KABANATA 3
Magulo ang utak ko at tanging si Lucas lang ang makasasagot ng mga katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa isipan ko.Sa dami ba naman kasi ng kalokohan na ginawa niya sa tuwing nakikipag-inuman siya sa bar, bakit kailangan pang gumawa ng ganoon at makipagsiping sa iba? At ang pinakadahilan pa ng pagkagulo ng isip ko ay kung bakit mukha ko ang nasa video…Lumipas ang apat na araw at walang Lucas ang nagpapakita sa akin kahit pa ginawa ko na ang gustong mangyari ni Mrs. Sandoval. Inako ko ang issue at humarap sa media para sabihing ako ang babaeng kasama ni Lucas sa video na kumakalat. Sinabi ko rin na matagal na kaming may relasyong dalawa dahilan para mas lalo akong pag-usapan sa University.Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umatras na gawin ang bagay na iyon dahil bukod sa alam kong pagsisisihan ko ang lahat sa huli, masisira ang pagkakaibigan namin ni Lucas at nasisiguro kong magagalit siya nang husto sa akin.Samu’t saring komento ang natanggap ko matapos na sabihin ang tungkol sa amin ni Lucas, bagay na hindi ko matatakasan at maiiwasan pa dahil ang nag-iisang Lucas Sandoval ay may kasintahan na galing sa mahirap at hindi kilalang pamilya.Simula nang kumalat ang video, hindi na nawala sa pandinig ko ang matawag akong malandi at nasa loob raw ang kulo. Gusto ko man silang sapakin lahat kaya lang ay wala na rin namang saysay para makipag-away pa kasi hindi na mababago ang tingin nila sa akin.Sinubukan kong komprontahin si Mama noong araw din mismo na kinausap ako ng mommy ni Lucas, pero bigo ako dahil pag-uwi ko ay wala na akong naabutan sa bahay namin kung hindi ang mga lumang gamit na iniwan na lang nila basta ni Tiyo Robert.Tanging nasabi ko na lang sa sarili ay iniwan nila ako— iniwan ako ni Mama para sa pera at pansariling kapakanan.Masakit sa dibdib ko ang ginawang iyon ni Mama at para pagtakpan ang nararamdaman na iyon, nagsinungaling ulit ako sa sarili kong baka nagawa niya lang iyon dahil nasabik siya pera at kapag kuwan ay uuwi ulit sa bahay at aawayin ako.Dumating ang araw ng mismong kasal kung saan blangko ang utak ko at wala ako sa sistema. Pinasundo ako ni Mrs. Sandoval sa mga tauhan niya, inayusan at tinuruan sa mga dapat gawin kapag oras na ng seremonya ng kasal.Wala akong alam sa naging preparasyon dahil hindi rin naman hiningi ang aking suhestiyon. Basta ang alam ko lang, engrande at bongga raw ang kasal na nasisiguro kong ginawa para ipakita sa lahat na walang problema at matapos ang issue at eskandalo.Isa pa, bukod kay Julie ay wala naman na akong ibang kakilala sa mga dadalo sa kasal na ito.Nag-umpisa akong maglakad papuntang altar kung saan tanaw ko si Lucas na nakasuot ng gray suit na may seryosong seryoso na mukha. Kung sanang maayos lang ang lahat, paniguradong ako ay puno ng galak at tuwa ang puso ko at mangiyak-ngiyak pa ako habang naglalakad sa aisle papunta sa kaniya sa harapan ng altar, dahil sa wakas ay ikakasal ako sa lalaking matagal ko nang gusto at palihim na minamahal… Pero hindi man tulad ng inaasahan dahil kahit gusto ko si Lucas ay hindi ko magawang maging masaya na ikakasal kaming dalawa sa ganitong sitwasyon.Sobra-sobra ang kaba ko nang magkaharap na kaming dalawa sa altar habang hawak niya ang kamay ko, dahil matapos ang dalawang linggo nagkita rin ulit kaming dalawa.“Lucas,” nakangiti kong saad nang magtama ang mga mata namin na siya namang mabilis niyang iniwasan matapos na hawakan nang mahigpit ang kamay ko.Hindi ko makuhang maging masaya at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba at takot matapos kong makita ang galit sa mga mata ni Lucas malayo sa tingin niya noon sa akin na puno ng tuwa.“I now pronounce you, husband and wife.”Natapos ang kasal na halos hindi kami nag-uusap at ngingiti lang sa harapan ng mga bisita kung kailangan, pero pagkatapos noon ay tinatalikuran niya na ako para makipag-usap sa ibang bisita.Nang gabing iyon, magkasama na kaming umuwi sa bagong bahay na regalo pa mismo ng daddy ni Lucas para daw sa aming dalawa.