Sino na naman kaya ang bagong character? Pasensya po hindi nakapag-update kahapon, please be informed po, huli ko na po na-check na may kulang po na paragraph sa last part ng Chapter 40, punta po kayo sa setting niyo then clear cache po, para ma-update kayo sa kompleto po na Chapter 40. Shout out lang po sa 7 kahapon nag-add nitong story sa library nila, salamat unlimited po. Ganun din po kina Madam Iagiba Otiran at Elisa Martinez Mart sa pag-follow, a bunch of thanks! Sa lahat po ng sumusubaybay thank you unlimited! Baka makaipon po kayo ng gems, share niyo po sana sa book ko! Once again, thank you unlimited!
Despite the sudden surge of anxiety flooding her chest, driven by uncertainties about the aristocratic woman's motives and intentions, she held onto her professional smile. Yet, beneath the facade, hints of weariness or other emotions may have subtly lingered.Bago pa man makapagsalita si Marga ay nakuha ang kanyang atensyon sa pagtunog ng elevator at nakita niya sa reflection ng panel ang unti-unting pagbukas ng pinto.Agad din niyang ibinaling ang atensyon sa mala-aristokratang babae. “Yes, po. I’m Margarette Atillo. How may I help you po?” magalang niyang tugon, saka inilahad ang kamay rito. Gumuhit ang masayang ngiti ng babae at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "I'm grateful I came straight to you, Margarette. It appears my brother wasn't wrong in making excuses for me; he'd go to any lengths just to get you," she exclaimed joyfully, her voice infused with intense admiration and contentment, her eyes reflecting the same emotions.Biglang nanigas ang kanyang ngiti at isang ba
Join Xander in building your future together… pag-uulit ng kanyang diwa. “Uhm, ano–uhm,” nauutal niyang sabi, trying to find the right words to say, she paused, collecting her thoughts. Hindi siya pwedeng tumunganga na lamang dahil baka tuluyan siyang mabaliw kung hindi siya malilinawagan sa pagkakataong ito.“Hi-hindi pa po namin napag-uusapan ni Xander ang bagay na ‘yan, Ma’---Ate, eh. Ang nabanggit kasi niya sa’kin—-ano—uhm—,” she paused to clear her throat, grappling with how to articulate her intentions. How could she broach the subject delicately, especially knowing that, as Xander's eldest sister, she was well aware of her brother's arranged marriage?“Fine—fine, I understand if you haven't discussed it yet. I don't want to meddle in Xander's personal decisions regarding your future together," she interjected, perhaps sensing her struggle to respond, iwinasiwas pa nito ang isang kamay habang nagsasalita."After meeting you today, Margarette, I want you to know that I support y
"You seem preoccupied, Magz, and it's the first time I've noticed this distraction in you. Is something weighing on your mind?" seryosong tanong sa kanya ni Jhadie, salubong ang mga kilay at mariin siyang pinakatitigan.Napahawak siya ng mahigpit sa hawak na ballpen. Talagang hindi niya nasundan ang diskusyon nila dahil nilukob siya ng sarili niyang kaisipan. Hindi pa siya nakakahuma sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Xander ay dumagdag pa ang kanyang Boss. Kahit saang anggulo niyang tingnan ay tunay na involve si Miguel sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Xander. Lalo na't bumitiw siya ng salita rito na hindi ang tipo ni Xander ang kanyang magugustuhan. Tapos, darating iyong sandali na malalaman na lang nito na nakikipaghalikan na siya sa matalik na kaibigan nito at hinayaan na mahawakan ang isa sa pribadong parte ng kanyang katawan. Iniisip niya pa lamang iyon ay nawiwindang na siya!Gusto niyang pagalitan ang sarili pero alam niyang wala na siyang magagawa pa sa mga nangy
Panay ang kanyang pagbuntong-hininga para mapakalma ang bawat himaymay ng kanyang kalamnam. Punong-puno ng samu't saring emosyon ang kanyang dibdib pero kahit paano nasa tamang huwesto ang kanyang pag-iisip. Kaya sigurado siya na magagawa niyang tumugon ng maayos kung anoman ang kahaharapin niyang katanungan mula sa kanyang Boss.Kung kinakailangan niyang sundin ang pinayo sa kanya ni Zhavie ay gagawin niya. Hindi niya talaga pwedeng ipaalam rito ang naging pagsasama nila ni Xander sa iisang kwarto. Aminado siya na darating ang panahon na malalaman nito ang naging involvement niya sa matalik nitong kaibigan, pero hindi muna niya iisipin iyon. Panatag ang loob niya na hindi rin iyon hahayaan ni Xander. Panghahawakan niya ang mga salitang binitawan sa kanya ng pilyong binata. Sumenyas sa kanya si Rhea na pumasok agad nang makita siya nito pagkalabas pa lamang ng elevator. She took a deep breath, inhaling and exhaling slowly, a ritual to steady her nerves and reassure herself that she h
