Share

Chapter 14

Xeia's POV

Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso?

"Hey, hey!" sigaw niya at saka pinatay ang TV. Hinawakan niya ng braso ko at saka hinatak palabas ng kwarto niya.

"Nanonood ka pala no'n?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala, ha? 'Yon ba ang kinakaabalahan niya maghapon? Lagi?

"Don't say anything," aniya. Aakto naman niya na isasara ang pintuan pero napiligan ko siya. "Alis."

"Okay, lang 'yan. Lalaki ka naman, e. Kahit sino pwede manood niyan," natatawa kong sabi.

Naka-poker face lang siya. Walang sinasabi at walang ginagawa.

"Bakla ka ba?"

"What?" gulat na tanong niya.

"Bakla ka ba kako?" Ang lapit lapit na, e, hindi pa rin narinig?

"No, I'm not," walang emosyon niya sabi. Hindi lang ako makapaniwala sa nakita. Gusto ko lang itanong kunga gay ba siya. Hindi ako judgemental, huh, pero parang gano'n na nga. Char!

"E, bakit nanonood ka ng k-drama?" Tanong ko. Madalas ko kasing nakikitang nanonood ng k-drama ay mga babae, e. Bilang lang ang mga lalaki peeo hindi ko inaasahang kasama siya ro'n.

"Why? I didn't ask you if you were a lesbian when I found out you were watching boxing videos," aniya. Boxing? Paano niya nalaman? Aish, gusto ko ng mga gano'n, e. Pake ba niya? Gamitin ko pa sa kaniya mga nalalaman ko sa boxing, e.

"Bakla!" sigaw ko sa kaniya bago niya tuluyang maisara ang pinto. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa hagdan para makababa na.

Kaya pala maghapon siya sa kwarto niya, ha? Nanonood pala ng k-drama. Psh. Kalalaking tao, HAHAHA. Wala namang masama manood no'n pero gagi kasama pala siya sa mga lalaking nanonood ng k-drama.

"Xeia? Bakit ka tumatakbo? Baka mahulog ka sa hagdan sa ginagawa mong 'yan," sambit ni Manang nang makasalubong ko sa baba. Napatigil naman ako sa pagtakbo. May dala-dala siyang pitsel na may lamang tubig. "O, 'bat ka ngumingiti diyan?"

"Ah, wala po Manang," sabay tiklop ng bibig. "Nasaan po si Ma'am Madi? Tapos na po ba siyang kumain?"

"Nandoon sa hapag, kumakain pa. Naibigay mo na ba kay Sir 'yung hapunan niya?"

"Opo, naibigay ko na po," tugon ko. Bigla akong natawa nang mabanggit ang pangalan niya, naalala ko na naman 'yung reaksyon niya nung tinanong ko siya kung bakla ba siya. Hindi na maipinta ang mukha niya.

"Tsk, tsk. Mahirap 'yan, iha. Tumatawa ng walang dahilan," sabi niya. Nagulat ako sa sinabi ni Manang, nasa harapan ko pa rin pala siya.

"Tara na ho, Manang," aya ko na lang sa kaniya. Tumungo na kami sa hapag kainan. Nasa gilid, nakatayo sila Kyla at Lana, naghihintay sa utos ni Ma'am. Hindi ko naman makita si Thalia, nasa kusina ata. Tumabi ako kila ate Kyla.

"Hindi talaga bababa si JD?" Ttanong ni Ma'am Madi.

"Hindi po, sure po ako," sagot ko, natatawa na naman. Ewan ko ba, baliw na ata ako. "Busy po, e."

"What are you laughing at?"

"Ah.... Kasi Ma'am.... Alam ko na ho kung bakit maghapon si Sir sa kwarto niya," tugon ko. Ano kaya magiging reaksyon niya kung malaman ni Ma'am na ang anak niyang lalaki, lalaki nga ba? E, nanonood ng oppa. "Na-"

"Nag-e-edit ho kasi ako, tita," putol sa sinabi ko. Lumingon ako sa may pinto. Nagulat ako nang si JD ang nakita ko. Pffft, bumaba ba siya para pigilan akong sabihin sa kanila. Bakit? Totoo bang bakla siya?

Wait. Tita? Hindi niya nanay si Ma'am Madi? Sino ang nanay niya kung gano'n?

"O, I thought you wouldn't go down?" Tanong ni Ma'am nang makita si JD. Naglakad siya papunta kay Ma'am at nakipag-beso at saka tinignan ako ng masama. Umupo siya sa kanang bahagi ng lamesa. Bale nakatapat kaming helera sa direksyon niya.

"Nawalan ho kasi ako ng ganang kumain mag-isa," tigon niya sabay tingin na naman sa akin. Ako na naman? Kumuha naman si ate Lana ng pinggan para may pagkainan si Sir.

