KABANATA 1
Hindi naging madali para sa akin ang iwasan na magustuhan ang kaibigan kong si Lucas. Hindi ko alam kung bakit isang araw ay nagising na lang ako na may nararamdaman na pala ako para sa kaniya.Salat ako sa pagmamahal at atensyon mula sa mga taong inaasahan ko na magbibigay ng mga iyon sa akin. Hindi ko kilala ang tatay ko at kahit kailan ay hindi ako pinakitaan ng pagmamahal ni Mama, kaya wala akong ideya kung bakit nakaramdam ako ng pagkagusto sa kaibigan, lalong lalo na kay Lucas.Wala akong konkretong sagot. Basta ang alam ko lang ay payapa at masaya ang puso ko kapag kasama ko siya."Alam niya ba iyang nararamdam mo, Erem?" seryosong tanong ni Julie sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon sa library para gumawa ng assignment, pero natuon ang atensyon ko kay Lucas na seryosong nagbabasa hindi kalayuan mula sa lamesa namin."Nararamdaman?" kunot noong tanong ko rin sa kaniya."Girl, matagal na tayong magkaibigan kaya halos kabisado na kita. Ngayon ko lang nakita kung paano ka tumitig sa isang lalaki. Gusto mo si Lucas at sigurado ako riyan." Nakaramdam ako ng pamumula at kakaibang kirot sa dibdib ko."Mawawala rin ito, Julie. Hindi kami bagay kasi mayaman siya at mahirap lang ako. Higit sa lahat, kaibigan lang ang turing sa akin ni Lucas..." Ipinilit kong ikubli ang sakit na nararamdaman ko habang sinasambit ang mga katotohanang iyon.Maraming dahilan para magustuhan ang isang Lucas Sandoval. Bukod sa mayaman ay likas na mabait at matalino siya. Idagdag pa na kilala talaga ang pamilya nila dahil isang sikat at magaling na doktor ang daddy niya at abogado naman ang mommy niya. Sa antas pa lang ng buhay ay walang wala na akong ilalaban.Sa tuwing magkasama kaming dalawa ay palagi niyang pinararamdam sa akin iyong pag-aalaga na kahit kailan ay hindi ko nararanasan sa bahay. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya na siya namang pilit kong inaalis sa sistema ko.Naputol ang pagtitig ko kay Lucas nang maramdaman kong sinipa ni Julie ang paa ko mula sa ilalim ng lamesa. Nakasimangot akong bumaling ng tingin sa kaniya habang nakaamba na sanang gantihan siya ngunit nagsalita ito."Palapit na si Lucas titig na titig ka pa rin. Halata ka na masyado girl," natatawang sabi niya sabay takip sa sariling bibig dahil sa hindi mapigil na tawa.Bago pa man ako ulit makapagsalita ay naramdaman ko nang umupo si Lucas sa tabi ko at basta na lang dinantay ang ulo niya sa balikat ko. Tila naestatwa naman ako sa ginawa niya dahil sa gulat at talaga namang bumigat ang paghinga ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko.Namimilog ang mga mata ko nang tumingin ako kay Julie na mukhang nasisiyahan sa nakita niyang reaksiyon ko. Sarap sapakin ng kaibigan ko sa totoo lang!"I'm tired Erem gusto kong matulog," sambit ni Lucas sa pagod na boses. "May klase ka pa ba? Umuwi ka na at magpahinga. Siguro nakipag-inuman ka na naman kagabi, ano?" saad ko naman sa kaniya.Awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa ulo niya para haplusin iyon, bagay na parati kong ginagawa sa kaniya sa tuwing sinasabi niyang inaantok o kaya ay pagod na siya."Kaunti lang naman, Rem," tugon niya bago umupo nang maayos at bumati kay Julie na hanggang ngayon ay abot tainga ang ngiti."Let's talk later, hihintayin kita sa waiting shed," sambit niya matapos guluhin ang buhok ko 'tsaka mabilis na umalis sa lamesa namin ni Julie."Ayieee! Kilig much iyang bff ko?" kinikilig na sabi kaagad ni Julie, dahilan para sawayin kaming dalawa ng librarian na hindi nalalayo sa puwesto namin."Julie 'wag kang maingay, nasa library tayo! Mabuti pa halika na tutal ay oras na rin naman ng uwian natin," pag-aya ko sa kaniya habang inaayos ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa, nag-advance reading kasi kaming dalawa ngayon para sa quiz bukas.Kaagad naman siyang sumunod sa akin nang tumayo ako at isauli ang libro na hiniram ko sa librarian."Alam mo ikaw kahit kailan, napakadaldal mo! Ewan ko ba kung