sa kaliwa kung saan ang alam niyang direksyon patungo sa lounge area. Nang marating ang dulo ay nanlumo siya nang makitang daan na iyon palabas ng deck. Napagtanto niyang nasa kabilang area siya dinala ng mga ito, kaya nagkamali siya ng direksyon. Nasa kabilang dulo ang lounge area.

Kailangan niyang bumalik. Kailangan niyang dumaan sa pinanggalingan.

At iyon na sana ang kaniyang gagawin kung hindi lang niya nakita ang hangos na paglabas ni Charles Xiu sa silid na pinanggalingan niya.

Napaatras siya. At nang lumingon sa direksyon niya ang lalaki ay hindi na siya nag-isip pa. Kaagad siyang tumalikod at lumabas patungong deck. Pagdating sa labas ay sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin at bahagyang ambon.

Dire-diretso siya sa pinakadulong bahagi ng deck at mahigpit na napakapit sa railings. Nakahinto ang yate at medyo maalon ang dagat sanhi ng sama ng panahon.

Fear consumed her heart.

Is there any way? tanong niya sa sarili.

She's not a good swimmer but she could swim nonetheless. Sinulyapan niya ang mga nakapaligid na ilaw sa karagatan. Mula sa deck ng yate hanggang sa pinakamalapit na liwanag na marahil ay mula sa isang bangkang pangisda ay dalawang daang metro. Malayo iyon at hindi siya sigurado kung kaya niyang languyin, lalo sa kondisyon niya sa mga sandaling iyon.

Pero kung hindi siya tatalon, ay papatayin din siya ng dalawa. Worse, she could get r*ped first.

Shit, she cursed in her mind. I don't wanna die yet!

"Calley!" Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Esther. Nakatayo ito hindi kalayuan at may hawak na baril sa kamay. Nasa likuran nito si Charles na nakangisi.

Nanlaki ang kaniyang mga mata; wala nga yatang makapagbabago sa isip ni Esther.

Bago pa siya lamunin ng matinding takot ay sumampa na siya sa railings. Dinig niya sa likuran ang mala-demonyong tawa ni Charles.

F*ck it, mamamatay akong buo ang dangal.

At bago pa man siya maunahan ng bala ni Esther ay tumalon na siya sa madilim at maalong karagatan.

*

*

*

TO BE CONTINUED...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status