Share

Chapter 5

Third person point of view

Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto niya ay may biglang sumabay sa kaniya at umalalay. "Ma'am pasensya ka na ha, nasaktan ka pa tuloy ni Sir Arisson." hinging paumahin ng katulong na sinesante ni Arisson kanina.

"Ano ka ba wala iyon ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo kasi dahil sa'kin nawalan ka ng trabaho, pero masaya ako na sa'kin ka na magta-trabho ngayon, ano nga pala ang pangalan mo?"

Napangiti ito pagkarinig sa sinabi niya, "wala po yon mam, masaya din po ako na sa inyo na po ako magta-trabbaho, ako nga po pala si Mary. Tara na po mam ihahatid ko na kayo sa kwarto." wika nito na inilingan niya. "Okay na ako, magpahinga ka na lang, gabi na din." Tumango ito at tuluyan na siyang iniwanan. Nang mag-isa nalang siyang naglalakad ay magkakasunod ng tumulo ang luha niya, pinunasan niya ito pero para itong tubig sa isang dam na hindi maubos-ubos kaya sa huli ay hinayaan nalang niya ito hanggang sa makarating siya sa kaniyang silid.

Pagkapasok niya sa kwarto niya ay hindi na siya nag-abala na alisin ang suot niyang dress, pagod na ibinagsak niya ang katawan sa kama pero kaagad din siyang napatagilid ng maramdaman ang sakit ng pasa niya sa likod. Habang nakatagilid siya ay kinapa niya ang isang larawan na tinago niya sa ilalim ng unan niya, muling tumulo ang luha niya ng makita niya ang nakangiting mukha ng boyfriend niyang namayapa, "Seb, bakit kailangan mo akong iwan kaagad?" Tanong niya sa larawan nito kahit alam niya na hindi naman ito sasagot, muli na naman niyang naalala ang mga nangyari sa nakaraan, kung saan binuwis nito ang sariling buhay para lang sa kaniya.

______

Hindi alam ni Arisson kung gaano na siya katagal nakatayo lang sa tapat ng kwarto ng kaniyang asawa. Kanina niya pa gustong pasukin ito pero hindi niya magawa dahil napangungunahan siya ng pride at takot na baka magalit ito sa kaniya at ipagtabuyan siya kaya hindi siya nagtatangkang pumasok sa kwarto nito.

"Fuck!" Minura niya ang sarili sa pag-atubili niyang pumasok. Mabuti nalang at wala si Brenda kaya nagkaroon siya ng oras para puntahan si Joana Mei, isang bagay na hindi niya maintindihan kung bakit niya ginagawa gayong galit na galit siya dito.

Nang desidido na siyang pumasok sa kwarto nito ay hinawakan niya ang doorknob at handa na sana itong pihitin ay napahinto siya dahil nakarinig siya ng mahihinang paghikbi. Nasaktan siya sa narinig niyang paghikbi nito kaya naman napabitaw siya sa doorknob at dahan-dahan sumandal sa pader habang hawak ang naninikip na dibdib.

Lumipas ang tatlong oras ay tumahimik na ang paligid, sinamantala na niya ang pagkakataon para pumasok sa kwarto ng asawa, napahinga siya ng maluwag ng hindi naka-lock ang kwarto nito. Bago siya tuluyang pumasok ay tumingin muna siya dito kung gising ito at nung masigurado na tulog na ito ay saka siya dahan-dahan na naglakad papunta sa kamang kinaroroonan nito.

Nang makalapit siya dito ay nakita niya ang bakas ng luha sa mga mata nito pero hindi nakaligtas sa kaniya ang bagay na yakap nito. It was a picture of her and a guy, ibayong sakit ang naramdam niya. Ayaw niyang isiksik sa isip niya na nagseselos siya na may ibang lalaki na iniiyakan ito pero hindi niya maitatanggi sa sarili niya na gusto niya ay siya lang ang tanging tao na pwedeng makalapit dito.

Iginala niya ang paningin sa kabuuan nito at nakaramdam siya ng habag na makita niyang hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Nagbuntong hininga siya at kaagad na pumunta sa banyo para kumuha ng ointment. Paglabas niya ng banyo ay naglakad siya pabalik sa kinaroroonan nito at dahan dahan siyang naupo sa kama.

Tinitigan niya ang likod nito at madiin na napakuyom ang kamao niya ng makita ang may kalakihang pasa ang sumisilip sa likod nito dala ng pagkakatulak niya, dahan-dahan niyang binukas ang zipper ng suot nitong dress at pigil ang hininga na nilagyan niya ng ointment ang pasa nito.

Pagkatapos niyang lagyan ng ointment ang likod nito ay sinunod niyang lagyan ang braso nitong mayroon marka ng kamay niya.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bago siya umalis sa kwarto nito ay h******n niya muna ang mga pasa nito. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at binulong niya ang dalawang salita that he am dying to say it to her, "I'm sorry."

_______

Pigil ni Joana Mei ang sarili na mapadilat lalo na ng maramdaman niyang lumapat ang labi ng asawa sa likod at braso niya. She's dying to look at him lalo na ng nag-sorry ito sa kaniya. Pero hindi siya gumawa ng kahit anong reaction, ninamnam niya ang bawat segundo na walang mahalaga para dito kundi ang magamo siya.

Saka lang siya tuluyang dumilat ng nawala ang presensya nito sa kaniyang silid. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, naiinis siya dahil sa ginawa nitong pananakit sa kaniya pero may isang bahagi sa kaniya ang natutuwa dahil naramdaman niya ang pagsisisi at concern nito. Ito din ang naging dahilan para payapa siyang makatulog at nasasabik na harapin ang umaga knowing na magiging maayos na ang turing nila sa isa't-isa.

________

Meanwhile....

Habang naglalakad pabalik sa kwarto si Brenda ay nakita niya ang kasintahan na nakatayo sa harap ng kwarto ni Joana Mei.

Kaagad na nag-ngitngit ang ngipin niya sa galit, "hayop kang babae ka, inagaw mo na sa'kin ang boyfriend ko sa pagpapakasal mo sa kaniya pati ba naman ang pagmamahal nito ay plano mong kunin? Hindi ako makakapayag, gagawin ko ang lahat para hindi ka maging masaya." Nag-ngitngit at nanginginig sa galit na bulong niya.

Isang tao lang ngayon ang pumasok sa isip niya, si Lauren. Nagkublis siya sa vase na kasing-taas lamang niya at tinawagan ito.

Bago pa bumalik ang boyfriend niya sa kwarto nila ay tinawagan na niya ang kaibigan niya. "Hello Lauren, I need your help." Ito ang naging pambungad niya kay Lauren ng sagutin nito ang tawag niya.

Lauren Wy is her best friend since college katulong niya ito sa lahat ng bagay. At kapag sinabi niyang sa lahat ng bagay? Ay lubos talaga lalo na kapag may kinalaman sa boyfriend niya. Kaya ito ang hiningan niya ng tulong ay dahil alam niya na handa itong manakit ng kahit sino alang-alang sa pagkakaibigan nila.

"Wow! The great Brenda Pulido Vasquez, is asking me for help? It must be something." Napairap siya dahil sa pagiging pilya nito pero malaki ang tulong nito sa kaniya lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

"I'm serious Lauren, it's about Arisson,"

Natahimik ang nasa kabilang linya pero panandalian lang 'yon dahil muli niyang narinig ang boses nito. "I heard about your boyfriend and his arranged marriage." Wika nito na sa pagkakataong ito ay puno na ito ng kaseryosohan, wala na ang pilyang si Lauren Wy.

"That's my problem, Lauren. It feels like Arisson has a feeling for her already, he hasn't realize it yet." Malungkot na tugon niya. Napabuntong hininga naman ang kausap niya, "okay, may naisip ka na bang plano?" Tanong nito sa kaniya.

Napangisi siya dahil isa-isa ng pumapasok sa isip niya ang mga bagay na gusto niyang mangyari, "gusto kong takutin mo siya. Alam mo na ang dapat gawin."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
Hi po sana ay masuportahan ninyo ang story ni Leslie kapatid ni Joana Mei
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status