“Lucas mag—“ Hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil sa biglaang pagsampal sa akin ni Lucas na talagang ikinabigla ko.“You agreed with this fucking marriage so you better be ready with my anger, Erem,” matigas niyang sabi bago ako iwanan na mag-isa sa sala ng bahay at nag tuloy-tuloy sa ikalawang palapag ng bahay.Sa unang pagkakataon simula nang maging magkaibigan kami ni Lucas, ngayon ko lang nakita ang sobrang galit sa mga mata niya— galit na nagbigay sa kaniya ng dahilan para saktan ako at bagay na hindi ko inaasahang masusundan pa nang masusundan sa bawat araw na magkasama kaming dalawa bilang mag-asawa sa iisang bubong.I became a battered wife without an explainable reason.I accepted all the punches, slaps and insults that I’ve never expected to hear from him.I couldn’t defend myself, because every time I tried to do so, he hurt me more until I scream in so much pain.Malayo ang nangyari sa ipinangako sa akin ng mommy ni Lucas. Iyong pangako niyang komportable at maayos na buhay kasama si Lucas ay hindi nangyari at sa bawat araw na dumaraan gusto kong bawiin ang araw at oras na nakilala ko si Lucas Sandoval.Aminado akong may gusto ako sa kaniya at mahal ko siya pero sa pagkakataon na ito, ibang Lucas ang palagi kong nakikita. Isang Lucas na kahit minsan ay hindi ko inaasahang magagawang saktan ako nang walang dahilan at sapat na rason.Simula nang saktan at pagbuhatan niya ako ng kamay, puro na lang takot ang nararamdaman ko sa kaniya lalo na sa tuwing umuwi siya galing sa University o kaya ay uuwi siya nang lasing kaya para pakalmahin ang takot kong puso mula sa pananakit niya, pinapaniwala ko ang sarili ko sa isang kasinungalingan na hindi naman masakit ang bawat sampal, sipa at suntok niya sa akin at higit sa lahat, nagsisinungaling ako sa sarili ko na okay lang ako para kunwari ay hindi ako nasasaktan.Nasanay na lang akong magsinungaling araw-araw na sa mga susunod ay hindi na niya ako sasaktan. Sa bawat pananakit na ginagawa niya, nasanay na lang akong itago ang lahat ng sakit at hinagpis sa kasinungalingan na baka isang araw ay maiisip niya rin kung sino ako sa buhay niya kahit bilang isang kaibigan lang.I am Erem Blythe Valderama-Sandoval, battered wife of Lucas Sandoval.KABANATA 4Sa bawat araw na lumilipas habang magkasama kami ni Lucas sa iisang bubong ay mas lalo akong natatakot sa kaniya, dahil walang araw kasi ang nagdaan na hindi niya ako sinisigawan o kaya naman ay sinasampal. Masuwerte na ako kapag inuumaga siya ng uwi galing sa pakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan niya, dahil maaga ako palaging pumapasok ng University na naging dahilan para maka-iwas ako sa pananakit niya dahil hindi na kami nagkikita pang dalawa sa bahay. Magkita man kami sa university ay para lang din naman akong hangin para sa kaniya. Iyong tipong may malubhang sakit ako kung iwasan nito dahilan para maging tampulan kami ng mga usapan. Lahat ng nasa isip ko noon na puwedeng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang bahay bilang mag-asawa ay nabura dahil taliwas ang nangyari sa totoo. Kahit kasi isa sa mga pinangako ng mommy ni Lucas gaya ng tahimik na buhay mula sa usap-usapan galing sa iba ay hindi man din nangyari. Minsan kong plinano na kausaping muli ang mommy
KABANATA 5Kagaya ng dati, sa tuwing ikinukulong ako ni Lucas sa stock room ng bahay namin, hindi niya ako binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magtiis at umiyak sa tuwing kakalam nang sobra ang tiyan ko dahil sa gutom.Alam kong umaga na dahil sa sinag ng araw na tumatama sa maliit na bintana ng silid dahilan para magkaroon ako ng pag-asang makalabas. Ano mang oras kasi ay aalis na si Lucas para pumasok sa university at hindi nga nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang kotse niya hudyat na aalis na siya ng bahay. Hindi ako makapapayag na hindi pumasok sa university gaya ng gustong mangyari ni Lucas, kaya kahit alam kong bugbog na naman ang aabutin ko sa kaniya dahil tatakas at tatakas pa rin ako. Finals week na at isang taon na lang ay graduate na ako, kaya hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral ko ay pipigilan rin ni Lucas.Kinuha ko ang nakatagong maliit na kutsilyo sa ilalim ng tukador kung saan itinago ko talaga para maga