bakit kaibigan kita." Umiling ako. "'Tsaka puwede ba, hinaan mo iyang boses mo, baka isipin ng mga makaririnig sa iyo may gusto ako kay Lucas!" iritado kong sambit sa kaibigan ko dahil sa totoo lang ay malapit na akong maimbiyerna sa sobrang ingay at daldal niya."Kaibigan mo ako kasi maganda ako, 'tsaka ano naman kung may makarinig sa akin na gusto mo si Lucas, e totoo naman." Tinawanan lang niya ako. "'Tsaka alam mo girl, akala naman na ng iba na kayong dalawa na! Lagi ba naman kayong magkasama tapos ang sweet pa ni sa iyo ni Lucas," seryosong tugon sa akin ni Julie.Walang humpay kasasalita si Julie tungkol sa kung ano-ano at napahinga na lang ang tainga ko sa kaniya nang dumating ang daddy niya para sunduin siya, bagay na ikina-inggit ko mula sa kaniya dahil siya ay mapalad na maykaroom tatay na mapag-aruga habang ako ay wala na nga, salat pa sa pagmamahal ng nanay.Huminga na lang ako nang malalim 'tsaka kumaway sa kaibigang sumakay na sa kotse. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila, nagtungo na ako sa waiting shed na sinabi ni Lucas kung saan umano'y hihintayin niya ako dahil may pag-uusapan kaming dalawa.Lumipas ang isang oras at hanggang sa napagod na ako kahihintay ay walang Lucas na dumating. Inisip ko na lang na baka nawala sa isip niya ang usapan namin kagaya ng palaging nangyayari at minabuti kong pumunta na sa sideline ko ngayong gabi."Naging busy siguro ang loko," sabi ko sa sarili.Pagod akong umuwi sa bahay namin kaya naman halos wala akong gana makipag-usap kay tiyo Robert, na siyang una kong nakita pagpasok ko sa loob ng bahay.Laking pasalamat ko dahil hindi niya ako pinansin at hinyaan lang ako na magtuloy sa kuwarto ko. Tulad ng palagi kong ginagawa, sinara ko ang kuwarto ko gamit ang dobleng lock dahil mula nang magka-isip ako, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa asawa ni Mama na kahit noon pa ay iba na kung tingnan ako.Kinabukasan, pagod man ako mula sa paghuhugas ng sandamakmak na plato sa isang restaurant ay sinikap ko pa rin na gumising nang maaga. Naghanda muna ako ng almusal para kila Mama bago pumasok dahil sigurado akong bulyaw na naman aabutin ko kapag wala silang nagisnan na pagkain sa lamesa.Naisipan kong pumasok nang maaga ngayong araw dahil bukod sa hahanapin ko si Lucas sa department nila, magre-review ulit ako sa library para sa quiz namin mamaya.Inaalagaan ko ang grado ko hangga't maari dahil ayokong mawala ang scholarship na mayroon ako dahil ito na lang ang mayroon ako at tanging bagay na magsasalba sa akin sa kahirapan.Hindi ko alam kung anong mayroon pero mula nang makatapak ako sa gate ng University, pansin ko ang tinginan at mumunting bulungan ng ilang kapwa ko estudyante sa akin.Sa pag-iisip na baka paranoid lang ako ay nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa may narinig ako,"Sabi na e, jowa siya ni Lucas.""Parang hindi naman kasi hindi sila bagay.""Baka nilandi si Lucas kasi sa video pa lang, halatang trinabaho niya lahat." Dinig kong sambit ni Nikki, isa sa mga sikat na babae rito sa University na may gusto rin kay Lucas na naiinis naman sa akin.Kahit wala silang pangalan na binabanggit ay alam kong patungkol sa akin ang mga sinasabi nila. Paano ko nasabi? Dahil mula nang maging magkaibigan kami ni Lucas, palagi ko nang naririnig na malandi ako na nasasabi nila dahil tanging ako lang ang babaeng malapit na kaibigan nito.Tila nag-init ang tainga ko sa mga narinig at handa na sana akong sugurin iyong tatlong babae na nag-uusap hindi kalayuan sa akin nang hinihingal na dumating si Julie habang hawak-hawak ang cellphone niya."You need to see this!" hingal at nag-aalala niyang sabi sabay play ng isang video mula sa cellphone niya.Sa una ay hindi ko maintindihan kung ano ang nasa video hanggang sa lumabas doon ang mukha ni Lucas na lasing na lasing habang may kasayaw na babae, gusto kong matawa dahil mukhang tanga si Lucas sa video gawa ng sobrang kalasingan ngunit agad napalitan ang emosyon ko nang may lumabas