Share

CHAPTER 2

ALIYAH POV

Agad akong lumingon nang maramdamang may malamig na kamay na humawak sa aking braso. Nahampas ko siya sa sobrang takot at tumakbo palayo sa kanya. I was so scared.

It was an old man. He was wearing dirty and tattered clothes. He has a long white hair at mukhang wala siyang nakikita. Is he blind?

“Tulungan mo ako, binulag ako ng demonyo. Impyerno ang lugar na ito. Ito ang lugar ng pagdurusa. Pinapahiran niya ang mga may sala,” aniya habang kumakapa sa hangin.

“Anong pong ibig ninyong sabihin? Sino pong demonyo?” tanong ko sa kanya.

“Demonyo, ang demonyo ay narito!” parang siyang baliw habang sumisigaw.

Natanaw ng mga mata ko ang nasa apat na katulong na paparating. Agad nilang pinuntahan ang matanda at hinila ito palayo sa akin. Naiwan akong mag-isa sa aking kinaroroonan.

Isang palaisipan para sa akin ang sinabi ng matanda. Binulag daw siya ng demonyo. Ano kayang ibig nyang sabihin doon?

Napahawak ako sa aking dibdib. Agad akong lumingon nang may narinig na sasakyang paparating. Nakita kong bumukas ng mag-isa ang gate at pumasok ang isang itim na kotse. Labis na takot ang aking nararamdaman ngayon. Pumara ang sasakyan sa harapan ko. Gusto kong tumakas at tumakbo. Hindi ko alam kung sino ang bababa sa sasakyan.

Bumukas ang pinto ng kotse at ako’y napasinghap. Naririnig ko ang lakas ng pintig ng aking puso sa sobrang takot.

To my surprise, it was a beautiful woman who went out of the car. She was wearing a navy blue dress and black high heels. Naka- ponytailed ang kanyang buhok at kahit wala siyang masyadong make-up sa mukha ay masasabi kong napaka-ganda. I think she was in her late 30s and she is wearing a very friendly smile.

Lumapit siya sa akin, animo’y ang saya-saya nyang makita ako. I wonder if she knows me, or she is expecting me today.

“Hi Aliyah, why are you here outside?” sambit ng babae.

I was so shocked, she called me Aliyah. Is that my name?

I was left speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin. He hold my hands and invited me to come in to the mansion. Dahil sa hindi ko alam kung anong nangyayari, I just followed her.

She brought me again sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Pinaupo nya ako sa kama and told me to wait for her. She went outside and after a while, bumalik siya nang may dalang tubig at pagkain.

“Here Aliyah, please drink and eat,” alok nya sa akin.

I was hesitant to accept her offer. First, hindi ko siya kilala so I should not trust her.

Bumuntong hininga siya at nilapag ang tubig at pagkain sa mesa. Tinabihan nya ako sa kama and touched my hand.

“You can trust me Aliyah. Please, huwag kang matakot sa akin. I’m Teresa De Luna. Kapatid ako ng may-ari nitong bahay,” sabi ng babae.

“Aliyah ang pangalan ko?” I think may alam siya tungkol sa akin.

I saw her swallow and she gave me a worried look.

“Yes, Aliyah is your name, so he erased your memory,” habang pinagmamasdan niya ang mukha ko.

“Binura niya ang alaala ko? Sinong siya?” I felt confused. Sinong tao ang kayang bumura ng alaala ng iba. At bakit niya ito ginawa?

“I’m sorry Aliyah. I am not in the position to tell you.” She wears a sad face now.

“How did you know my name, Teresa,” I need to know everything and I know this woman in front of me can give clarity.

“I heard it from one of his men that he will bring a woman in this mansion named Aliyah.” She revealed.

“Ito bang lalaking sinasabi mo ay ang kapatid mo Teresa. Siya ba ang bumura ng alaala ko?” I asked her again.

“Yes Aliyah,” sagot ni Teresa.

“Bakit niya ito ginawa sa akin? Anong kailangan ng kapatid mo sa akin?” I need answers. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi nabibigyang sagot ang lahat ng katanungan ko.

Teresa was about to say something nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang naka-black suit. Nasa mga 60-anyos na ang matanda at ngumiti siya sa akin.

Dumiretso siya kay Teresa at may binulong. I saw how her face changed expression. Tumango si Teresa sa matanda at bumaling sa akin.

“I promise Aliyah, I will be back to check on you one of these days. I need to talk to my brother. Dumating na raw siya.” she squeezed my hands.

Deep inside me, I know Teresa is a good person, I can feel it.

Ngunit isa pa ring palaisipan kung bakit ako nandito. Bakit kinailangang burahin ng kapatid niya ang aking alaala. Ano kayang kailangan niya sa akin?

At anong klaseng tao ang kapatid niya na kayang burahin ang alaala ng isang tao. Isa ba siyang doctor and I am one of his experiment?

Napabuntong hininga ako at naisipang kunin ang dinalang mga pagkain ni Teresa. Sa totoo lang, gutom na talaga ako, hindi ko matandaan kung ilang oras akong natulog. May sandwich, hotdog, fried egg at juice. Mukhang napakasarap nito.

While enjoying the food, may narining akong ingay mula sa malapit na kwarto. Ininom ko muna ang orange juice bago lumabas ng kwarto. Sa hallway, narinig kong muli ang ingay. Parang boses ng babaeng sumisigaw. Naglakad ako patungo sa ingay hanggang narating ko ang isang kwarto. Medyo nakabukas ito kaya dahan-dahan akong lumapit.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang babaeng nakahiga at nakatali sa kama.

“Let me go! Let me go!” sigaw ng babae. Mula sa gilid ng kama ay may nasa apat na katulong ang nakatayo. Ang isa sa kanila ay lumapit sa babae at may hawak itong iniksyon. Tinurok ito ng katulong sa babae. Pilit na lumalaban ang babae kaya nagtulungan ang iba na hawakan ang kanyang braso at katawan. Matapos siyang maturukan nakapagsalita pa ang babae.

“Minahal ko siya, akala ko mahal niya ako ngunit ginamit lamang niya ako. He is a demon,” sambit ng babae hanggang sa unti-unti na itong nanghina at natulog.

Agad akong umalis sa harap ng kwartong iyon, at bumalik na sa aking kwarto. Ayokong madatnan ako ng mga katulong sa labas.

Nang makapasok muli sa aking kwarto, napaupo ako sa kama habang naaalala ang sinabi ng babae. Sino kaya ang tinutukoy niya?

Bakit nandito ang babaeng yon? At bakit nandito ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status