Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S
“Happy birthday, anak! Kailan ka mag-aasawa?” bungad ng nanay niya kahit kakagising niya lang. “Tumayo ka na riyan. Nagluto ako ng spaghetti para sa ‘yo.” Iminulat ni Samantha ang mga mata niya habang nagmumura nang sunod-sunod na ipinababawal na mga salita sa kaniyang isipan. Dalawampu’t siyam na taon na siya ngayong araw. Walang asawa, walang boyfriend, walang manliligaw, at wala man lang siyang kalandian sa chat pero tinatanong siya ng nanay niya kung kailan siya mag-aasawa. Mas gusto niyang manood ng cat videos kaysa gumawa ng account sa dating apps, masama ba iyon? “Talaga ba, ‘Nay? Iyan kaagad ang bungad niyo sa ‘kin?” Kinamot niya ang buhok niya sa likod at tamad na tamad na bumang
“Po?” Tiningnan ni Sam ang bisita nila mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mamahaling suit at may apat na lalaking may malalaking katawan sa likod nito na halatang mga bodyguards nito. Pero ang nakatawag ng pansin sa kaniya ay ang alon-alon at mamula-mulang kulay ng buhok nito kagaya ng sa kaniya. “Sam, sino ba iyan?” tanong ng tatay niya na sumilip na rin sa pinto. “Sino po sila?” “Ako po si Peterson Viray. Ako po ang biological father ng anak niyo.” Kinuha ng lalaking nagngangalang Peterson ang papel mula sa lalaking nasa gawing kanan nito at ipinakita iyon sa kanilang mag-ama. “Nandito po ang paternity test na ipinagawa ko para masigurong nahanap ko na ang anak ko na si Marion, I mean, Sa
Muling nilingon ni Peterson ang kaniyang anak bago siya tuluyang lumabas ng pintuan ng bahay ng mga ito. Katamtaman ang laki ng bahay ng mga Reyes at mukhang hindi naman naghihirap ang mga ito kaya bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mabilis naman ang pagkilos ng mga bodyguards niya para lumapit sa kaniya. “Tara na, babalik na tayo sa opisina,” utos niya sa mga ito. Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa mga bodyguard niya kaya umakyat na lang si Peterson sa sasakyan. Dahil siya ang CEO ng pinakamalaking bangko sa Pilipinas, nag-iingat rin siya kaya naman palagi siyang may kasamang mga bodyguard. Dahil nasa ma-taong lugar at maraming kabahayan ang pinuntahan nila, kinailangan niyang umalis rin kaagad dahil masyadong malaki ang sasaky
Araw na ng sabado, dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ni Samantha, saka lang nakauwi ang kaniyang kapatid mula sa Maynila. Hindi kasi pwedeng basta na lamang umalis ang kaniyang kuya sa trabaho nito dahil inaasahan din ito ng kanilang engineer sa paghawak ng mga trabahador sa construction site. Ngunit dahil sa tanong na hindi pa rin nila masagot, pare-parehas silang hindi mapalagay. Walang gustong magbukas ng topic tungkol sa paternity test kaya naglakas-loob si Samantha na magsalita. “Ang mabuti pa… Ako na lang ang tatawag kay Mr. Viray. Mas maganda kung malalaman natin ang totoo sa lalong madaling panahon, ‘di ba?” “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ng kaniyang Kuya Tyron. “Oo nga, Sam…
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon. “Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson. Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang
“Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon. “Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya. Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabig