Share

Kabanata 14

PASADO alas-sais ng umaga nang makarating sa bahay nila si Jewel. Kahit wala pang tulog ay hinarap na muna niya ang pagluluto ng agahan dahil mamaya lang ay gising na ang kanyang ina, papasok pa ito sa trabaho.

Pag-aari ng kanilang pamilya ang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Mama Sonia. Gusto niya itong tulungan ngunit ayaw nitong pumayag. Isa raw siyang kahihiyan oras na malaman ng mga empleyado at mga kasosyo sa negosyo kung makikita siya ng mga ito. Makuntento na lang daw siya sa pagiging alila.

“Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”

Napaigtad siya sa gulat. Hindi niya namalayan ang pagpasok sa komedor ng ina. Mabilis siyang kumilos.

“Ma, baka matupad ko ang pangarap mong gawin ni Ate Vivian para sa ‘yo,” pabatid niya habang dinudulog ang kape nito.

“What the hell do you mean?” Natigil ito sa paghahalo ng kape.

“Hindi po magtatagal, magkakaroon ka na ng pinapangarap mong apo,” pahayag niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha.

Nakita niya ang malaswang ngi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status