Share

CHAPTER 3

ALIYAH POV

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa yapak ng dalawang katulong na pumasok para dalhin ang mga pagkain. Naaamoy ko ang masarap na amoy ng pagkain. May nakita akong beef steak at kanin. May pasta rin at vegetable salad. Una kong kinuha ang baso ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako. Napatingin ako sa bintana at medyo nakabukas ang kurtina. Sa tingin ko ay gabi na, ang dilim na sa labas. Habang kumakain, hindi ko maiwasang isipin ang mga taong nakita at nakilala sa lugar na ito. Napaka-weird talaga at hanggang ngayon, wala pa rin akong maalala. Matapos kumain ay may nakita akong mga damit pangbabae sa loob ng closet. May nakita akong floral dress at kumuha na rin ng mga underwear. I decided to go to the bathroom to take a shower. Lahat ng kakailanganin ko ay narito, from body wash to shampoo. Masarap sa pakiramdam ang tubig. Lumabas ako ng shower to change clothes and fixed myself. I think I was able to sleep well for hours. I tried to go out the room. Marami akong gustong malaman tungkol sa bahay na ito at tungkol sa may-ari nitong bahay. I hope Teresa will be back soon. I have so many things to ask her.

Habang naglalakad sa hallway, I heard a voice nearby. I followed the sound and it brought me in front of a very big room. Ito na yata ang pinaka-malaking kwarto sa bahay na ito. I tried to put my ears on the door, hoping to hear something from the inside.

I heard someone talking.

“Eddie, I want everything prepared. That was Vladimir coming. I want to impress him. I want the best foods to prepare for him. He has brought me billions of pesos every year. He is the best business partner I’ve ever had. Is that woman prepared?” I heard the man’s voice.

“Yes, master. Handang-handa na po ang babae,” narinig kong sumagot ang isang boses ng matanda.

I heard someone approaching the door after that short conversation kaya agad akong lumayo at nagtago sa isang sulok kung saan hindi nila ako makikita. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang matandang naka- black suit. He was that old man who talked to Teresa. So siya pala si Eddie. Maybe he was the head servant in this mansion. Sino kaya yung taong kinakausap nya sa loob ng kwarto na yon? Maybe it was the owner of this house. Maybe I need to approach Eddie first. To ask him kung pwede kong maka-usap ang may-ari ng bahay? Maybe I need to set an appointment kung busy siya. I just need to talk to him, alam kong siya lang makakasagot sa lahat ng katanungan ko.

Sinundan ko si Eddie. Pumasok siya sa isang kwarto. Huminga ako ng malalim. I need to compose myself.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto. Agad itong binuksan ni Eddie. He was stunned to see me outside. Tumingin muna siya sa hallway bago ako pinapasok sa kanyang opisina.

May isang mesa sa loob at mga bookshelves. May isa ring malaking ornamental plant sa loob nito.

I cleared my throat. “I’m sorry Eddie for disturbing you. I just want to make a request.” I told him.

“Sure Aliyah, ano yon?” sagot nya.

I was surprised, alam din niya ang pangalan ko. I’m grateful kasi mukhang makakausap ko siya ng matino.

“Gusto ko sanang maka-usap ang may-ari nitong bahay. I just want to ask him why I am here?” I was feeling nervous while asking him.

“Sige, tingnan ko Aliyah. Sasabihin ko kay Master Lorenzo na gusto mo siyang makausap”. Sambit nito.

Lorenzo, that was his name. I felt a different feeling nang marinig ko ang pangalan niya.

“Eddie, pasensya na kung marami akong tanong, ahm, nasaan ako? Anong pangalan ng lugar na ito?” umaasa akong may malalamang impormasyon sa gabing ito.

“Narito ka sa San Vengganza Aliyah. Ang lupain ay pagmamay-ari ni Master Lorenzo De Luna. Narito ka sa mansyon niya,” sagot ni Eddie.

“May alam ka ba Eddie kung paano ako napunta rito? Wala kasi akong maalala” sambit ko.

“Sorry Aliyah, hanggang doon na lamang muna ang maisasagot ko.” Ngumiti siya sa akin at tumingin sa kanyang orasan.

“Pasensya ka na Aliyah, maiwan na muna kita dito. May kailangan lang akong puntahan,” at dali-dali siyang lumabas sa opisina.

Atleast, there is a possibility na makakausap ko si Lorenzo.

Habang nasa hallway, naalala ko ang kwarto nung babae. I am so curious about her. My feet leads me to her room again. Tumingin muna ako sa paligid. Mukha namang walang tao. Wala naman sigurong masama kung pumasok ako to check on her.

I tried to push open the door, it was not locked. Sa kama ay nakahiga pa rin siya. Ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali. I can see in her face that she is suffering. Nakakaawa siyang tingnan. Marami siyang pasa sa katawan. Maybe she was just a little older than me. Paalis na sana ako ng kwarto nang bigla siyang nagising.

“Miss, please tulungan mo ako, ako si Maris Fuentes. Please help, paki-tanggal naman itong mga tali, parang awa mo na.” pagmamakaawa niya sa akin.

“Bakit ka ba nandyan Maris, bakit ka nila tinali?” tanong ko sa kanya habang lumapit ako ng konti.

“Papatayin ako ni Lorenzo gaya ng ibang babaeng dinala niya dito. I am sure, iyon din ang gagawin niya sa’yo.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

“Bakit ka papatayin ni Lorenzo?” nanginginig na ang boses ko.

“Mamaya ko na sasabihin ang lahat. Pakawalan mo muna ako dito,” aniya sabay tingin sa pinto.

“Ok, I will help you. But promise me that you will also help me after this,” sabi ko.

Tumango siya at dali-dali kong tinanggal isa-isa ang mga lubid na nakatali sa kanya. I saw happiness in her eyes.

Tumayo siya at tumingin sa akin, her expression suddenly changed from being friendly to being a devil.

Lumapit siya sa akin and she towered me. She was taller than me.

Agad niya akong sinakal and I was terribly shock.

“Maris anong bang ginagawa mo, stop it, I can’t breathe,” pagmamakaawa ko.

“Alam kong aagawin mo sa akin si Lorenzo. Hindi ako makakapayag, akin lang siya, akin lang,” sigaw ni Maris.

I was so terrified. Naramdaman kong nanghihina na ang katawan ko. I want to fight but she was so strong. I can’t breathe anymore.

Mas diniin niya ang hawak sa leeg ko. I am running out of oxygen. Is this how I am going to die?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status