KABANATA 6Nang makarating kami sa bahay ay kaagad na bumaba ng kotse si Lucas pagka parada niya ng kotse niya at basta na lang akong hinila sa buhok hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.“Lucas nasasaktan ako! Ano ba?!” naiiyak kong sabi pero wala siyang pakialam.“I told you not to go to school, pero ginawa mo pa rin at talaga. May lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin!” galit na galit niyang sabi saka ako tinulak dahilan para masubsob ako sa coffe table.“Finals na Lucas at alam mo iyan… Hindi puwedeng masayang ang mga pinaghirapan ko,” puno ng tapang kong sagot sa kaniya.“Hindi ka na dapat nag-aaral Erem! Isa pa, asawa na kita kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto ko!” giit niya sabay hila sa buhok ko.“Sinusunod naman kita Lucas ah! Pinagsisilbihan pa nga kita,” sabi ko dahilan para mas sabunutan niya pa ako. “Nasasaktan ako Lucas! Ano ba?! Bakit mo ba ako ginaganito? Wala naman akong ginawang mali sa iyo!” Hindi ko na napigilang umiyak.Kahit anong pilit ko na alisin
KABANATA 7Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo
KABANATA 8Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa. Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsur
KABANATA 9Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko. Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan. Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas. Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong m
KABANATA 10“At sinong nagsabi na puwede kang umalis sa bahay na ito Erem?!” mataray na tanong sa akin ni attorney Amanda habang pababa ako ng hagdanan at bitbit ang bag ko. Mababakas sa mukha niya ang pagka-inis sa akin dahil sa mga oras na ito ay sinusuway ko ang mga gusto niya pati na rin ang bilin ni Lucas.Pero wala akong pakialam. Basta sa mga oras na ito, gusto kong makaalis sa lugar na ito bago pa ako magawan ng masama ng daddy ni Lucas. Buo na ang desisyon ko, aalis ako sa mansion nila kahit na ang kapalit pa ng gagawin ko ay ang pananakit ni Lucas sa akin oras na makabalik ito mula sa Italy. Hindi ako safe sa mansion ng mga Sandoval lalo na kung nasa paligid ang Daddy ni Lucas. Hindi ko lubos maisip na sa maamo at mabait niyang mukha ay may pagnanasa pala siya para sa akin.“Uuwi na po ako sa bahay namin at doon ko hihintayin si Lucas,” walang buhay kong sambit nang tuluyan na akong makababa ng hagdanan at matapang na sinalubong ang galit na tingin ni Attorney Amanda sa ak
KABANATA 11Kasunod ng malakas na sampal ay isang suntok naman sa sikmura ang natanggap ko kay Lucas. Halos mamaluktot ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Sa mga oras na ito, bakas sa mukha ng asawa ko ang labis na galit at natatakot ako sa awra niyang iyon, kaya kahit masakit pa ang sampal at suntok niya sa akin ay sinubukan kong gumapang palayo mula sa kinatatayuan niya, pero sadyang mabilis si Lucas at kaagad niya akong nahigit pabalik sa harapan niya.“L-lucas nasasaktan ako, ano bang kasalanan ko sa iyo?” utal at naiiyak kong tanong nang hawakan niya ako mula sa panga habang nakalupasay ako sa sahig ng kuwarto ko.Puno ng pagtataka ang isip ko kung bakit nandito kaagad siya gayong ang alam ko ay nasa Italy siya at sa susunod na linggo pa ang balik niya. Marahil ay nagsumbong ang mga magulang niya sa kaniya ng mga bagay na hindi totoo kaya dali-daling bumalik dito sa pilipinas si Lucas para lang saktan at parusahan ako. Sigurado ako na hindi sinabi ng mga ito ang totoo para mas ga