"Why are you always in your room? Hindi mo ako sinasamahang kumain," parang batang nagtatampong sabi ni Ma'am. May pagka-bipolar 'to si Ma'am, e. Minsan ang seryoso kaya aakalain mong galit. Minsan naman ang bait, tapos ngayon 'eto.

"I'm editing video," tugon niya, tumingin na naman sa akin. Dumating na si ate Lana at hinainan si Sir, tumanggi naman siya. "Ako na po."

Marunong pala siyang mag-po?

"Wala ng iba?" tanong na naman ni Ma'am. Ma'am, kung alam niyo lang. I'm sure na hahalaklak kayo.

"Wala ng iba. Wala," aniya. Aysus, takot malaman ng lahat. Nandito pa naman sila ate Kyla at Lana, si Manang pa.

"E, ikaw Xeia? 'Di ba may sasabihin ka?" Nilingon naman ako ni Ma'am.

"An-"

"Wala, wala siyang sasabihin," sabat ni JD. 'Bat ba ang hilig niya mamutol ng sasabihin ko?

Tinignan niya ako na parang naghahamon. Ah, ganyanan pala, ha? Bahala ka diyan. Kapag wala ka ay may pagkakataon akong sabihin kung ano talaga ang ginagawa mo maghapon sa kwarto mo. Edit? Edit-edit ka pang nalalaman. Ulok.

Nagpatuloy silang kumain at kami ay nanatiling naghihintay ng i-uutos nila. Mamaya pa kami kakain kapag natapos na sila. Maaga naman silang kumakain, e. Seven pa nga lang. Kumakain kami sa bahay ay seven or nine na ng gabi.

"Tita, mamaya na kayo mag-cellphone. Kumakain pa, e," suway ni JD kay Ma'am. Aba, alam niya din pala ang mga ganiyan, ha?

Gumagamit kasi si Ma'am ng cellphone habang kumakain. Halos tutok na tutok nga siya ro'n, e.

"Wait lang, JD," tugon niya. Nakatutok pa rin sa cellphone. "Bumibili ako ng ticket. Baka maubusan ako, e."

"Anong ticket?" tanong ni JD sabay subo ng pagkain. "Makakapaghintay naman 'yan, e."

"Hindi 'to makakapaghintay," tugon niya. Anong ticket naman 'yon? "Ayun! Meron akong ticket." Masayang sabi ni Ma'am. Anong ticket naman 'yan at ganiyan kasaya si Ma'am. "Gusto mo bilhan rin kita? Kayo, gusto niyo?" Tanong niya kay JD at sa amin.

"Para saang ticket ba 'yan, tita?"

"Kay Song Jung-Hyun," sagot niya.

Bigla ako napaubo sa sinabi ni Ma'am at si JD naman ay nabulunan.

"Oh my! Are you okay? Dahan-dahan lang kasi sumubo," sabi ni Ma'am kay JD habang

pinapainom ng tubig.

"Kay ano po?" tanong ko. Baka namali lang ako ng dinig sa sinabi niya.

"Kay Song Jung-Hyun," sagot niya. Napaubo na naman ako. Tama nga. Kay Jung-Hyun talaga? Hindi ko alam na fan pala siya ng lalaking 'yon, ha?

"Fan ka po pala niya?" tanong ko. Nilingon ko naman si JD, ang sama na naman ng tingin. Bakit ba? Hindi naman ako nag-open ng tungkol sa koreano, ha? Nagtanong pa kasi siya.

"Super!" tugon niya. "He has angelic eyes." Tuwang-tuwang sabi pa niya na parang nasa harapan niya si Jung-Hyun. Kapag nalaman mo lang Ma'am. Naku! Kaya kitang dalhin mismo sa harap ni Jung-Hyun.

"Ako din po, fan niya po ako," sagot ko. Sinamaan naman ako ni JD. Bakit? Totoo naman, ha? Simula't sapul ay fan niya na ako, kaming dalawa ni Colline. Lowkey fan.

"Omo! Really?" tanong niya. "Gusto mo sumama sa akin sa concert niya?"

"Pupunta po talaga ako. Meron na po akong ticket," sabi ko.

"Meron ka na? Ang bilis naman," aniya.

"Kasi h-"

"Aakyat na ako," biglang sabi ni JD. Ang hilig talaga niya mamutol ng sasabihin ko. Tumayo siya at tumungo sa pinto.

"Ikaw JD? Sasama ka sa amin?"

Tumigil siya at lumingon siya kay Ma'am at sa akin, siningkitan niya ako ng mata. Naasar na ata siya. HAHA. Umalis siya ng walang salitang binitiwan.

Iling-iling naman si Ma'am sa biglang pag-alis ni JD. Bababa tapos agad na aakyat din agad. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status