Share

Chapter 28

Pagkatapos naming mag-usap ni Ysmael ay nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya. Nakaligo't nakabihis na ako ng isang puting t-shirt at boxers shorts na ipinahiram niya muna sa akin. Kitang-kita ang legs ko dito pero wala naman akong magawa dahil ito lang ang available na masusuot ko dito.

Nakahiga ako sa kama ni Ysmael habang siya naman ay nasa lapag na may nakalatag na comforter at foldable foam. Ayaw niyang magtabi kami sa kama dahil baka raw ay masapian siya bigla ng demonyo at may kung ano pang gawin sa akin. Hindi ko aakalain na malaki ang respeto niya sa akin. May mga ginawa man siyang masama noon ay maaari naman siguro siyang magbago ngayon.

11pm na at alam kong hindi pa rin natutulog si Ysmael. Nakaunan ang mga braso nito sa ulunan niya habang nakatingin lang sa kisame at mukhang malalim ang iniisip.

Hindi ko naman siya magawang tignan ng matagal dahil wala siyang suot na pang-itaas at boxer shorts lang ang suot niya. Hindi raw kasi siya sanay na matulog nang may damit kay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status