Nang magising ako ay tila natulala nalang ako at kaagad pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Nawala lang ako sa katinuan nang gabing iyon pero natatandaan ko pa rin ang mga nangyari.Gusto kong humagulgol ng iyak pero hindi ko magawa dahil namanhid na ako habang nakayakap sa akin ang lalakeng minahal ko pero hindi ko alam na sisirain pala ako. Ang akala ko ay rerespetuhin niya ako pero nagkakamali pala ako.Tama nga si Andy nung araw na nag-away sila ni Josiah, pareho silang baliw na dalawa.Naramdaman kong unti-unting nagigising si Josiah sa pagkakatulog nito. Nakayakap ito sa akin habang parehas kaming walang saplot sa ilalim ng kumot. Naaalala ko pa ang ginawa nila sa akin ni Andy. Mahal ko si Josiah pero hindi ko lang matanggap na kaya niya rin akong ibigay kay Andy.Ang sakit-sakit."Good morning, wife." Bulong sa akin ni Josiah at hinalikan nito ang leeg ko.Hindi ako makapagsalita at nanatili nalang na tahimik. Kung umakto siya ay parang hindi ito nakokonsensya sa gina
Naiilang ako at halos hindi makatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon. Matapos ang eksena namin kanina ay kumalma na rin ako mula sa pag-iyak ko at ngayon nga ay nakaupo lang kami sa isang bench habang magkatabi.Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit nakaharap ako sa view ng dagat mula dito sa seaside ng MOA. Bigla ay hinawakan niya ang isang kamay ko dahilan para mapagitla ako sa ginawa niya."Okay ka na ba?" Tanong ni Jonas.Tumango naman ako at humarap sa kanya.Gwapo siya, matangkad, moreno at attractive din. Kung gwapo siya sa picture ay mas gwapo siya sa personal."Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari at sa mga sinabi mo sa akin pero isa lang ang nasisigurado ko, nagsinungaling ang taong kumupkop sa akin." Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim para mapigilan ulit ang sarili ko sa pag-iyak.Ayoko pa munang umuwi kaagad sa bahay ni Josiah. Gusto ko munang mapag-isa at malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko rin siyang kausap
Pagkatapos kong umalis mula sa bahay nila Josiah ay mabigat ang loob ko na sumama kay Jonas, ang lalakeng minahal ko at ang tunay kong pamilya.Ngayon ay nandito ako sa condo unit ni Jonas sa Pasay at ikwinento niya ang lahat mula sa pagkatao ko hanggang sa mawala ako at hindi na muling nakita pa. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil kahit wala akong maalala ay ramdam ko ang hirap at sakit ng mga pinagdaanan namin sa kamay ni Ysmael Buenavista.Si Ysmael Buenavista daw ay anak ng yumaong si Mayor Yñigo Buenavista ng San Alfonso at dahil nga namatay si Mayor Yñigo dahil sa isang car accident 4 years ago ay si Ysmael na anak niya ang pumalit dito. Siya ang lalakeng kumidnap sa amin ni Jonas bago kami nagbalak sanang pumunta ng Maynila para mag-apply ng trabaho.Ikwento rin sa akin ni Jonas na nagising na lamang siya na nasa labas ng kanilang bahay na puno ng sugat at pasa sa buong katawan at doon ay nawala ako. Sinabi niya sa akin na kahit halos wala na siyang malay nung mga oras na iyon
Mahigit isang linggo na rin akong nasa poder ni Jonas. Pilit ko nalang iniintindi ang mga ikinikilos niya at nakikita ko naman na sobra siyang nag-aalala para sa akin. Nandito lang ako sa loob ng condo unit niya at hindi niya ako pinapayagang lumabas dahil baka bigla raw sumulpot sina Josiah at kunin ako nito mula sa kanya.Bumuntonghininga ako dahil hindi ko maitatanggi na miss ko na si Josiah. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko kay Jonas dahil siya ang nobyo ko at totoong pamilya ko. Mahirap man sa una pero sisikapin ko, sana nga ay magbalik na ang alaala ko para maalala ko na rin kung paano ko nga ba siya minahal.Ngayon ay aalis daw kami papuntang San Alfonso para mameet ang pamilya ko at ang pamilya niya. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay makikita ko na rin ang pamilya ko.Mahigit walong oras ang byinahe namin ni Jonas mula Maynila hanggang sa makarating kami sa San Alfonso. Pagkababa namin sa kotse niya ay namangha nalang ako
Pangalawang araw na namin ni Jonas sa San Alfonso at habang nag-leave muna siya sa trabaho niya ng isang linggo ay sinusulit na namin ang nalalabi naming mga araw dito.Gusto kong samahan pa rin siya sa Maynila para kahit papaano naman ay may mag-asikaso sa kanya dahil mag-isa lang siya sa condo unit niya. Utos rin iyon sa akin ni Nanay dahil baka malungkot raw si Jonas kapag hindi ako sumama sa kanya.Ngayon ay napagpasyahan nila Kian, Claire at Kuya Macky na maligo daw kami sa dagat na malapit dito. Pumayag naman kami ni Jonas dahil gusto rin naming makabonding ang mga kapatid namin.Nandito na kami ngayon sa dagat at nagsuot lang ako ng t-shirt na kulay pula at maong shorts. Bigla ay lumapit sa akin si Claire at halos namangha ako sa ganda ng katawan niya dahil sa two piece nitong suot."Ate Mirae!" Nakangiting bati niya nang makalapit ito sa akin."Oh, Claire. Bakit hindi ka pa magswimming?" Tanong ko.Hinawakan niya ang isang braso ko. "Syempre kapag maliligo ako ay dapat kasama
THIRD PERSON'S POVTila hindi maawat ni Ivan ang kaibigan niyang si Ysmael dahil sa walang humpay na pag-inom nito. Sanay na sanay na siya sa kaibigan dahil alam naman niya kung gaano ito kabaliw noon pa kay Mirae. Mga bata palang sila ay alam na niyang may gusto si Ysmael sa dalaga.Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Miraela Albañez? Halos kalahati nga yata ng populasyon ng mga binata sa San Alfonso noon ay may gusto kay Mirae kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit pati si Ysmael ay nahulog na rin nang tuluyan sa dalaga."Ivan, I did everything to ruin Mirae and Jonas relationship pero hanggang ngayon ay sila pa rin ang nagkatuluyan. He even managed to find her! Bakit ganon? Bakit si Jonas nalang palagi ang nagiging masaya sa huli?" Tumatawang sabi ni Ysmael saka ito sumandal sa couch dahil sa matinding kalasingan.Napahilot nalang ng sentido si Ivan sa inaasal ng kaibigan niya. Siya nalang ang nakakatagal sa ugali nito dahil ang pinsan niyang si Randel ay kumalas na sa pagka
THIRD PERSON'S POVTahimik lamang na pinagmamasdan nina Josiah at Mirae ang kabuuan ng dagat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Josiah pagkatapos nitong sabihin na mag-uusap sila ni Mirae.Ang totoo niyan ay sinusulit ng binata ang oras na magkasama sila ngayon. Hindi niya maitatanggi na sobra niyang namiss si Mirae. Tahimik man siya at hindi gaanong expressive ng nararamdaman niya para dito ay mahal niya ito. Ito ang kauna-unahang babaeng minahal niya dahil sa nakalipas na limang taong inalagaan niya ito mula sa pagkaka comatose ay mas lalo pang nahulog ang loob niya kay Mirae."Wala ka bang balak makipag-usap? Naghihintay ako." May himig na pagtatampong sabi ni Mirae na ikinatuwa naman ni Josiah.Humarap si Josiah sa dalaga at hinawakan ang isang kamay nito."I'm sorry..."Natigilan doon si Mirae at mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya dahil hinahawakan ni Josiah ang isang kamay niya."B-Bakit mo ako itinago ng limang taon sa pamilya ko?"Nagawa pa rin makapagsa
Ngayon ay nandito ako sa veranda ng kwarto kung saan ay ito ang inilaan sa akin ng pamilya ko na matutulugan ko sa oras na makita nila ako. Muntik nang may mangyari ulit sa amin ni Jonas kahapon pero mabuti nalang at hindi na niya naituloy ang binabalak niya sa akin dahil sa pag-iyak ko.Pinunasan ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Nasasaktan ako, alam kong nagseselos lang siya pero hindi ko aakalain na masasaktan na niya ako.Nagising na lamang ako nang naaalala ko na ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Pagkagising ko kanina ay bigla nalang sumakit ang ulo ko hanggang sa tuluyan ko nang maalala ang buong memorya ko. Ayokong sabihin sa kanila na nakakaalala na ako dahil hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat lalo na sa pagbabago ni Jonas.Tama nga ako, kahit magbalik na ang alaala ko ay hindi nagbago ang katotohanang si Josiah na ang mahal ko.Sinabi noon ni Jonas na ang isip ay makakalimot pero ang puso ay hindi, tama siya. Hindi ko siya nagawang makalimutan dahil noong unang