Napalunok siya ng sunod-sunod dahil biglang dumilim ang gwapong mukha ng kanyang amo. Ramdam niya ang galit na sumilay sa mga mata nito. “Nakikipag-date ka na ba ngayon sa kaibigan ko, Marga?” dagdag nitong tanong, bumahid sa himig nito ang magkahalong inis at galit na nararamdaman.Naiwas niya ang kanyang paningin mula rito at napayuko. Hindi niya kayang labanan ang mga tingin nito sa kanya lalo na’t magsisinungaling na naman siya rito.Lumunok muna siya saka lumabi bago muli tinagpo ang paningin ng amo. Kitang-kita niya sa mukha nito na nagtitimpi ito sa gusto nitong sabihin o gawin sa kanya.“Tu-two weeks ago, po, Boss, nagkakilala po kami ni Zha—Ma’am Zhavie,” halos nauutal niyang sabi, marahan siyang huminga ng malalim para makalma kahit paano ang nabaliw niyang dibdib.Agad naglaho ang galit at inis na rumihistro sa maamong mukha ni Miguel at napalitan iyon ng pagtataka na tila pinipilit na may maalala.“Nagkataon naman po, after several days na nagkita kaming muli,” tumigil siy
Marahan niyang binawi ang mukha mula kay Miguel saka yumuko. Nasakop na naman ng sandamakmak na question marks ang diwa niya at naiinis siya dahil sa hindi maipaliwanag na damdamin ang lumukob sa kanyang dibdib.Kaya ba siya inaalok ng Ate ni Xander na samahan ito dahil kasa-kasama lang nito ang babaeng pakakasalan? Hindi niya naman nakakalimutan na ilang beses rin siyang inaalok ni Xander na mag-resign at samahan ito, pero talagang hindi niya lang inaasahan lahat ng mga nalalaman ngayon. Bakit nga ba hindi lang magawa ni Xander na sabihin sa kanya ang lahat? Mahigpit niyang nahawakan ang mga daliri, to contain the strange, sharp pain coursing through her veins, she felt the hairs on her neck stand up as the realization hit her.Isa nga lang talaga ang pakay sa kanya ni Xander, at dapat niyang protektahan ang sarili mula rito. Hindi niya dapat paniwalaan lahat ng sinasabi o effort na ginagawa nito para sa kanya. At mas dapat una niyang pahalagahan ang trabaho niya.Kaya sinikap niya
“This will be the last time I ask you this, Marga. Are you sure you'll let me do what I want to do to you tonight?” he warned huskily. His gaze stared down at her cleavage, smirking more broadly. He placed his finger under her chin and raised her head, ensuring that she was staring him in the eyes. She gave Xander a fierce look. She could see how much he wanted her from the look in his eyes. It was the third time that Xander asked her that way. She didn't expect that after several attempts to invite her to sleep with him, he would still ask her like this. She felt a mix of emotions within herself. The feeling of both fear and excitement coursed through her veins. The warmth of his deep breathing sent a shiver down her spine. “Gusto mo talaga na magbago pa ang isip ko?” naghahamon niyang tanong. He squinted his eyes for a few seconds, then his smirk grew, and he nodded in satisfaction. “Tonight, Marga, you will be mine. And you will never be able to get away from me. You are min
"Magz, pinapapunta ka ni Boss sa office niya," boses ni Ellen ang umalingawngaw sa kabuuan ng operation department.Napatingin siya sa direksyon ni Ellen na siyang kakapasok lamang ng kanilang opisina. Unlike other departments, where each one has a dedicated cubicle, their department office is different. Pagkapasok mo ay isang malaking round table meeting na good for 20 persons ang bubungad sa'yo. Nasa kanang bahagi ng pinto naman ang malaking organizer shelves na nakalaan sa bawat district team. Sa kabilang bahagi naman ay ang mga office supplies na nakalaan sa department nila at iba pang office equipment. At sa kaliwang bahagi ang malaking TV LED screen na nagsisilbing stage para sa presentation.Sinadya ang design dahil ang department nila ay hindi naman madalas sa opisina. Nasa field, nasa branch sila sa buong limang araw ng isang linggo. Napapadpad lamang sila ng kanilang opisina sa tuwing monthly or urgent meeting, product rollout or training, contract signing or franchise meet