na babae habang gumigiling at unti-unting inilalapit ang katawan kay Lucas.Kunot-noo akong tumingin kay Julie,"Anong mayroon sa video na ito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya."Watch it, Erem," tugon naman niya dahilan para ibalik ko ang atensiyon sa video.Dahil sa sobrang pagkalasing ni Lucas, halatang hindi na niya alam ang ginagawa niya na nasisiguro kong siya namang sinamantala ng babaeng kasayaw niya. Naghalikan silang dalawa na tila mga uhaw sa isa't isa na parang wala ng bukas hanggang sa puntong hinubaran na siya ni Lucas.Nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga sa napapanood dahil kitang kita sa video na halos gumawa sila ng scandal sa isang bar na tila walang pakialam sa magiging epekto no'n sa kanila.Kaya ba wala siya kagabi sa waiting shed kasi busy siyang makipag-inuman at makipaghalikan?!Hindi ko tinapos ang video at ibinalik na lang kay Julie ang cellphone niya."That video is circulating to everyone, Erem at hindi ko alam kung—" putol na sabi niya habang may pag-aalalang nakatingin sa akin."Kung ano, Julie?" walang buhay kong tanong sa kaniya."Kung paanong ikaw ang sinasabing babae na nasa video," seryosong tugon niya na siya namang nagpabigla sa akin."Ano?!" nanghihina kong sambit."Everyone thinks that it is you. Hindi ko alam kung paano at bakit, basta nagising akong iyan agad ang nakita ko sa social media! Kamukhang kamukha mo ang babae sa video at ipinagtataka ko pa ay kung bakit pangalan mo ang nakalagay at sinasabing pa-walk na girlfriend ni Lucas."Anong ginawa ni Lucas at bakit kailangan pang umabot sa ganito? Bakit kailangan na pati ako ay madawit sa mga ganitong issue?!Ang pinangangamba ko pa ay... baka mawalan ako ng scholarship dahil sa kumakalat na video.Sunod-sunod na lumandas ang luha sa pisngi ko dahil sa nangyayari at halos hindi ko na naiintindihan ang iba pang sinasabi ni Julie. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa may isang pamilyar na ginang ang pumukaw sa atensyon ko na mukhang ako ang sadya.Ang mommy ni Lucas!Palapit pa lang siya ay kilala ko na agad kung sino ang sopistikadang ginang na iyon dahil ilang beses ko na rin naman siyang nakita at nakausap, masasabi kong kahit mukha siyang matapang ay sobrang bait naman niyang kausap, pero sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung may bait ba siyang ipakikita sa akin."Let's talk, Miss Valderama!" seryoso at maawtoridad niyang sabi.KABANATA 2Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin mula sa mga kapuwa ko estudyante habang nakasunod sa ina ni Lucas na si Mrs. Amanda Sandoval, o na mas kilala ng nakararami bilang isang malupit na abogado sa buong bansa dahil lahat ng kasong hawakan niya ay panalo. Hindi ko alam kung bakit kabado akong makausap siya gayong wala naman akong ginagawang mali. Hindi ko talaga mawari kung bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap naming dalawa. Dinala niya ako sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang kotse niya at ‘tsaka dali-daling sinenyasang umalis ang driver nang makalapit kami rito. Sumunod ako sa kaniya sa loob ng sasakyan kahit wala siyang sinabi sa akin na sumunod ako. Gusto kong maliwanagan ang isip ko tungkol sa mga nangyayari at kung bakit dawit ang mukha at pangalan ko sa video. Alam kong si Lucas dapat ang sumagot sa mga tanong ko at hindi ang mommy niya, pero wala na akong panahon na hintayin na makita at makausap siya. Kailangan
KABANATA 3Magulo ang utak ko at tanging si Lucas lang ang makasasagot ng mga katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa isipan ko. Sa dami ba naman kasi ng kalokohan na ginawa niya sa tuwing nakikipag-inuman siya sa bar, bakit kailangan pang gumawa ng ganoon at makipagsiping sa iba? At ang pinakadahilan pa ng pagkagulo ng isip ko ay kung bakit mukha ko ang nasa video…Lumipas ang apat na araw at walang Lucas ang nagpapakita sa akin kahit pa ginawa ko na ang gustong mangyari ni Mrs. Sandoval. Inako ko ang issue at humarap sa media para sabihing ako ang babaeng kasama ni Lucas sa video na kumakalat. Sinabi ko rin na matagal na kaming may relasyong dalawa dahilan para mas lalo akong pag-usapan sa University. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umatras na gawin ang bagay na iyon dahil bukod sa alam kong pagsisisihan ko ang lahat sa huli, masisira ang pagkakaibigan namin ni Lucas at nasisiguro kong magagalit siya nang husto sa akin. Samu’t saring komento ang natanggap ko matapos na
KABANATA 4Sa bawat araw na lumilipas habang magkasama kami ni Lucas sa iisang bubong ay mas lalo akong natatakot sa kaniya, dahil walang araw kasi ang nagdaan na hindi niya ako sinisigawan o kaya naman ay sinasampal. Masuwerte na ako kapag inuumaga siya ng uwi galing sa pakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan niya, dahil maaga ako palaging pumapasok ng University na naging dahilan para maka-iwas ako sa pananakit niya dahil hindi na kami nagkikita pang dalawa sa bahay. Magkita man kami sa university ay para lang din naman akong hangin para sa kaniya. Iyong tipong may malubhang sakit ako kung iwasan nito dahilan para maging tampulan kami ng mga usapan. Lahat ng nasa isip ko noon na puwedeng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang bahay bilang mag-asawa ay nabura dahil taliwas ang nangyari sa totoo. Kahit kasi isa sa mga pinangako ng mommy ni Lucas gaya ng tahimik na buhay mula sa usap-usapan galing sa iba ay hindi man din nangyari. Minsan kong plinano na kausaping muli ang mommy
KABANATA 5Kagaya ng dati, sa tuwing ikinukulong ako ni Lucas sa stock room ng bahay namin, hindi niya ako binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magtiis at umiyak sa tuwing kakalam nang sobra ang tiyan ko dahil sa gutom.Alam kong umaga na dahil sa sinag ng araw na tumatama sa maliit na bintana ng silid dahilan para magkaroon ako ng pag-asang makalabas. Ano mang oras kasi ay aalis na si Lucas para pumasok sa university at hindi nga nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang kotse niya hudyat na aalis na siya ng bahay. Hindi ako makapapayag na hindi pumasok sa university gaya ng gustong mangyari ni Lucas, kaya kahit alam kong bugbog na naman ang aabutin ko sa kaniya dahil tatakas at tatakas pa rin ako. Finals week na at isang taon na lang ay graduate na ako, kaya hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral ko ay pipigilan rin ni Lucas.Kinuha ko ang nakatagong maliit na kutsilyo sa ilalim ng tukador kung saan itinago ko talaga para maga
KABANATA 6Nang makarating kami sa bahay ay kaagad na bumaba ng kotse si Lucas pagka parada niya ng kotse niya at basta na lang akong hinila sa buhok hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.“Lucas nasasaktan ako! Ano ba?!” naiiyak kong sabi pero wala siyang pakialam.“I told you not to go to school, pero ginawa mo pa rin at talaga. May lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin!” galit na galit niyang sabi saka ako tinulak dahilan para masubsob ako sa coffe table.“Finals na Lucas at alam mo iyan… Hindi puwedeng masayang ang mga pinaghirapan ko,” puno ng tapang kong sagot sa kaniya.“Hindi ka na dapat nag-aaral Erem! Isa pa, asawa na kita kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto ko!” giit niya sabay hila sa buhok ko.“Sinusunod naman kita Lucas ah! Pinagsisilbihan pa nga kita,” sabi ko dahilan para mas sabunutan niya pa ako. “Nasasaktan ako Lucas! Ano ba?! Bakit mo ba ako ginaganito? Wala naman akong ginawang mali sa iyo!” Hindi ko na napigilang umiyak.Kahit anong pilit ko na alisin
KABANATA 7Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo
KABANATA 8Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa. Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsur
KABANATA 9Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko. Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan. Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas. Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong m